“Ha? Eh bakit nakinig ka sakanya?” tanong ni Trina.

‘Yong iba namin kamember na kaibigan din namin ay tahimik lang, okay lang ako sa kanila dahil maaasahan sila pero itong mga lalaking ‘to? Parang mga hindi nag grade 2!

“T*nga ka ba?” I'm rude, and I'm aware of it.

“Lhirfa, easy ka lang,” awat sakin ni Mark.

“Paano? Matatapos ba tayo sa ginagawa niyo? Umayos nga kayo, palibhasa wala kayong pake kung mahihila niyo grade namin,” sigaw ko sakanila, naiiyak na ako. Nakakainis, nakakabwisit.

Sinubukan kong abutin 'yong pamaypay kay Trolly, hindi na ako makahinga. Pero inilayo niya sa akin 'yon, ang sakit sa dibdib siguro dala na rin ng init.

Napansin ata nila na kanina pa ako nakahawak sa dibdib ko, kita ko sa mata ng mga kaibigan ko ang pag-aalala.

“Okay lang ‘yan, pag inatake ka dadalhin ka namin sa clinic,” pabirong saad ni Trolly.

Pathetic right? Nagawa pa niyang nagbiro.

Hindi ko na pinansin dahil baka mamatay ako ng maaga kung papatulan ko pa.

NATAPOS ang classes na puro sakit lang sa ulo ang nakuha ko, tumahik lang ang section namin noong ang magtuturo na sa amin ay ‘yong terror Prof namin. Literal na tahimik, pano ba naman pag nag-ingay papadilaan ang white board kaya sinong hindi matatahimik?

Nandito ako sa hallway nagpapalipas ng oras, marami lang students dito sa school. 3pm pa lang, masyado pang maaga.

I decided na pumunta na lang ng library, doon tahimik. Magbabasa na lang ako, they know how much i love books. Mahilig akong magbasa, lalo na mga fictional. Nangarap din akong maging writer, nakakahiya man sabihin pero... I’m trying to write my first novel right now. Naging hobby ko na ang pagsusulat ng mga tula at istorya, nagagamit ko ang mga natutunan ko rito sa school sa pagsulat.

Wala akong ibang gusto kundi isulat lahat ng nararamdaman ko.

Umupo ako sa dulong bahagi ng library, sa parteng hindi masyadong pinupuntahan ng mga student. Sa parteng ito kasi, ang mga libro ay tungkol sa pag-ibig.

Mag-isa lang ako dito, tahimik akong makakapagbasa.

Habang nagbabasa ako, ramdam ko na may nakatingin sakin. Hinanap ko kung sino ang nakatingin sa akin, ngunit wala naman. Ako lang ang tao dito, pero may isang lalaking nagbabasa roon sa table na ‘di kalayuan sa pwesto ko.

Nakayuko siya, tinitigan kong mabuti. Muntik na akong mapasigaw nung tumunghay siya dahilan ng pagtama ng mata naming dalawa. May kalayuan siya, but i can see how beautiful his eyes clearly.

Ngumiti siya sa akin, isang kakaibang ngiti na ngayon ko pa lang nakikita sa tanang buhay ko. Isang ngiti na walang bahid ng kalungkutan, sinasabi ng ngiti niya na masaya siya.

Parang naalala ko kung sino siya, nakita ko na siya somewhere. Uhmmm, ah oo...siya ‘yong palaging kasama ni Kuya Klydie. Magkakaibigan ata sila, kasama 'yong isa pang lalaki na mukhang inosente.

“Ryujin, ano? Let’s go?” napaiwas ako nang tingin nang dumating ang kung sino. Parang kilala ko ang boses na ‘yon, sabi ko na nga ba. Hindi ako nagkakamali, si Kuya Klydie!

Nakita niya bang nagkatitigan kami ng bestie niya? Omg!

Tatayo na sana ako para hindi na niya ako mapansin, dahan dahan akong naglakad at...

“Oh? Lhirfa? ikaw pala,” napatigil ako sa paglalakad at lumingon, ngumiti ako para hindi halatang tatakas. “Uuwi ka na?” he asked.

“Ah oo Kuya! Bye!” mahinang saad ko, sapat lang para marinig niya. Tumakbo na ako palabas pagkatapos magpaalam, nakakahiya sa lalaki! Alam kong alam niyang tinitigan ko siya, wait? Gaano ko ba siya katagal natitigan? Kahiya!

Lost in your eyes Where stories live. Discover now