Chapter 24: MY FRIEND

145 55 0
                                    

This is a work of fiction, characeters, places, businesses, events and incidents are either the products of the authors imagination or used in fictitious manners. Any resemblance to actual person's, living or dead, or actual is purely coincidental.

Please be advised that this story contains sensitive content, mature themes and strong languages that are NOT suitable for very young audience.

Read at your own risk!

***I think it's way more better if you listen to this song while reading this chapter. (⁠ ⁠ꈍ⁠ᴗ⁠ꈍ⁠)***

Catiana POV

Mapakla akong natawa dahil sa narinig ko mula kay Liam. Ako pa itong naging matigas? Sino ba yung humabol at nakiusap sa kanila noon na parang aso?

"Easy for you to say. Hindi naman ikaw itong nagmukhang tanga eh" parang nawawalan na ako ng lakas dahil nararamdaman ko na ang nga tuhod ko ay nanghihina at nanginginig. I don't know how to hide feelings and emotions that much. I express myself too much kaya palagi na lang akong nasasaktan pero ngayon, I need to be strong.

"Cat.. let's fix this, our friendship" bakas sa tono ng pananalits ni Eleanor ang pagsusumamo.

I want to, El. Gusto ko, gustong gusto ko dahil simula ng bumalik ako dito galing US wala na akong hiniling pa kundi yung magkaayos tayo.

Kaso huli na eh...

"Too late for that El" nakita ko itong parang nawalan ng pag asa dahil sa mukha nito. Nakita ko rin yung pagdaloy ng luha nito. Naramdaman kong parang sinuntok ng paulit ulit ang puso ko sa nakikita.

Ito pa nga lang ang sakit sakit na? Paano na kapag nalaman nilang may sakit ako? Ayoko, nakakatakot na makitang iiyak sila ng dahil sakin, masasaktan sila ng dahil sakin at mahihirapan sila ng dahil sakin.

"Kasalan ko naman eh, kung hindi sana ako nakinig sa galit at emosyon ko, hindi na hahantong pa sa ganito" saad ni Eleanor.

Gustong gusto ko ng umiyak sa harapan nila, I can see pain in her eyes. Ang sakit sakit sa dibdib.

Nabaling ang atensyon ko kay Leo ng makita kong pinunasan nito ang kanyang mga mata.

Umiiyak rin siya..

Napayuko ako para pigilan ang sarili sa pag iyak.

Huwag kang iiyak sa harapan nila Catiana, please!

Kapag lumambot ako, bibigay din ako at sapilitang ayusin namin ang dapat ayusin pero ayoko dahil magiging malapit nanaman sila sakin at yun ang ayoko dahil bandang huli ay mahihirapan lang sila sakin. At ayokong umasa sila sakin lalo na kapag nalaman nilang may sakit ako at aasa sila na gagaling ako kung hindi naman.

Dahil masasaktan lang sila at yun ang ayoko. Ayoko..mas okay na na ako lang ang nagdudusa wag na sila.

Napakuyom ang mga kamao ko pagkatapos ay iniangat ko ang paningin ko.

"Umalis na kayo, pakiusap lang" saad ko sa kanila at bago pa sila talikuran ay tiningnan ko muli si Liam ng walang emosyon. Nakita ko ang hindi makapaniwalang reaksiyon nito at ang pagdaloy ng isang butil ng kanyang luha.

Nang tuluyan na akong makatalikod sa kanila ay doon lang nagsibagsakan ang mga luha ko, napakagat na lang ako sa labi ko para pigilan ang paghikbi at dali daling umakyat papunta sa kwarto ko. Naramdaman ko yung pagsunod sakin ni Heidi pero bago pa siya makapasok sa kwarto ko ay agad ko iyong inilock.

Naiiyak na pumunta ako sa kama ko at doon iniyak lahat ng sakit na nararamdaman.

Minutes later, I just found myself listening to a song called "Love is Gone"

Too little, Too late (Tragic Series #1) Where stories live. Discover now