chapter 39

269 15 12
                                    

Nakapameywang ako habang masama ang tingin kay zeken na nakaupo sa harapan ko. Hindi nito magawang tumingin sa'kin.

"Ang gago mo, zeken. Napakagago mo." Singhal ni maze kay zeken

"Bakit mo nilagyan ng sex drugs yung kape ni ellias, zeken?" Kalmadong saad ko

Tahimik lang na nakikinig at nanonood si maximus ngunot masama ang mga tingin nito kay zeken

"H-hindi ko alam na sex drugs 'yun! Ibinigay lang yung nung babaeng nakasama ko..." pahina nang pahina ang boses nito habang sinasabi 'yun

"Sabi naman kasi sa'yo! 'Wag kang tanggap ng tanggap ng mga regalo d'yan sa mga babae mo! Hindi ka naman kasi nag iisip, zeken!" Bulyaw ni maze sa kaniya.

Ngayon ko lang itong makitang magalit dahil kung tutuusin lagi siyang kalmado.

"Hindi ko nga alam! Hindi ko alam na nagkapalitan kami ng kape! Saka naiinggit kaba dahil marami akong natatanggap na regalo mula sa mga babae kaysa sa'yo?" Nakangising saad ni zeken na ikinagulat ko

"Gago ka ah?!" Nagulat ako nang biglang suntukin ni maze si zeken na agad namang inawat namin ni maximus "Wala akong paki alam sa mga babae mo! Mas lalong wala akong paki alam sa mga regalong natatanggap mo. Ang akin lang! 'Wag kang gago! Imbes na magsorry ka, umaakto ka pang tarantado!" Bulyaw ni maze kay zeken

"Huminahon kayo!" Sigaw ko saka hinawakan sa balikat si maze para ilayo

"Ano bang paki alam mo?! Wala namang nangyaring masama d'yan kay ellias ah?!" Bulyaw naman ni zeken saka akmang susugod nang pigilan siya ni maximus

"Zeken!" Saway ni maximus habang pinipigilan itong makalapit kay maze

"Tangina mo, zeken! Dahil dun sa walang kwentang sex drugs na 'yun, muntikan pang mapahamak si alesxia! Muntikang may gawin si ellias sa kaniya!" Bulyaw ni maze saka pinipilit na pakalmahin ang sarili kaya marahan kong hinaplos ang likod niya para mas pakalmahin siya

"Ayun! Hindi ka nag aalala kay ellias! Nag aalala ka kay alesxia! Wala namang nangyari sa kanila ah?! Hindi ko kasalanan 'yun! Hindi ko kasalanan kong muntikan nang galawin ni ellias si alesxia--"

Hindi ko ito pinatapos at sinampal siya ng pagkalakas lakas. "Hindi ko na nagugustohan mga lumalabas sa bibig mo, zeken." Seryosong saad ko na ikinatahimik nila

Masamang tumingin si zeken kay maze bago tumingin sa'kin, biglang lumambot ang tingin nito sakin. Agad itong tumalikod at umalis sa kinaroroonan namin

Napabuntong hininga ako. Nakita kong napahilamos ng mukha si maze saka tumingin sa'kin. Lumapit sa'kin si maximus.

"Are you okay?" Nag aalalang tanong nito na ikinatango ko lang

Ilang minuto kaming tumahimik at inisip ang nangyari.

"Aalis na muna ako. Siguradong nag aalala na ang mga kaibigan ko. Kayo na ang bahala kay ellias." Tumango lang ang dalawa

"I'm sorry, alesxia. We'll talk to him." Saad ni maze

"Okay lang 'yun. Sige, aalis na ako." Nakangiting saad ko saka tinapik ang balikat nilang dalawa at naglakad na paalis.

Pagkalabas na pagkalabas ko at nakita ko si zeken na nakaupo at nakasandal ang likod sa pader. Nakayuko ito at kita ko ang kamay nitong may sugat at dumudugo.

