Chapter 9

21.9K 672 143
                                    

Clarity's POV


"Clang! Look oh!" Nagulat ako ng biglang tumabi sa akin si Sachi na hawak hawak ang iPad niya. Matutulog na sana ako eh. "Oh my god! You two look so sweet!" Sabi nito habang kinikilig kilig pa. Napataas at lumiit ang boses nito.


Nagulat naman ako sa nakita ko. 'Yung lintek na picture namin ni Indigo na naghalikan sa kami sa laro ng St. Silica at Benson Univ. Tuwing naaalala ko 'yung eksenang 'yun halos maputulan ako ng hininga. Hindi ko inaasahan na ganun kalambot ang labi ni Indigo at ganon siya ka-gentle humalik. 'Yung totoo? Hindi ko kasi lubusang maisip kung bakit niya ginawa 'yon. Eh hindi naman kami magkasundo diba? Ayaw niya nga sa akin eh. "Ew" nga daw ako ah?! Minsan talaga naiisip ko na may toyo din 'yung babaeng 'yun eh.


Hindi ko mapigilang mapasimangot sa picture. Hmm.. Cute nga kami tingnan... Unti unting nawala ang simangot sa mukha ko ng matitigan ko itong mabuti. Ganon pala ang itsura namin dito... Nakakapit ang dalawang kamay ni Indigo sa kwelyo ng t-shirt ko.. Oh wow, nasa bewang niya pala ang mga kamay ko? Hindi ko namalayan 'yun... Bakit parang feel na feel namin 'yung moment? Pareho pa kaming nakapikit. Jusko po! Clarity ano ba! Bakit ka nakapikit?!


Napatingin ako kay Sachi na nakatitig rin pala sa picture pero nakangiti. Napasimangot na naman tuloy ako. Sa totoo niyan, gulong gulo talaga ako eh, kasi pagkatapos akong halikan nung matapobreng, maarte na bruhilda na may toyo sa ulo ay may gana pa siyang itulak ako palayo, na akala mo ay nakahawak siya ng isang maduming bagay?! Aba! Talaga naman! Siya na 'yung nanghalik, siya pa 'yung may lakas ng loob mag-walkout! Hanep din eh. Naiwan tuloy akong tulaley na walang malay. Ang ingay ingay pa nung mga tao do'n, nakakita lang ng dalawang chicks na naghalikan eh.


"Sachi, puwede bang huwag mong ipakita sa akin 'yang picture na 'yan. Please lang Sachi. Tuwing nakikita ko 'yan eh, nawawala ako sa mood." Iritang sabi ko. Talaga nga bang nawawala ka sa mood? Oo! Kasi hindi mawala sa utak ko! Tumatak na ang ginawang paghalik niyang maarteng may toyo na 'yan! Bwiseeeet!


"Sus Clang!" Napataas naman ang kilay ko kay Sachi nang tignan ko siya, "If I know, bitter ka lang kasi iniwan kang nakatanga kanina after kang mahalikan." Sabay tawa nito. "Nabitin ka no?" Sunod pa nito habang pataas taas at pababa baba pa ng kilay.


Bigla akong namula, hindi ko alam kung bakit pero bigla akong namula ng maalala ko na naman 'yung mga labi ni Indigo. Shet Clarity! "H-hindi! Tse! Tigilan mo ko." Makatulog na nga lang. Nakaready na ko kanina eh, umepal lang 'to si Sachi.


Narinig ko si Sachi na tumatawa kaya binato ko ito ng unan ko, "Doon ka na nga sa kama mo! Kainis ka!" Sumunod naman ito habang natatawa tawa pa rin.


Napailing ako habang inaayos ang pagkumot ko. Ang lamig kasi ng AC ng dorm room, ayaw naman pahinaan ni Sachi naiinitan daw siya. Iba talaga pagkakutis mayaman, sanay na sanay sa lamig. Halos dumugo na 'yung ilong ko nung first week ko dito sa dorm room sa sobrang lamig. Mabuti nga't medyo nasasanay na ako pero sobra naman akong balot sa kumot.


"Goodnight Clangy, love you." Sweet na sabi ni Sachi, ramdam sa boses niya ang pagkaantok at pagod.


"Goodnight Sach, labyu too."


..

Kiss Cam! (GirlxGirl)On viuen les histories. Descobreix ara