chapter 23

353 18 6
                                    

6:05 am na at mag iisang oras na kami dito. Parami nang parami narin ang mga estudyanteng pumapasok.

Ramdam ko ang tingin sa pwesto namin ng mga estudyanteng na nandidito sa library na hindi naman pinansin ng mga kasama ko

Nakadukdok  sa lamesa si Zeken habang si Maze naman ay kanina pa humihikab habang tulala. Si maximus naman ay nakapikit habang nakikinig ng music sa headphone niya. Ito namang si Ellias ay katulad kong nagbabasa pero napapansin ko ang pagtingin nito sa'kin  na hindi ko pinapansin

"Hala, bakit kasama ni Ms. Alesxia sila Maze?"

"Malay ko ba. Magkasama tayo kanina pa, gaga."

"Pre, si Ms. Alesxia 'yun diba? Bakit kasama niya yang mga 'yan?"

"Edi tanungin mo, 'wag ako yung disturbuhin mo."

"Parang tanga."

"Sino yang kasama nila prince zeken--"

"Ishut mo nalang ang iyong mouth. Hindi ko rin alam, beh."

"Bakit kaya sila magkasama?"

"I knew it! She's malandi!"

"Hoy, pepita! Tumahimik ka nalang d'yan. Kung siya malandi, ano kapa?"

"Shut up!"

"English english ka pang bruha ka pero pagdating sa essay nga nga ka."

Hindi ko mapigilang matawa dahil sa mga bulungan ng mga stupidyante tungkol sa'min

"Ano ba?! Kung mag iingay kayo, lumabas kayo rito! Putangina!" Sigaw ng taga bantay ng library kaya napatahimik ang lahat

Nasa amin parin ang mga tingin ng mga estudyante pero hindi naman namin pinapansin

"Gutom na ako." Biglang usal ni Maze na tulalang nakatingin sa kung saan

"Ako rin." Saad naman ni Zeken na nakadukdok parin

Ibinaba ko ang librong binabasa ko saka tinignan ang dalawa na parang may sarili mundo

"Hindi pa ba kayo kumakain?" Tanong ko na ikinatingin nila sa'kin

Umiling silang dalawa saka umupo ng maayos habang nakatingin sa'kin.  Tinanggal narin ni Maximus ang headphone niya sa tenga niya habang si Ellias naman ay ibinaba narin ang librong binabasa niya

"Edi kumain kayo dun."

"Hindi ka sasama?" Tanong ni Zeken saka isinandal ang kaniyang panga sa lamesa habang nakatingin parin sa'kin

"Kailangan ko pa bang sumama?" Nakataas ang kilay kong saad

"Hmm! Hmm!" Parang batang sagot naman ni Maze

"Kumain kana ba?" Tanong naman ni Maximus na ikinailing ko

Hindi kasi ako kumain kanina dahil hindi naman ako nakakaramdam ng gutom

"Eat with us." Napatingin ako kay Ellias nang magsalita ito

Nakatitig ito sa'kin ng mariin na para bang inoobserba ang galaw ko. Hindi naman ako nakakaramdam ng ilang kaya hindi ko nalang  pinapansin ang tingin na ibinibigay niya sa'kin

"Ayokong mas dumagdag ang haters ko dahil lang sa pagsama sa inyo." Kalmado kong saad saka tumayo at inayos ang mga libro para ibalik sa kinalalagyan nito

Hiniram ko lang naman 'to dito eh.

Humarap ako sa kanila saka bahagyang yumuko "Pasensya na sa isturbo at salamat sa pagtulong sa'kin  na dalhin ang mga libro." 

Pagkatapos kong masabi 'yun ay agad na akong umalis sa harapan nila at tuluyang nilisan ang library

Mga abno pala at mapilit ang mga animal na 'yun. Tsk tsk.

Reincarenated In Another WorldWhere stories live. Discover now