chapter 36

353 18 2
                                    

Umalis na sila aushin at aiden dahil hinahanap na daw sila ng lolo nila. Umalis na rin si kius dahil may emergency daw sa hospital habang si keanu ay sumabay na rin kay kius para maghanda dahil papasok narin siya bukas kasama ako. Nagpaiwan si dion dahil siya ang maghahatid sa'kin

"Hintayin mo lamang ako dito at kukunin ko muna ang sasakyan, alesxia." May pagkalambing na saad ni dion at marahang hinaplos ang aking buhok

Ngumiti ako saka tumango. "Dito lang ako, hihintayin kita." Nakangiting saad ko

Hinalikan niya ang noo ko bago umalis para kunin ang sasakyan. Umupo ako sa bench na malapit sa'kin saka ipinikit ang mata

Pinakiramdaman ko ang pagdampi ng malakas na hangin sa katawan ko. Rinig ko rin ang parang umaawit na mga ibon sa paligid. Nakakagaan ng loob.

Balak ko pa sanang magmuni-muni nang may biglang tumapik sa balikat ko kaya napamulat ako ng mata. May hindi pamilyar na taong gulat na nakatingin sa'kin at napapalunok pa ito

"Ariya, ikaw ba 'yan?" Parang nagugulat na saad nito na ikinakunot ng noo ko

"Nagkakamali po ata kayo. Hindi ariya ang pangalan ko." Nakangiti ngunit puno ng pagtataka kong tanong sa babaeng nasa harapan ko

Sa tingin ko'y magkaedad lamang kami.

"I know, i'm right! You're ariya! Ilang buwan kanang nawawala!" Parang siguradong siguradong saad niya

"I don't know what your talking about, miss." Seryosong saad ko ngunit nakakunot ang noo saka tumayo mula sa pagkakaupo

Nilapitan ako nito saka hinawakan sa magkabilang balikat ko na ikinagulat ko. "Stop pretending, ariya!" Parang nagagalit nitong singhal na ikinasama ng tingin ko sa kaniya

Marahas kong iwinaksi ang pagkakahawak niya sa balikat ko at napalakas ata dahil natumba ito

"Don't you dare shout at me." Madiin kong saad habang malamig ang tingin sa kaniya

Gulat itong tumingin sa'kin saka galit na galit na tumayo at sinubukan akong sampalin na sinangga ko naman agad saka siya sinamaan ng tingin

"'Wag kanang bumalik sa buhay nila adrian! Masaya na kami kaya pwede ba 'wag kanang magpakita sa amin?!" Parang naiiyak at nagagalit na saad nito

Mas lalo akong napakunot ng noo saka pabalibag na binitawan ang kamay niya na kamuntikan naman niyang ikatumba ulit

"Pinagsasabi mo? Stop making a scene here, miss. You look stupid right now." Malamig kong saad na ikinasama lalo nito ng tingin sa'kin

"You bitch!" Nilapitan niya ako at sinubukang hablutin ang buhok ko pero agad ko rin itong iniwasan

Napailing ako nang matumba ito sa katangahan saka napacrossed arms dahil nahihiya narin ako dahil pinagtitinginan narin kami ng mga natitirang tao rito

"Bakit ka umiwas?!" Galit nitong singhal na ikinataas ng kilay ko

"Are you stupid or what? Alangang tanggapin ko sabunot mo. Use your brain." Naiiritang saad ko

"Hindi ka dapat umiwas, bitch!" Sumeryoso ulit ako saka lumapit sa kaniya at lumuhod para magkapantay kami

Hinawakan ko ang baba niya saka marahan itong inangat patingin sa'kin. Kita ko ang masama nitong pagtingin na hindi ko pinansin at malamig lamang siyang tinitigan

"Be careful on your words, miss." Malamig kong saad habang nakatitig sa mata niya

Napangisi ako nang sampalin niya ako kaya napatagilid ang mukha ko. Ramdam ko ang pagtulo ng dugo mula sa gilid ng labi ko dahil sa matulis na sing sing na nasa daliri niya

Reincarenated In Another WorldWhere stories live. Discover now