Prologue

61.8K 1K 183
                                    

Clarity's POV

"Clang bilisan mo! Malapit na mag-start 'yung game!"

"Oo eto na!" Iritableng sabi ko kay Sachi habang nakasunod sa kaniya. Paano ba naman kanina pa ako minamadali eh meron pa naman kaming halos 10 minutes para mahanap yung uupuan namin.

Grabe ang laki talaga ng St. Silica's Basketball Stadium. First time ko pa naman din makikitang maglaro ang mga idol ko. A dream come true na makatapak ako dito. Halos halikan ko na ang sahig ng unang tapak ko sa sobrang excited ko.

"Ayun Clang! Doon tayo!" Excited na sabi ni Sachi habang patili tili pa, my god hindi naman siya excited no?

Napailing na lang ako ng hilahin niya na naman ako na parang rag doll lang. Nang maka-upo na kami ay parang may naramdaman akong kakaibang feeling sa kabilang katabi ko. Kaya napatingin naman ako kung sino 'tong katabi ko sa kabila.

Oh. My. God.

Ughhhh! Sa dinami daming puwedeng kong makatabi! Siya pa?! Tumingin ako sa itaas at bumulong kung bakit nangyari sa akin 'to. Nanginginig ang kamay ko sa inis. Kinalabit ko si Sachi.

"Sachi, palit tayo ng puwesto please lang!" Pagmamakaawa ko dito sa babaeng may kasalanan kung bakit naiirita at naiinis ako ngayon.

Tumingin naman ito sa akin ng may buong pagtataka ang mukha. Nilakihan ko siya ng mata at tinuro 'yung kabilang katabi ko.

Napatingin naman agad ito. Pero biglang ngumisi ng nakakaloko. "Nope!" Umiling iling pa ito, jusko masasabunutan ko ito! Patience Clarity, patience! "Hi Indigo!" Binati niya pa talaga! Sinamaan ko siya ng tingin, yung tipong mamamatay na siya sa tingin ko.

Nakabusangot akong humarap sa babaeng kinaiinisan ko sa buong buhay ko. Bigla naman itong nagulat ng makita ako pero agad din napalitan ng poker face niya.

"Ugh, of all people ikaw pa ang nakatabi ko? Ew, huwag kang didikit." Maarteng sabi nito habang umuusog palayo sa akin habang nangdidiri pa ang mukha.

Ang arte talaga! Matapobreng 'to! "Hoy, huwag kang feeling na didikit ako sa'yo. Excuse me hindi kita type!" Pag-tataray ko, feelingerang 'to. Sikuhin ko siya eh, makikita niya!

Inirapan lang ako nito at hindi na pinansin. Good! Ayoko din naman siyang pansinin no! Porket maganda, sexy-- Teka! No Clarity! Ano ka ba! Kaaway yan hindi mo dapat yan pinupuri!

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng magsimula na ang game. Hindi ko man lang napansin na kanina pa pala nag-start. May bwisit kasi akong katabi.

Ang bango niya..

Clarity! No!

Damn it. Okay focus sa panonood Clarity, huwag mo na lang pansinin 'yung mabango na maganda sa tabi mo. Masama ang ugali niyan, matapobre yan, maarte yan! Huwag kang magpapadala!

Nasa kalagitnaan ako ng pag-tatalo sa sarili ko ng may sumiko sa akin. "Hoy Clang, kanina ka pa mukhang tanga diyan! Porket katabi mo lang si--" Hindi ko na siya pinatapos dahil tinakpan ko na ng dalawang kamay ko ang maingay niyang bunganga.

"Huwag kang maingay! Manood ka na nga lang! Daldal mo!" Sigaw ko na pabulong ko sa kaniya.

Ngumuso na lang ito at hindi na nagsalita. Hay nako, hindi ko ma-enjoy 'tong game! Nakakainis na ha! Una may katabi akong magand-- I mean may katabi akong maarte! Tapos eto naman si Sachi imbis makatulong dumagdag pa! Kung hindi ko lang 'to bestfriend baka naitapon ko na 'to kanina pa sa harapan.

Nasa kalagitnaan na ang laro ng may napansin akong malaking screen sa may itaas at gitna ng Stadium. Kinalabit ko ulit si Sachi. Curious ako eh.

"Sach, para saan 'yun?" Turo ko sa itaas.

Tumingin naman ito at ngumiti, "Oh, Jumbotron yan! Diyan lumabalas ang Kiss Cam na makikita 'yung mga couples na mag-kikiss. Minsan pinipili nila random kahit yata hindi couple, for the entertainment lang naman." Explanation nito sabay kibit balikat.

