chapter 10

692 35 5
                                    

ALESXIA

Nandito kami sa cafeteria para kumain. Kasama ko si crisiana at pati na rin yung babaeng kaibigan nito. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang pangalan nitong babae dahil walang introduce yourself na naganap kanina

Sabi kasi ni prof sullivan na bukas nalang daw kami magpapakilala lahat dahil wala daw siya sa mood para sa ganiyan

"Omo, omo, ang sarap talaga ng spaghetti dito!" Nakangiti at magiliw na saad ni crisiana habang kumakain. Nandito kami sa napakagilid na bahagi kaya walang kahit na sino ang makakapansin sa'min

"Pwede bang magdahan dahan ka? Ang dungis mong babae ka!" Reklamo naman nung babae. Inirapan lamang ni crisiana ang babae saka napatingin sa'kin

Kumakain lang ako ngayon ng burger dahil busog pa naman ako

"Ay hala, oo nga pala. Alesxia, siya nga pala si Violet Dione Adair. Violet, ito naman si Alesxia Elise versoro. Bagong kaibigan ko" Biglang inilahad ni violet ang kamay niya kaya agad ko itong tinanggap

Ang lambot ng kamay niya!

"Nice to meet you, xia." Napakurap kurap ako sa itinawag nito sa'kin

"Nice to meet you rin, violet." Nakangiting saad ko. Nakita ko ang pagtitig nito sa aking labi na ikinakunot ng noo ko

Napatingin ako kay crisiana nang bigla niyang tinanggal ang magkahawak na kamay namin ni violet. "Alam niyo? Kumain nalang tayo, lalo pa't sobrang sarap nitong spaghetti! Kumain kana rin, violet!"

Parang natauhan naman si violet at umiwas ng tingin mula sa pagkakatitig sa labi ko

May dumi ba ako sa labi?

Napatahimik ang mga nasa cafeteria nang biglang may pumasok na grupo ng kalalakihan. Mukhang mayayaman ang mga ito base sa kanilang mga kasuotan.

"Omo, omo, sila zurren! Gosh, ang g-gwapo talaga nila!" Biglaaang tili ni crisiana na ikinataka ko

Napatango tango ako dahil sa angking kagwapohan ng apat na kalalakihan na kakapasok pa lamang sa cafeteria

Kaya pala mukhang tangang nagtitili itong si crisiana, mga gwapo naman pala.

Napatakip ako ng tenga nang biglang tumili ng malakas ang mga babae at mga binabae kaya bahagya akong magulat at kamuntikan nang mahulog sa upuan. Mabuti na lang at katabi ko si violet at naalalayan ako agad

"Thank you." Pasalamat ko sa kaniya nang makaupo ako nang maayos. Tumango lang ito at nagulat pa ako nang bigla nitong punasan ang gilid ng labi ko

Namula ako nang mapagtanto na may ketchup ako sa gilid ng labi at pinunasan niya 'yun.

"Shocks, ang gwapo talaga nila! Lalo na si Ellias." Parang bulateng kinikilig na saad ni crisiana kaya napatampal ako ng noo

"Tanga, tigilan mo nga 'yan. Para kang asong ulol sa ginagawa mo." Bored na saad ni violet na ikinatawa ko

Napanguso si crisiana "Makatanga ka naman! Bakit? Hindi kaba nag-gwapohan sa kanila? Ha?! Ha?!"

"Oh, anong paki alam ko sa ka gwapohan kuno ng mga 'yan? Makakain ko ba 'yan?" Nakataas ang kilay na saad ni violet

"Hindi. Pero sila pwedeng pwedeng kai--" hindi natuloy ang sasabihin ni crisiana nang biglang isinilampak ni violet ang isang tinapay sa bibig niya

"Ka babae mong tao, napakabastos ng bunganga mo. At saka 'wag ka ngang magsalita nang ganiyan lalo pa't nandidito si alesxia." Iling na saad ni violet habang nakakunot ang noo at nakacrossed arms

"'Kala mo naman hindi rin siya bastos" nakangusong bulong ni crisiana habang masama ang tingin kay violet "Ikaw na nga lang kausapin ko, alesxia. Ipapakilala ko sa'yo ang apat na nag-gwapohang lalaki sa balat ng empyerno este lupa na kakarating lang dito sa cafeteria." Bigla itong mas lumapit sa'kin

"'Wag na, crisiana. Hindi naman ako interesado sa--" napatahimik ako nang bigla itong nag shh sign

Hirap tanggihan ng babaetang 'to.

