CHAPTER 11 ~ Ale ~

Start from the beginning
                                    

"That's why I'm scared, Hermes. Dahil hindi ko maipapangako na hindi ako mawawala. Dahil kahit masakit lahat ng nangyari pipiliin ko na mawala na lang sa buhay ninyo kesa mapahamak kayo."

"It's time we choose Storm. Hindi mo kailangan pasanin lahat. Kaya nga kami nandito. Kasi hindi mo kailangan mag-isa na buhatin ang bigat ng pinagdadaanan mo."

"I know that now. But it can't ease my fears. Iisa lang ang paraan at iyon ang mawala ang Claw. Iyon lang ang nag-iisang paraan para mabuhay ako ng tahimik. I want them gone."

"In the right way."

Umiling ako. "Walang tamang paraan maliban sa mawala silang lahat."

Umangat ang isang kamay ni Hermes at marahang hinaplos niya ang pisngi ko. "Wag mo munang isipin ang mga nangyayari. For now, we should just focus on you and Ale."

Parang may kung ano na pumiga sa puso ko sa sinabi niya. My child. Ang anak ko na hindi ko man lang nakasama ng matagal. He was so weak before that I didn't even know if he's alive.

"I want to meet him." I said with a small smile. "As me, I mean. With me knowing him this time.

Bahagyang ngumiti ang binata. "You will. He's a great child Storm. Hindi siya mahirap alagaan."

Napahinto ako sa akmang pagtayo ng may maisip ako. A new kind of fear clutched on my heart. "Ikaw di ba ang nag-aalaga sa kaniya? Bakit? Hindi ba siya tanggap ng pamilya ko?"

Umiling siya. "Mahal ng pamilya mo si Ale."

Nanginginig ang mga kamay na hinawi ko ang tumatabing sa mukha ko na buhok. Bahagya ko ring pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. "Minahal pa rin nila si Ale kahit alam nila na isang halimaw ang ama niya?"

"Storm-"

"I won't let anyone hurt him. Lalo na si Wyatt Claw. They can't take him away from me. I won't let it."

"Storm, listen..." he said turning my head towards him for me to look at him. "Paano kung hindi si Wyatt Claw ang ama ni Ale?"

Sunod-sunod na umiling ako. "That's impossible. Walang iba. Siya lang...ang halimaw lang na iyon." my tears welled up again. "Don't let him take away my son, Hermes. Don't let anyone take him. He's mine. Kinuha na lahat sa akin. Ang katawan ko, ang pagkatao ko, ang buhay ko. Ayokong mawala sa akin ang anak ko. Siya na lang ang natitira sa akin. Siya na lang. H-He's the only part of me that's still mine.. T-They...t-they...they can't..."

"Shh. It's okay, Storm. No one will take him away from you." inalalayan niya akong makatayo at nakita kong kinuha niya ang phone niya at tumipa roon. Ibinalik niya na rin sa bulsa niya ang cellphone at hinarap ako. "Makikita mo na siya. I promise."

Hindi ko na nagawang makapagsalita dahil bigla na lang may kumaluskos. Lumabas mula sa isang parte ng lugar ang isang lalaking matangkad. Lumapit siya sa amin at umangat ang kamay niya para hawakan ako pero agad na nakaatras ako. "No! Don't touch me!"

"What-"

"Buddy, back off." Hermes said to him as he hold me in his arms.

Tumingin sa akin ang lalaki. Kita ang kaguluhan sa mga mata niya. "Storm, si Triton ito. I'm not gonna hurt you."

Mula sa likuran ng lalaki ay sumulpot ang dalawang babae. Lumapit ang isa sa kanila sa nagpakilalang Triton. "Anong problema?"

"Hindi ako makilala ni Storm."

Tumingin sa akin ang babae. "Everything will be alright, Storm. Dadalin ka namin kay Tito Wynd at Tita Autumn. You'll be okay."

Napatingin ako kay Hermes ng kumilos siya at bahagya akong hinarap sa kaniya. Tinitigan niya ako sa mga mata at bahagya siyang ngumiti. "She's right. Magiging ayos din ang lahat. I promise you."

BHO CAMP #4: The RetributionWhere stories live. Discover now