Tumango tango na lang ako. May ganoon pala dito. Kakaiba talaga. Hoy ha, alam kong ignorante ako! Huwag na lang kayong maingay! Hmpf.

"Psst Clang! Sana matapatan ako at itong katabi ko ng Kiss cam! Ang gwapo ni koya!" Bulong ng malandi kong kaibigan habang kinikilig kilig pa. Napairap na lang ako sa kaniya habang umiiling. Parang kiti-kiti!

"Yes! Whoooo!" Sigaw ko habang nakatayo while fist bumping in the air dahil napapadala ako, nananalo kasi ang St. Silica at naka 3pts. shot si idol Kurt Sebastian.

"Will you please lay low? Ang ingay ingay mo!" May maarteng nag-salita.

Tinaasan ko ito ng kilay, "Excuse me lang ha! Hindi lang ako ang maingay dito, sabihan mo din sila!" Turo ko sa paligid namin. Babaeng 'to! Ako lagi ang napapansin! Eh ang ingay ingay din kaya ni Sachi, halos mabingi na nga ako sa tili niya. Umupo ako at inayos ang damit ko. Imbyerna 'to si Arte eh!

Narinig ko naman nagsalita ulit si Maarte Queen. "Just shut up Pauvres." Simpleng sabi nito while flipping her perfect silky hair. Hmpf letse!

Inirapan ko na lang siya at hindi na pinansin. Walanghiya naman akala ko pa naman din mag-eenjoy ako dito 'yun pala may matapobreng kill joy. Nakakawalan talaga ng gana! Someone kill me now, please!

Habang nag-iinarte ako sa sarili ko, biglang may weird na tumugtog. Narinig kong napatili sa sobrang excite si Sachi.

"Claaaaang! Eto na! Time out which means.... Kiss cam time! Sana mapatapat sa amin ni koya!" Malanding sabi nito. Naririndi ako sa mga sqeals niya ha!

Kinurot ko ito, "Pumermes ka nga! Ang landi mo!"

Ngumuso lang ito habang pabulong bulong pa na hindi ko naman maintindihan ang mga binubulong.

At ayun nga, ang cute ng mga nag-kikiss lalo na 'yung mga elderly na. Panay tukso namin, yung ibang ayaw mag-kiss na-boo boo namin. Enjoy pala 'to. Tawa ako ng tawa habang si Sachi naman kilig na kilig. Napatingin ako sa maarteng katabi ko, nakangiti lang siya habang nakatingin sa malaking screen.

Ang ganda talaga nitong babaeng 'to lalo na pagka-ngumingiti ng ganyan..

Kaso habang nakatingin ako sa kaniya, biglang namutla ang mukha nito at sabay biglang hiyawan ng mga tao. Bakit parang ang lakas yata ng sigawan ng mga tao ngayon? Feeling ko guguho na yung Stadium eh. Bigla itong napatingin sa akin at sabay iwas ko ng tingin. Phew! Muntikan na niya akong makitang natakatingin sa kaniya na parang creep.

"Clang...." Yugyog ni Sachi sa balikat ko. Hindi ko napansin kanina pa pala niya ako kinukulit.

"Ano!?" Inis na sagot ko sa kaniya. Hilahin ba naman yung shirt ko eh dumudulas sa balikat ko, nakikita ang sexy kong balikat!

Napalunok ito sabay dahan dahang turo sa malaking screen. Inis na tumingin naman ako.

You have got to be kidding me.. I-i-ibig sabihin nakita niya akong nakatingin sa kaniya kanina!?!?

Napapalunok ako, halos wala na akong malunok na laway habang tumingin sa katabi kong maarte, at namumula ito. Ewan ko kung sa inis or sa hiya. Well siguro sa inis, kaya siya namumula? Umiling iling ako para ipakita na ayoko. Nakakahiya! Jusko kitang kita ng buong audience! 

Someone help me please! Ayoko halikan 'tong maarteng 'to! No no no no! Nagsisimula ng mag-boo ang mga tao. Wala akong pakialam, bahala sila! 

Ugh! Ilang segundo pa ng pagtanggi ko, lalo naman ang pag-lakas ng cheer nila. Ang peperv naman ng mga 'to, wala bang homophobic dito? Tulungan niyo ko homophobic people! Itigil niyo ito! Teka puwede ba to? Eh pareho kaming babae! 

Naalala ko ang sinabi ni Sachi..

"Minsan pinipili nila random kahit yata hindi couple, for the entertainment lang naman."

Shit.

Nagulat na lang ako ng may biglang humila ng kuwelyo ng damit ko at may naramdaman na malalambot na labi..

Kiss Cam! (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon