ALESXIA
Hindi ko alam kung bakit ako nandito at nakaupo sa isang upuan na parang isang maamong tuta. Nandito kami sa isang restaurant na malapit lang sa park
Kasama ko ngayon ang cute na si shin na nagpapasubo sa'kin ng pagkain at ang kuya nito na ang pangalan ay aiden. Mariin ako nitong tinitignan na para bang isang maling galaw ko lang tanggal ang ulo ko
Kanina kasi ay ayaw umalis ni aushin sa pagkakayakap sa'kin at nagsungit pa ito sa yaya niya at butler. Sinungitan rin ni shin ang kaniyang kuya na ikinabigla ko talaga. Buti nga at sobrang bait nito sa'kin at nakikinig pagsinusuway ko pero ayaw niya naman akong bitawan kaya't no choice ang kuya nito at pinasama ako
Kung pwede lang talagang umalis na dito, nakakaputangina kasi ang titig nitong kuya ni baby shin eh.
"Do you like it, baby?" Malambing kong tanong kay shin at hindi pinansin ang mariin na titig nitong kaharap ko
Kaharap ko kasi ang kuya ni shin habang katabi ko naman si baby shin, gets?
Nakita ko naman ang pagtango ni shin habang ngumunguya kaya hindi ko maiwasang mapangiti sa kakyutan niya
"What's your name?" Mabibilaukan na sana ako nang marinig ang boses nitong kaharap ko nang maalala kong wala akong kinakain o iniinom
Napatingin ako sa kaniya saka tinaas ang kamay at tinuro ang sarili
Para tuloy akong tanga.
Nakita ko ang pagtango nito habang mariin parin ang titig sa'kin. Napalunok ako bago nagsalita
"I-I'm Alesxia."
"Full name." Malamig nitong sambit na parang nag uutos na ikinataas ng kilay ko
'Kala mo napakagwapo kung makautos, pwes hindi ka nagkakamali! Pero kahit gwapo 'tong animal na 'to ang kapal parin ng mukha niya! Ay teka... dapat takot ako.
"Alesxia elise versoro... tangina mo." Saad ko pero bulong ang panghuli, mahirap na
"I heard it." Napaayos ako nang upo sa sinabi niya
Narinig niya pa 'yun?! Tangina yang tenga niya ah? Ipapahamak pa ako!
"Ang alin, Mr. Sawyer?" Nakangiti at painosenteng tanong ko
"Tsk." Muntik ko na siyang irapan buti na lang at napigilan ko sarili ko
"Ate, i want more." Napatingin ako kay baby shin nang marinig ang mahina at cute nitong boses. Nakita ko pa ang pagpula ng kaniyang pisnge at parang nahihiya pa ito
Natawa ako saka pinisil ang pisnge nito "You want more?" Tumango naman ito
Sinubuan ko naman ito at tuwang tuwang pinanood siyang nguyain ang pagkain sa bibig niya
Napatigil ako sa panonood kay baby shin nang may tumawag sa akin. Tinignan ko kung sinong tumatawag at nanlaki ang mata ko nang maalala si dion
Nakalimutan ko si dion!
"Baby, sagutin ko lang ang tawag ah?" Malambing kong sambit. Tumango naman siya kaya tumayo na ako at umalis nang hindi nililingon ang kuya ni shin na mariin parin ang tingin sa'kin
"{Alesxia? Okay ka lang po ba? Nasaan ka po? Bakit wala po kayo dito sa park?}" Sunod sunod na tanong ni dion mula sa telepono. Napakagat ako ng labi dahil sa guilty
"Nako, pasensya na talaga, dion. Nakalimutan kita. Nasa isang restaurant ako. 'Wag kang mag alala babalik na ako d'yan, hintayin mo lang ako ah?"
"{Okay lang po. Sige po, hihintayin po kita dito. Mag iingat ka, alesxia.}"
STAI LEGGENDO
Reincarenated In Another World
FantascienzaIsang simpleng dalaga lamang si alesxia. Siya ay nag iisa nalamang dahil sa pagkawala ng kaniya mga magulang sa mismong kaarawan na edad 9 years old. Ngunit kahit ganun ay nakayanan niyang buhayin ang sarili sa 12 years. Ngunit isang araw sa paggisi...