*****

"Kayo pala may-ari ng tanimang yun? Eh di ba puro lang naman mga talong nakatanim dun? Pinagpapraktisan mo siguro yun no?! Hahahaha!"

Galing akong library, humiram ng dalawang librong balak kong basahin ng marinig ko ang boses ng pervert na to na nagpatigil sa pagliko ko patungo sa Science Garden. Nasa kabilang side sila ng building at natatabingan ng puno ang puwesto ko kaya malamang hindi ako mapapansin. Naririnig ko parang may binubully sila. Wala na sana akong balak makinig kung hindi lang nabanggit ang pangalang tila narinig ko na kung saan.

"Hindi ba dapat yung mga Japanese, sushi at ramen yung negosyo? Ba't etong kina Keira talong?! HAHAHAHAHAHAHA!"

Nagtawanan din ang tatlo pang kasama nitong lalaki.

Keira? Si Keira binubully nila?! Siya kaya yung nakipagkaibigan ng isang araw?

Pasimple akong sumilip at nakita ko si Yuna look-alike na tila umiiyak na. Si Keira nga. Kaya pala hindi ko naririnig boses nitong pinagtatanggol ang sarili. Umiiyak na pala. Patuloy pa rin sa pagtatalak ang pervert kaya hindi nito napansin ang paglapit ko. Nasa bandang likuran din kasi nila ako. Hindi na ako nagdalawang isip na ihampas ang dala kong libro.

Ang ingay eh. Parang bakla!

"What the-"

Nagulat ito at ang tatlong alipores nito ng malingunan ako. Nakita ko ding natigilan si Keira.

"Uy, ikaw pala yan Dylan. Naks naman! Hindi ko akalain na ganyan katalas ang dila mo," umiiling-iling pang sabi ko.

Kilala ko to eh. Anak to ng may-ari ng punerarya na kaibigan ni Mommy Van. Medyo nagulat talaga ako dahil tahimik naman to ng pumunta sila sa bahay last year. Medyo matagal na din naman pala.

"Ano bang problema mo Louie?" tanong ni Dylan, sapu-sapo ang batok na hinampas ko. I know right, masakit. And serves him right.

"Ikaw. Problema ko ang mga pervert na katulad mo. Ba't hindi ka maghanap ng kasingliit ng utak mo?" sagot ko dito ng hindi kumukurap.

Gusto nito ng usapang bastos ha, pwes bibigay ko ang gusto nito.

Napaatras ang mga alipores nito. Tama yan. Matakot kayo. Ngayon nga lang naman pala ako nila narinig magsalita ng ganito. Masarap pala maglabas ng saloobin. Nakakagaan sa pakiramdam. Sampalin ko kaya ulit? Hehehehe.

"Hindi naman ikaw yung inaano ah," sabi ni Dylan.

Ang dami na agad nakiusyoso. Mga chismoso't chismosa talaga.

"Kaya pinapatulan mo yung alam mong kakaya-kayanin mo lang? If I remember it right, sabi mo, pagpraktisan ni Keira yung mga talong nila. Ikaw, tatanungin ko, napraktisan mo na ba ang mga patay sa punerarya niyo? Eh hindi ba't negosyo niyo din yun?" nagtawanan ang mga nakikinig.

Miss AstigWhere stories live. Discover now