"5......4......3......2....."

Napapikit ako at huminga ng malalim.

".....1"

"Ngh..."- daing ko ng maramdamang hindi ako komportable saking kinahihigahan.

Nagmulat ako at pinagmasdan ang kisame. Napakadilim naman ng lugar na to.

Napalingon ako saking gilid ng marinig ko ang boses ni zamir na kasalukuyang nag riritwal. Hindi niya ako napansin dahil nakapikit ito.

Nang maupo ako ay nakita ko ang sahig na umiilaw ng pula. Samantala nakahiga ang pitong alay na umiiyak.

"Haaa..."- napabuntong hininga ako at tumayo.

"Mhmm?! Ngh, mhhhm?!"- nagsimulang magpumiglas sa takot si zyair ng makita ako.

Mabilis ko naman siyang sinenyasan na huwag maingay. Nanlalaki ang mga mata nito habang hindi mapakali.

"Tsk."- dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kaniya at tinanggal ang panyo sa bibig niya.

"Waaahh—"

Mahigpit kong tinakpan ang bibig niya sa inis.

"Sabi ng huwag maingay! Gusto mo bang mamatay?"- pinandilatan ko siya ng mata.

"P-paano ka nabuhay? Patay ka ba talaga?"- pabulong niyang tanong ng tanggalin ko ang kamay ko.

"Pake mo."

"Aba at!"

"Shhh!"- asik ko.

"Pasensya na ngunit kailangan ko muna kayong patulugin."- imporma ko at tinaas ang isa kong kamay, umaamba ng patulugin siya.

"T-teka, teka! Bakit? Anong balak mo?"- pigil niya.

"Ang dami mong tanong! Makinig ka na lang sakin kung gusto mo pang mabuhay!"- atsaka hinampas ang batok niya dahilan para mawalan siya ng malay.

Tahimik kong ginawa yun ng anim na beses habang nagriritwal pa din ang kumag.

Nang masiguro kong wala ng malay ang mga yun ay dahan-dahan akong nagtungo sa harapan niya at nilabas ang pakpak ko.

Siniguro kong magmukhang sinapian ng demonyo at gumawa-gawa pa ng ekspresyon.

Mabuti na lamang at hindi pa kompleto ang kaniyang ritwal dahil kapag nangyari yun, lalabas talaga ang tunay na demonsyo galing sa impyerno at masisira ang plano ko.

Sumeryoso ako at dinakma ang leeg nito dahilan para magulat siya at mabitawan ang libro.

"A-anong....yael?!"- gulat nitong sigaw at namutla.

"Ikaw ba ang tumawag sakin dito?"- malalim kong tanong, iniiba ang boses.

"Ha? Anong ibig mong sabihin—"

"Kung ganun, sino ang tumawag sakin dito sa mundong ibabaw?!"- galit kong sigaw.

Muntik na akong mapiyok!

"Huwag mong sabihing...i-ikaw...s-sino ka? S-inapian mo ba ang katawan na ito?"- nahihirapang tanong niya.

"Tama! Dahil hindi ko magawang umakyat dito gamit ang katawan ko ay sumapi ako sa nakaalay na wala ng buhay."

"N-ngunit ako dapat ang sapihan mo. Nagkamali ba ako saking r-ritwal?"- tanong niya sa sarili.

"Tumahimik ka! Anong kahilingan mo, nilalang?"- tanong ko at mas hinigpitan ang kapit sa kaniyang leeg.

Waaahhhh! Papatayin ko ba talaga siya? Paano kung makulong ako? Ngunit hindi magtatagumpay ang plano ko kung hindi siya mawawala. Atsaka isa pa, yun naman ang nakatakda sa kaniya. Ang mamatay. Ang pinagkaibahan nga lang ay si silas ang pumatay sa kaniya sa orihinal na kwento samantalang ako naman ngayon ang gagawa nun.

Sabagay kailangan kong ipakitang masama ako para kamuhian ako ng apat na yun. Kailangan kong umakto na isa akong demonsyo at hindi ang yael na kilala nila.

Hooo! Kaya ko to!

"P-patayin mo lahat ng tao sa mundong ito. Maghasik ka ng lagim. I-ipakita mo sa kanila kung gaano nakakatakot ang kamatayan. Iparamdam mo sa kanila ang pighati! Gusto kong iparanas mo sa kanila ang sakit at hirap na dinanas ko. K-kapag nangyari yun....dun lang ako matatahimik."- puno ng galit nitong saad habang deretsong nakatitig saking mata.

Napaiwas ako ng tingin at yumuko.

"Tsk."- inis kong sabi at mas hinigpitan ang pagkakasakal sa kaniya.

Ayoko sanang gawin to ngunit yun ang nakatadhana sayo. Alam kong nais mong maging mapayapa ang mundong ginagalawan mo at makamit ang hustisya para sa magulang mo. Naiintindihan kita dahil minsan ko ding naramdaman ang nararamdaman mo.

Gusto ko ding maghiganti. Nagtanim ako ng galit sa iba. Ninais ko na magkaroon ng pantay na batas. Ng tahimik at payapang buhay.

Ngunit wala pa din akong ginawa dahil alam ko sa sarili kong hindi ko kayang manakit ng iba hindi katulad ng ginagawa mo ngayon. Kung sana, naging katulad ka na lang nila silas...hindi. Kung sana nalaman ko agad na ikaw ang kontrabida sa kwentong ito, sana natulungan din kita. Sana hindi nangyari to sayo.

"Sana masaya ka diyan kasama ng magulang mo."- bulong ko nang mapugto ang paghinga niya at nabitawan ang kamay kong hawak niya.

Nagulat ako ng makita ang luhang bumagsak sa mata niya.

Bagama't may nailigtas akong buhay, hindi ko pa din ramdam na ako'y nagwagi. Dahil hindi ko nagawa ng maayos ang tungkulin ko. Dahil hindi ko nailigtas ang isang taong tulad mo na may hinanakit din at nagnanais ng magandang kinabukasan.

"Yael?!"- napalingon ako saking likuran ng tumambad ang apat.

Kailangan kong tapusin ito at masigurong lahat sila ay magwawagi.





~ vis-beyan28
MelancholyMe

How To Be The Villain (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon