Chapter 8: HEART BROKEN

237 91 2
                                    

Catiana POV

"Delancy Sanchez, will you be my girlfriend?" parang natuod ako sa narinig. Hindi ko ito inaasahan, parang pinatay ako. Seeing the man that I love asking his girl to be his girlfriend is damn painful pala. Akala ko sa mga Kdrama ko lang to makikita, yung iniiyak ng mga bida dahil sa sakit ay parang mararanasan ko na ngayon.

Astig lang no? Hindi man lang alam ni Liam ang nararamdaman ko ngayon.

Kasi wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanya itong nararamdaman ko talaga para sa kanya.

Naghiyawan naman ang mga tao sa paligid at bumaba si Liam para pumunta sa kinaroroonan ni Delancy, naiwan akong mag isa sa stage kasama ang emcee. Napadapo ang mga mata ko kay Eleanor at bakas sa mukha nito ang pag aalala.

Hawak parin ni Liam ang mic kaya nagsalita siyang muli ng tuluyan na siyang makalapit kay Delancy.

"Please? Delancy? Do you want me to be your boyfriend?" Saad nito. Hindi ko na kaya.

Tiningnan naman siya ni Delancy at agad nitong hinablot ang mic kay Liam bago nagsalita sa mic dahilan para magtilian ulit ang mga tao.

"Yes, Liam. Gusto ko!" Sambit ni Delancy ng may malawak na ngiti sa labi kaya agad naman siyang niyakap ni Liam na puno ng saya ang mukha.

I can't bear this anymore.

Hindi ko na kaya, ayoko ng makita ito. I want to go away.

I want to run away!

Yung malayo sa kanila. Gusto kong mapag isa.

Kapag hindi pa ako dito aalis, sigurado akong makikita lang nila ang pagbuhos ng mga luha ko at yun ang ayoko.

Bago paman bumuhos ang mga luha ko ay umalis na ako doon. Hindi ko na kaya, at baka hindi ko na kakayanin.

Bumaba ako ng stage at tumakbo papalayo doon habang dumadaloy ang mga luha ko. I can't help it anymore.

Bakit ang sakit sakit?

Lumabas ako ng hotel at pumunta sa lugar na ako lang mag isa.

Few minutes later, I just found myself in the play ground, sitting on the swing while crying so damn hard. I think in this way, it will somewhat ease the pain I'm feeling right now, hindi man lahat pero atleast mailabas ko ito.

Iniyak ko lahat, kasi parang ang sakit na.

Hindi ko alam pero parang hindi maawat ang mga luhang tumutulo ngayon sa mga mata ko eh. Hindi ko mapigilan, kusa na lang silang nagbabadyang tumulo.

"Ba-bakit ang sakit? Bakit ako na-nasasaktan ng ga-ganito?" Sambit ko habang hindi parin tumatahan sa pag iyak, hinampas hampas ko pa ang dibdib ko. Hindi ko alam pero, hindi ko rin mapigilan yung sarili kong hindi umiyak.

Naaawa ako sa sarili ko.

Bakit kasi siya pa? Bakit si Liam pa na hindi pwedeng maging akin? Na kahit kailan kaibigan lang ang turing sakin? Ang malas ko naman, minsan na nga lang akong magmahal doon pa sa taong hindi pwedeng maging akin.

Dinuyan ko ng bahagya ang swing at kasabay noon ay naalala ko ang sinabi sakin ni Liam noon. Yung pinag usapan namin at yung promise niya sakin. Lakas ng tadhana no? Kung saan niya sakin sinabi yung promise niya noon ay dito rin pala ako iiyak ngayon ng dahil sa kanya.

Sa playground.

***

Nandito kami ngayon ni Liam sa playground nakaupo sa swing habang kumakain ng ice cream. Kakatapos lang ng klase namin kaya napag desisyonan naming dito muna tumambay at mag usap. We're in seventh grade at malapait na rin ang aming bakasyon kaya chilling is approaching!

Too little, Too late (Tragic Series #1) Where stories live. Discover now