Chapter 28: I LOVE YOU, MI LUNA

Start from the beginning
                                    

Inis na inis si Mommy dito.

Mukha silang parang teenager kung mag asaran.

Dahil sa nasubaybayan ay natawa kami ni Heidi at nakisali na rin si Yaya Sisa.

Napuno ng tawanan at asaran ang buong Dining.

Ito ang gusto ko, yung magkasama kami at palaging masaya. Napangiti naman ako.

***

I texted Eleanor to meet me up kaya kasalukuyang nandito ako ngayon sa isang restaurant naghihintay sa kanya. As usual, ako nanaman itong naghihintay sa aming dalawa.

Kung ano ako kabagal mag ayos ay mas mabagal pa ito sakin.

I was busy texting Liam when suddenly someone hugged me.

I was shocked at first pero ng makita kong si Eleanor ito ay napanatag naman ako.

"Grabe ka talaga kung manggulat ano?" Saad ko sa kanya at pinaikutan siya ng mata. Natawa lang ito at agad na umupo sa harapan ko.

"When I saw your message, I was so happy Cat, kasi dahil gusto mo akong makausap." mangiyak ngiyak nitong sabi. Grabe ah, ang OA niya.

"Oo nga, tapos ako pa itong nag antay talaga sayo? Akala ko ba excited ka at masaya eh bakit ako pa itong naghintay?" Malditang sambit ko, natawa naman siya.

"As usual, mainitin. I know you hate waiting pero, I hate to go out ng walang fashion at hindi ready." Saad nito. Napailing na lang ako.

I don't know but, naisip ko kanina na I need to make it up to her, na sana dapat ayusin na namin ang dapat ayusin. I was also harsh to her at naiintindihan ko rin naman kung saan nanggagaling yung galit niya sakin kaya I think, I need to fix what is broken.

"I'm sorry, El." sinserong paumanhing saad ko sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata.

I saw how she stopped on what she's doing at gulat ring napatingin sa akin.

"I know na kasalanan ko rin naman in the first place eh. I have been also harsh to you kaya, I'm sorry El."

"Cat, ano kaba? Ako nga itong dapat na mag sorry sayo eh. Hindi man lang kita inintindi, hindi ko man lang nalaman kung gaano kahirap yung pinagdaanan mo noon, I should have understand you. Hindi sana kita pinagsalitaan ng masasakit noon." Habang sinasabi niya ito ay tumutulo ang kanyang mga luha.

It hurts seeing my best friend crying like this.

"Shh, stop crying. Papangit ka niyan. Wala ng silbi yang pagkakaroon mo ng fashion kung makalat na yang mascara mo." nakita ko kung paano manlaki ang mga mata nito kaya natawa ako.

"Ang epic mo ah!" Tatawa tawang saad ko. Naiinis ako nitong tiningnan.

"Catiana naman eh!"

"Pero sandali. Dahil ininis mo ako, ibig sabihin bati na tayo?" She said out of the blue.

"Fine! May choice pa ba ako?" Taas kilay kong tanong dito.

"Syempre, wala na." lumapit ito sakin bago ako niyakap.

"I'm sorry for everything, Cat. Don't worry dahil babawi ako sayo." she said and after that ay niyakap ko rin siya.

Cringe man at chessy pero masaya ako dahil nagka ayos na kami.

***

"Kailangan ba talaga kasing takpan mo itong mga mata ko?" Tanong ko kay Liam habang ako ay inaalalayan niya. Wala kasi akong makita kundi dilim dahil sa tinakpan niya ng handkerchief yung mga mata ko.

Too little, Too late (Tragic Series #1) Where stories live. Discover now