Nag aalalang lumapit ako rito saka hinawakan ang kamay niya't sinuri ito. Nakita kong nagulat ito at napatitig sa'kin

"Alesxia..." sambit nito at parang naiiyak na nakatitig sa'kin

"Anong nangyari sa kamay mo? Bakit may sugat at dumudugo?" Tanong ko saka tigninan siya sa mata.

Hindi ito sumagot at nakatitig lang sa'kin. Kita ko ang paglandas ng luha niya habang nakatitig sa mga mata ko.

"I... I'm sorry... alesxia, I'm sorry. H-Hindi iyon ang ibig kong sabihin... s-sorry--" humagulgol ito na parang bata sa harap ko.

Humigpit ang hawak at kapit nito sa kamay ko habang umiiyak sa harapan ko. Umiiling pa ito at hindi makapagsalita dahil sa hagulgol niya.

Nagbuntong hininga ako saka hinawakan ang mukha niya't pinahid ang mga luha.

"Shh... okay na, hush... tahan na, zeken." Mas humagulgol pa ito kaya niyakap ko siya.

Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko habang patuloy parin sa pag iyak.

Pansin ko yung pagiging iyakin ng mga lalaki ngayon. Ang angas angas ng dating pero parang bata pag umiyak.

"Tama na. Hindi ka dapat sa'kin nags-sorry. Kay ellias ka mag sorry kasi sa kaniya ka may kasalanan." Malambing kong saad.

"Na... n-nasabihan kita nang ganun... sorry... h-hindi ko...." putol putol na saad nito saka humigpit ang yakap sa'kin

"'Wag kanang umiyak. Okay na sa'kin 'yun. Basta kung alam mong ikaw ang mali magsorry ka agad, okay? Para hindi na lumala yung gulo." Marahang kong saad.

Tumango tango ito habang nakasiksik parin ang mukha sa leeg ko.

"P-promise... mags-sorry ako... mags-sorry ako kay ellias. Pati narin... sa kanila... maximus at maze... promise, alesxia... sorry..." parang batang saad nito na ikinangiti ko

Hinawakan ko ang balikat niya saka ang mukha niya at hinarap ito sa'kin. Pinahid ko ang luhang tumutulo galing sa mata niya. Kita kong kumakalma narin siya.

"Good boy naman pala ang zeken na 'yan eh." Nakangiting saad ko habang pinapahid ang mukha niyang puno ng luha at pawis.

Sumisinghot pa ito habang nakatitig sa'kin.

"Hindi... hindi kana galit sa'kin?" Tanong nito habang nakatitig sa mata ko

Natawa ako. "Hindi ako galit. Nainis lang sa sinabi mo pero okay na. Magsorry kana lang sa kanila, naiintindihan moba 'ko?" Marahang saad ko na ikinatango niya ng tatlong beses

"Pa'no ba kasi nainom 'yun ni ellias 'yun. Pa'nong nakainom siya ng ganun?" Tanong ko

"Hindi ko naman alam na sex drugs pala 'yun eh. Sabi kasi nung babae nagpapawala daw 'yun ng sakit sa ulo kapag nilagay sa kahit anong inomin. Kaya ayun, sinubukan ko. Humingi rin kasi ng kape si ellias ng kape kaya pinagtimpla ko rin siya pero hindi ko 'yun nilagyan ng gamot na 'yun! Hindi ko alam na nagkapalit pala kami ng kape kaya nainom niya 'yun! Promise! Hindi ko talaga 'yun sinadya!" Mahabang paliwanag at parang batang saad nito 

"Saka kaya mainit yung ulo ko kanina dahil sa babaeng nagbigay sa'kin nung sex drugs. Bigla niya kasi akong kinagat sa leeg. Ito oh, tignan mo. Namumula siya, ang sakit nga eh." Dagdag pa nito saka ipinakita ang leeg niyang may mga pulang marka.

Hindi ko maiwasang matawa at mapangiti habang pinapanood siyang magpaliwag at magkwento.

Kahit pala tarantado at babaero ang lalaking 'to, may pagkainosente parin ito. Hindi ako makapanewala.

~~~

I'm sorry at ngayon lang nakapag update😭. Tinamad kasi ako chars. Btw enjoy reading. Loveumwaa!

Scarlet.

Reincarenated In Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon