Chapter 3

6 7 0
                                    

Christine's POV

  Isang linggo nadin ang nagdaan simula ng ampunin ako nina tita karinna at kahit ni minsan hindi ko pinagsisisihan ang desisyon kung toh.

   Nandito lang ako sa gilid ng batis nag iisip ng mga kung ano-anong pweding gawin dito. Minsan kasi nabo-bored ako dito kasi si tita karinna minsan lang kung umuwi ng bahay dahil inaalagaan nya ang kapatid nyang si tiyay loseng na may sakit kaya ang ending kaming dalawa lang ni farmboy ang naiiwan sa bahay. And speaking of farmboy asan na  kaya yon. Kahit medyo matagal konang kilala si farmboy ay ni minsan hindi ko pa sya natanong tungkol sa personal nyang buhay.

   Minsan nag aaway padin kami pero most of the time tinutukso nya lang ako. Nalaman ko kasing pala kaibigan tong si farmboy ,halos ba naman lahat ng nakatira dito sa farm ay kilala nya, ohh diba? Napaka friendly nya.

   Galit siguro sakin ngayon ang isang yon. Pano ba naman kasi nalaman kolang naman sa kaibigan nyang si boknoy na ni minsan daw ay hindi pa nakipag date itong si farmboy ,natatawa nalang ako sa tuwing naalala ko yon grabee kasi napaka epic . Sa edad na 25 ay hindi parin nagka jowa .

Kawawang nilalang...

   "Siguro bakla sya." I said out of nowhere

    "Sino?" Biglang tanong ng kung sino pero di ko pinansin baka guni-guni kolang.

    " Kapal nito, sabihin mona sinong bakla?" Pangungulit ng demonyo kaya napalingon nalang ako sa kanya.

     "Alam mo kahit anong gawin ko hindi ka talaga nagugulat." Nagtatampong sabi nya.

      " Galingan mo kasing manggulat farmboy." Pang aasar ko Dito.

     " Tskk. Sino nga kasi yung bakla? Si Tonio ba?" Tanong nito ,at nakuha pang idamay si Tonio.

     " Ikaw " simpleng sagot ko.

     "P-pano mo nalaman?" Nauutal nyang tanong. Takte binibiro kolang toh e .

     " So bakla ka?" Nagtatakha kong tanong.

    " Syempre hindi ,lalaki toh pre." Sabi nya at efinlex pa talaga ang mga biceps.

   " Owss talaga? E bakit hindi ka man lang nagka jowa?" Nakangisi kung tanong.

   " Kasi ikaw yung gusto kung maging jowa." Balewalang sabi nya.

    " Gago , hindi ako pumapatol sa mga sintu-sintu." Pakikisabay ko

   " Seryoso ako Christine ." Deritsong sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko. Takte seryoso toh?

   "Gago wag kang magbibiro ng ganyan Dlein." Kinakabang sagot ko.

   Lord sana nagbibiro lang po ang isang toh. Hindi ko po kaya baka po umamin din po akong crush ko sya.

  Umupo ito sa tabi ko at nilublub din sa tubig ang mga paa. Maya-maya pa ay tumingin ito sakin.

   "Promise seryoso ako." Naiiritang sabi nya.

   " Bakit?" Nagtatakha kung tanong.

   " Kasi gusto kita?." Sabi nya at napa buntong hininga nalang." Kailangan pa ba ng scientific explanation kung bakit gusto kita?."tanong nya.

    " Sira! Syempre oo , gago wag monga akong pagtripan!!."naiinis kung sabi ko .naguguluhan nadin ako sa mga ikinikilos nya nitong mga nag daang araw.

   " Bakit pinagtritripan ba kita?" Nakangisi nyang tanong at itinulak ako sa tubig letse!!

  " Bwisit ka talaga bawiin mo yung sinabi mo!" Sigaw ko dito ng maka ahon.

When Mr.Farmboy meets Ms.CitygirlWhere stories live. Discover now