Lost 2

7 7 0
                                    

Chapter 2

Lhirfa's P.O.V

Bagong araw na naman! Maaga akong nagising kaya hindi ako nalate! Kakatapos lang ng third subject namin, vacant ako ngayon dahil hindi pumasok ang susunod na prof namin.

Dumeretso ako sa garden, maganda ang sikat ng araw ngayon kaya siguradong magandang idea na magbasa ako roon.

Dali dali akong pumunta sa garden, mabuti na lang at wala akong nakasalubong na malas sa daan. Dala dala ko ang pocket book na hiniram ko pa kay tita last month, ang saya magbasa. Parang nalilimutan ko lahat ng problema, escaping reality with fictional characters.

Tahimik akong nakaupo sa damuhan dito sa garden habang pinagmamasdan ang mga ibong nagliliparan sa kalangitan, napaka aliwalas ng langit ang sarap sa pakiramdam. Malamig ang hangin na sumasalubong sa katawan ko kasabay ng sinag ng araw na tumatama sa akin. Kakaiba ang araw na ‘to, parang may magandang mangyayari.

Sana ganito na lang araw-araw, malayo sa problema.

Habang nagbabasa ay may biglang umupo sa tabi ko, akala ko kung sino si Trina lang pala kasama si Hanni.

“Good morning!”

“Anong nakain mo, Lhirfa?” tanong sakin ni Hanni. “Maganda gising ah...”

“Ang blooming naman ng pinsan ko na ‘yan, pahiram naman niyang binabasa mo,” inuto pa ako. Kahit kailan talaga napaka ano nitong si Trina.

Tumayo ako para maglakad lakad dito sa garden. Maganda dito, ito ang isa sa paburito kong part ng school. Maraming bulaklak, manipis ang damo kaya hindi masakit sa balat, may mga matatayog na puno kaya maraming ibon, may swing din dito, at higit sa lahat may fountain na nagdagdag buhay dito sa garden.

Simple lang ang school namin pero worth it, hindi ko maimagine na iiwan na namin ’to sa mga susunod na taon. Wala nang masungit na prof, wala nang mga pabigat na classmates. Parang magiging malaya na ako pero hindi, alam kong mas mahirap sa college.

“Diyan ka na, mauna na kami,” saad ni Trina. “Akin na muna ‘tong binabasa mo ha?”

“Mamaya punta tayo sa simbahan...” minsan ang weird nitong si Hanni.

“Bakit? Baka masunog ka roon.”

“Ang kj mo Lhirfa!” she shouted at me. “Syempre, sisilayan ko ‘yong sakristan ko.”

“Talande,” hinampas na naman siya ako.

“Bahala kayo riyan, bye!”

Nauna na si Trina at sumunod naman si Hanni. Ako na lang mag-isa dito, masyado nang tumataas ang sikat ng araw. Masakit na sa balat, saan naman kaya ako sunod na tatambay? Matagal pa bago mag start ang next subject ko.

I decided na maglakad lakad na lang sa field, wala namang naglalaro roon ngayon.

Habang naglalakad lakad ako ay natanaw ko si Kairy, may hawak siya...

Tumakbo ako palapit sa kaniya, kailangan kong makuha ‘yon!

“Hoy, akin ‘yan!” sigaw niya pagkatapos kong itakbo ang hawak niyang ice cream. Tumatakbo ako habang kinakain ko ang ice cream niya, at ayon siya hinahabol pa rin ako.

Ang sarap niya asarin.

Huminto ako sa ilalim ng puno at naupo, umupo siya sa tabi ko. Hingal na hingal.

“T*ngina mo, nakakapagod tumakbo,” reklamo niya.

“Sino ba kasing nagsabing habulin mo ako?”

Lost in your eyes Where stories live. Discover now