Chapter 48: Taguan

Magsimula sa umpisa
                                    

"Aalis ka na?" Tanong ng tila walang alam na si Jairus. Isang mabilis na sampal ang hindi ko na napiligang ikinawala ko sa aking mga kamay. Napahawak siya sa kanyang pisnge at kunot noong tinignan ako. "Para saan yun?!"

"Sumosobra ka na Jairus! Sumosobra ka na!"

"Ha! Para yun lang? Nagagalit ka? E nakipagsayawan lang naman ako ah, wala akong ginagawang masama di tulad ng ginagawa nyo ni Joaquin!" Naguunahan man ang isipan ko sa kakabuo ng ideya sa aking sasabihin, parang nasanay na ang lalamunan kong hindi maka imik. "Saka, di ba ito naman ang gusto mo? Di ba sabi mo na subukan kong tumingin sa ibang babae dahil baka nadaldala lang ako sa pagsasama natin di ba? Oh! Ginawa ko na."

Galit na tingin lang ang naibigay ko sa kanya at naglakad sa kanya palayo. Muli kong naramdaman ang kapit niya sa aking braso pero di tulad noon na hinahayaan ko lang siya, ngayon tinapatan ko ang bigat ng kanyang kapit at inalis ang kanyang kamay.

"Galit ka dahil dun?! Akala mo ba ikaw lang nag nahihirapan Sharlene?! Nagtitiis din ako kahit na alam kong mahal mo si Jaoquin! Pinagsisiksikan ko rin ang sarili ko sa isang taong ayaw naman sa akin! Akala mo ba madali yun?! Hindi!"

Humarap ako sa kanya, at muli siyang sinampal sa kabila niyang pisnge. "Ayan, para patas sa kabila." Gustong-gusto ko nang sabihin ang nararamdaman ko para sa kanya, na mahal ko siya higit sa inaakala niya pero hindi. Hindi sa sitwasyong ito, galit si Jairus at kahit e tanggi ko man, nasasaktan ako ngayon. "Wag na wag mo akong mapagsasabihan tungkol sa pagtitiis Jairus! Buong buhay ko ang alam ko lang ay mag tiis sa isang bagay na hindi ko nararapat na gawin! Kulang pa yang sampal na yan sa kada araw na harap-harapan mong sinasabi sa akin na sinungaling ako! Kulang pa yan sa araw-araw na nilolonok ko ang pride ko para maintindihan ka! Pero sinabi ko bang pagod na ako? Hindi. Kailan man hindi ko sinabi iyon! At hinding-hindi ko 'yun sasabihin dahil hinding-hindi ako mapapagod na inintihin ka! Kung iisipin mong kasinungalingan nanaman ito, wala na akong pakialam! Isipin mo ang gusto mong isipin!"

At taliwas sa nangyayari sa amin ng mga ilang linggo, naiwang walang masabi si Jairus. Naglakad ako sa kawalan. Bumuhos ang lahat ng luha ko sa aking mga mata habang naglalakad ako. Buong buhay ko nagtiis ako kay Papa dahil sa kasakiman ng ugali niya, pero hindi na iyon magbabago pa at tinanggap nalang namin na ganun nalang siya. Kung ako tanggap ko si Papa, impossibleng hindi ko matatanggap si Jairus. Si Jairus na alam kong nagmamatigas lamang dahil nasaktan siya. Ngayon, may parte sa akin na nagsisi kung bakit ko iyon nasabi sa kanya pero nasobrahan na siya sa kanyang galit at gumagawa n ang katarantaduhan.

Hindi ko alam ilang minuto o oras na ba ang pinamalagi ko sa waiting shed na nakita ko sa aking paglalakad. Mukhang pati langit nakikisabay sa nararamdaman ko dahil bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan. Sa una, pinakiramdaman ko lang kung kailan titigil ang ulan pero nang tumagal ay mukhang wala nang planong huminto. Nag simula akong magalala dahil wala akong perang dala para makataxi pauwi. Wala din akong cellphone para matawagan si Jairus dahil sinira niya ang dati kong cellphone. Pati pagkakataon nakisabay na yata sa aking nararamdaman. Naangat ko ang aking tingin nang may kotseng bumusina sa aking harapan. Sa una akala ko hindi ako ang binusinahan ngunit nabigla ako nang bumaba ang nagmamaneho at nakapayong na lumapit sa akin si Nash.

"Halika na!"

"Bakit nandito ka?"

"Mamaya na ang tanong na yan! Sumakay ka na!" Nagmadali akong nakisalo sa payong ni Nash, pinagbukas niya ako ng pintuan ng front seat bago siya sumakay sa driver's seat.

Basang-basa siya, habang ako naman ay hindi gaanong nabasa.

"Pasensya ka na ha, at naabala pa kita." Mahinang sabi ko.

You're Mine (Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon