Chapter 1

11 7 0
                                    

Christine's POV

Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto agad kung ipinalibot ang paningin ko upang tingnan ang paligid. Medyo masakit rin ang ulo ko dahil sa marami akong nainom kagabi. Oo nga pala inabandona na ako ng sarili kung pamilya ,what a nice life!

Pilit kung hinahalungkat ang utak ko kung paano ako napunta dito , e ang naaalala ko ay uminom lang naman ako sa bar at nag maniho  pauwi kaya imposibling mapunta ako dito.

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid at napansin kung gawa sa kahoy ang mga ding-ding at halos lahat ng gamit dito sa loob ng kwarto ay yari sa kahoy. Masyadong old school ang kwartong to at mukhang pag aari ng isang lalaki?

Wait?

A guy?

Holy motherofgod!!!

Agad kung tinanggal ang kumot na naka balot sakin at tiningnan ang damit ko . Shit hindi ito ang suot ko kagabi!! Omygodd lordd what did I do?

Natatarantang bumagon ako at tinakbo ang pinto ng kwarto. Pero bago ko paman mabuksan ang pinto ay kusa na itong bumukas at iniluwa ang isang anghel . lord nasa langit na ba ako? D-did I just saw an angel?

Crap! Tingnan monga ang paligid mo christine walang bahay kubo sa langit!!

Ngumiti sakin ang anghel isti ang lalaki at lumakad papunta sakin ,mierda.

Nang makalapit nasya ay agad nyang ibinaba ang dala nyang pagkain na ngayon kulang napansin kasi subrang aliw ako sa mukha nya .

"Magandang umaga" bati nito sakin at staka ako nginitian ng pagka tamis-tamis. Ngingiti na sana ako kaso bigla kung naalala ang nangyari sakin.

"Gago kang anghel ka!!!" Sigaw ko dito ng matauhan ako. Gago sya iningat ingatan kopa yung pagka birhin ko tapos kukunin nya lng! Arghh.

"Woahh ..kalma lang binbini , ano bang problema mo?" Tanong nito na may halong pagtatakha.

"At talagang tina tanong mopa talaga ako kung anong problema kung talipandas ka??" Kinuha molang naman ang pagka birhin kung gago ka !! Hinding hindi kita mapapatawad!!

"Oo". Mahinahon nyang sagot " at pwedi ba wag kang sumigaw sigaw dyan? Nakaka istorbo ka sa mga kapit bahay ms."

Kinuha ko yung almohada at itinapon sa pagmumukha ng anghel isti demonyo na agad naman nyang nasalo. Kapal ng mukhang patahimikin ako.

"Gago kang lalaki ka!! Alam mobang iniingat ingatan ko yong pagka birhin ko? Tapos ano ? Sisirain molng hayop ka!!" Sigaw ko at kumuha ulit ng almohada at itinapon ulit sa pagmumukha ng pisti.

"Kumalma ka nga ms."pagpapatahimik nito sakin. Huminga ito ng malalim at staka ako tiningnan mula ulo hanggang paa."Una sa lahat hindi ko sinira ang pagka birhin mo at mas lalong hindi kita hinawakan." Kalmado nyang sabi na syang ikinahinga ko ng maluwag hayy thank you lord safe parin ang bataan.

Muli ako nitong hinagod ng tingin ,yung tinging malagkit pa sa kalamay-hati . At nag salitang muli " pang huli hindi kita type kaya babaan mo muna yang self confidence mo" nakangisi na sya ngayon . Aba't gago to auh!

"Hayop!! E paano moto ipapaliwanag saking gago ka?" Turo ko sa daster na suot ko." Hindi mo ko mauutong lalaki ka kaya mas mabuting magpaliwanag kana bago pa mandilim ang paningin ko sayo" tiningnan nya lang ako na para bang bored na bored sya ,lintek sya .

"Pwedi bang hinaan mo yang boses mo?" Naiirita nyang tanong." hindi ako ang nagbihis sayo kung hindi ang mama ko , ayan nasagot kona ba ang mga katanungan mo? Kung meron pa sabihin mona nang makaalis na ako"

Umupo ako sa kama at tumigin sa lalaki "kaninong kwarto ito?" Mahinahon kung tanong , e ano pa nga ba ang ikagagalit ko? Nasagot na nya e ,at safe ang bataan kaya walang problema . Nakakahiya lang kasi pinagbintangan kopa tong anghel na mala demonyong toh.

