CHAPTER 11 ~ Ale ~

Start from the beginning
                                    

"I don't know her."

Napalingon kami sa babae ng bigla na lang siyang humikbi. Naiiling na lumapit ang isa pang babae sa kaniya at kinindatan ako. "I'm Athena and she's Dawn. She's your cousin. Emosyonal lang siya dahil buntis siya. Idagdag pa na inaasahan ng lahat na naaalala mo na ang lahat. But you'll come around. But for now maiwan na muna namin kayo. Susunod na lang kami sa inyo ni Kuya Hermes."

Hinila na niya ang dalawa pa niyang kasamahan at tahimik na pumasok sila muli sa kasukalan ng lugar. Nang tuluyan na silang mawala ay humarap ako kay Hermes. "I'm hurting them."

"No you're not."

"I'm broken."

"Storm-"

"Don't you see?" I asked him. "We will never be okay."

Sandaling nakatingin lamang siya sa akin. Pagkaraan ng ilang sandali ay hinawakan niya ang isa kong kamay at dinala iyon sa tapat ng dibdib niya. "Then, maybe we don't need to be okay. We don't need to be fixed or perfect. Maaring hindi na bumalik laht ng memorya mo. Hindi natin masasabing sisimulan natin ulit lahat. Hindi natin mabubura kung ano ang mga nangyari. But what we should not do is stop living. We need to continue from where we stopped and try to live and be happy"

"I'm broken." I repeated.

"Even broken something can still be beautiful."

Marami siyang pag-asa para sa akin at para sa aming lahat. Na magiging ayos kaming lahat pagkatapos ng mga nangyayari. Siguro tama siya. Imposible na maayos lahat na para bang hindi nagkalamat ang mga buhay namin.

Lagi naming maaalala ang mga nangyari. I just hope that I can live with it. That I can hold myself together for them.

Because I know I'm barely keeping everything together. I'm not the old storm. Kulang na ako. Marami ng nawala. What I am now is someone tainted. Someone who killed people not because it is not inevitable kundi dahil sinadiya ko na patayin ang mga taong iyon. Hindi ko na mabubura ang mga ginawa ko. Hindi ko gustong burahin. Wala akong pinagsisisihan.

But all I know now is that I'm not done. At kahit na unti-unti ng bumabalik si Storm alam ko na may iisa silang gusto ni Serenity at iyon ay ang tapusin ang nasimulan.

Tapusin ang Claw.

NANGINGINIG ang mga kamay ko habang naglalakad kami sa pasilyo ng headquarters. I remember this place clearly. Pero hindi ang ilang mga tao na nakakasalubong ko. Ilan sa kanila ay naalala ko pero hindi lahat.

Pumasok kami sa isang kwarto. A conference room. Lalong humigpit ang pagkakahawak ko kay Hermes ng tuluyan ng bumukas ang pintuan.

Ang unang nakita ng mga mata ko ay si Sky. My sister. Nakayakap sa bewang niya ang isang lalaki na hindi ko rin kilala. I look around us and I saw my two brothers who's staring at me. Then my parents.

"Storm..." my mother, Hurricane, murmured as she take a step towards me. Nakaalalay sa kaniya ang ama ko.

"M-Mommy." I whispered.

Lumuluhang kumawala siya mula sa pagkakahawak ni Daddy at tinakbo niya ang iilang hakbang papunta sa akin. Naramdaman ko ang pagbitaw sa akin ni Hermes kasabay ng pagyakap sa akin ng ina ko.

Sumubsob ako sa leeg ni Mommy at bumuhos ang luha mula sa mga mata ko. "I'm so sorry, Mommy. I'm sorry I failed you."

"My baby. Don't ever leave me again. Hindi ko na kakayanin, Storm. Ibinigay kayong apat sa akin para mahalin, para alagaan...para protektahan. I failed you more than you think you failed me. Ayoko na ulit maranasan na maglibing ng anak, Storm."

BHO CAMP #4: The RetributionWhere stories live. Discover now