Bigla niyang tinuro ang lalaking may maamong mukha habang nakangiting nakikipag usap sa kapwa niya pogi "Siya ang pinakamabait sa grupo, ang pangalan niya ay Zurren Maze. Mabait, matulungin, palangiti, at napaka gentlemen niyan" nakangiting saad

Tinuro niya naman ang isang lalaking nakangisi at kumikindat sa mga babae na halos himatayin na "Iyan naman si Zeken Gage, ang playboy sa grupo nila. Matinik sa chix at madaming nakaflings niyan, halos araw araw may babae."

Tinuro niya naman ang isang lalaking nakasuot ng headphones habang nakapikit ang mata at nakasandal sa upuan "Siya naman si Maximus Draco, ang pinakatahimik at mahilig sa music sa grupo nila. Mukha ngang walang paki alam sa mundo eh basta suot niya ang headphone niya"

Isang napakaseryosong lalaki at may basa basa itong libro at may suot din itong eyeglasses na mas ikinagwapo nito "And last, siya naman si Ellias Lake. Siya ang pinakaseryoso, pinakanakakatakot, pinakagwapo, pinakahot, at siya talaga ang masasabi mong walang paki alam sa paligid niya."

Napatango tango ako habang nakatingin sa pwesto nila. Napatigil ako nang magtama ang tingin namin nung Ellias, napalunok ako nang bigla ako nitong titignan kaya napaiwas ako

"Tsk, wala namang espesyal sa apat na 'yan." Biglang singit ni violet kaya napatingin ako rito

Nakita kong nakatitig ito sa'kin pero agad ring umiwas ng tingin

"Alam mo, violet? Napaka kj mo! Huhulaan ko, hindi ka magkakaboyfriend dahil d'yan sa ugali mong babaeta ka!" Singhal ni crisiana kay violet na hindi naman siya pinansin

"Ang init ng ulo mo, bakleta. Gusto mo bang ipasok ko ulo mo sa ref para naman mabawasan init ng ulo mo?" Napatingin ako sa isang gwapong lalaki o mas tamang sabihin na gwapong bakla na umupo sa harapan ko at katabi ni crisiana

"Gaga ka. Bakit ngayon ka lang pumasok? First day na first day umabsent kang demonyito ka!" Sinampal niya pa ito na ikinangiwi nito

"Bwesita kang babaeta ka. Kailangan talagang sampalin? Eh kung isampal ko 'tong tray sa'yo?" Inis nitong saad "Correction teh, demonyita." Dagdag pa nito

"Tanga, mangarap ka." Saka sila nag irapan

Napanganga ako dahil sa pag uusap ng dalawa. Bigla itong tumingin kay violet na umiiling sa kanila

"Oh violet, hindi ka parin ba nadidiligan?" Baling nito kay violet

"Tigilan mo 'ko, caino. Wala akong oras para sa mga kagagahan mo." Sambit ni violet

"Tangina ka, violet. Ito ka oh!" Tapos biglang nagmiddle finger na ikinatawa ko ng mahina

Bigla naman itong bumaling sa'kin saka bahagyang umawang ang bibig nito. Napakurap kurap pa ito saka biglang lumapit sa'kin na ikinagulat ko

"Ay teh, ang ganda mo. Siguro nung nagpaulan ng kagandahan ang langit, sinalo mo lahat." Bigla nitong saad saka biglang sininghot ang leeg ko na ikinatigil ko. "Ang bango mo rin."

"Hoy beks, lumayo ka nga d'yan kay alesxia. Gaga, mukha kang asong ulol na adik sa kanto sa ginagawa mong impukreta ka." Biglang saad ni crisiana kaya napalayo si caino

Parang nahihiyang lumingon ito sa'kin saka ngumuso "P-Pasensiya na. Ang bango mo kasi. Saka para akong nah-hypnotize ng mata mo, teh." Kamot ulong saad nito na ikinanganga ko

"Tigilan mo nga 'tong si alesxia." Singit naman ni violet na parang masama ang timpla. Inirapan lang siya ni caino saka tumitig sa'kin

"Hoy, teh. Ba't hindi ka nagsasalita? Pipi kaba? Or sadyang siraulo ka lang?" Tanong nito na ikinatawa ko ng mahina para naman itong natuwa sa naging reaksyon ko

"P-Pasensiya na. Hindi kasi ako sanay makipag usap kapag bago ko lang nakilala." Nakangiting saad ko

"Tangina, pati boses nakakainlove. Nakakabaliko ka teh" nakangusong saad nito

"Tanga! Baliko kana, noon pa!" Singhal naman ni crisiana kay caino

"Makatanga naman 'tong mukhang sinampal ng kabayo sa mukha." Saad ni caino saka umirap

Ang saya nilang tignan...

Reincarenated In Another WorldOnde histórias criam vida. Descubra agora