"Sakin" simpleng sagot nya habang naka tayo parin sa harapan ko.

"Nasaan ako ngayon? Kaninong bahay toh? Paano ako napunta dito? Sino ang nagdala sakin dito?" Sunod-sunod kung tanong dahil ngayon lng nag sink in sa utak ko ang tungkol sa lugar nato.bwisit hindi na talaga ako iinom.

"Ang dami mong tanong" gagad nya sakin

"Sagutin mo nalang ,wag kanang mag reklamo kung ayaw mong pilipitin ko yang leeg mo" nakangisi kung wika sa kanya.tiningnan nya lang ako at nagsimula ng magsalita.

" Nandito ka sa Legazpi City ng Al---" hindi na nya natapos ang kanyang pagsasalita ng bigla akong sumingit." What the fvck? Paano ako napunta dito? Mierda! " Tiningnan nya lang ako ng masama bago nagpatuloy " pwedi bang makinig ka ms?" Nanggigil nyang saad ,okay titigil na .

" Nandito ka sa Albay at nandito ka ngayon sa pamamahay ng pamilya ko. Ako rin ang nag dala sayo dito kagabi kasi nakasalubong kita sa daan papasok dito sa hacienda . Ng makita kita wala kang dalang sasakyan ms.  naglalakad kalang naman na parang sira at sumisigaw-sigaw pa." Tiningnan nya muna ako bago nagpatuloy, kailangan bang tumingin mona? " Lasing na lasing ka kagabi kaya dinala kita dito sa bahay dahil may konsensya parin ako at ayaw kung may mangyaring masama sayo lalo pa't babae ka. Hindi korin alam kung paano ka napadpad dito kaya wag kanang mag tanong." Agad naman akong nahiya sa sinabi nya. Seriously? Nasan ang sasakyan ko? Shit bakit ba napadpad ako dito ng walang naaalala.

Napatigil ako sa pag iisip ng may tumikhin . Tiningnan ko naman ang lalaki , mag so-sorry sana ako kaso lang bigla kung naalala ang sinabi nya kanina . He said I'm not his type!! Sino ba sya sa inaakala nya?

"Ohh ano kailangan mo?" Pag-iinarte ko

"Wow, ang akala kopa naman magpapasalamat kana pero tingnan monga naman mukhang ikaw pa itong galit" mangha nyang sabi , paki ko naman? Gold kaba? Gustong gusto kung sabihin ang salitang yan kaso pinipigilan kolang ,kawawa naman kung umiyak yan .

"Thank you po talaga ha na appreciate kopo kayo" Sarkasmo kung sabi na syang ikinangisi nya ? May sayad ba to? Pero inpairness mas lalo syang  guma-gwapo kapag ngumingiti. Naka white t shirt ito at naka shorts lang pero kahit ganyan lang ang suot nya nangingibabaw parin ang kagwapohan nya. Over all gwapo sya pero naiinis padin ako sa kanya.

"Kapag tinulungan ka matuto kang mag pasalamat." Nakangisi nyang wika at dahan-dahang lumapit sakin . Confirm! May sayad to!

"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ko habang pinapakalma ang sarili . Pero takte lang ,lumalapit talga sya kaya umaatras ako ng wala sa oras . Ang pisti tumatawa lang ng mahina ." Ang ibig kung sabihin ay" sinadya nyang bitinin ang sinasabi at pinasadahan ako ng tingin at ngumiti ng nakaka loko,mierda!!at dahil sa titig nya  napa atras na talga ako hanggang sa pinaka dulo nitong kama . Naramdaman kodin ang pilyong ngiti ng hayop natoh .

Unti- unti nyang inilapit ang mukha nya sakin habang ako naman ay na starstruck sa kanya . At hanggang sa subrang lapit na ng mga mukha namin ,isang maling galaw kolang maghahalikan na kami! Itinikom ko nalang ang bibig ko at tumingin ng diretso sa kanyang mga mata , tangina lang bakit kinakabahan ako? Subrang bilis ng tibok ng puso ko , kumakarera ba toh? Aishh

"At sa iniasal mo kanina , siguro nararapat lang na parusahan ka" makahulugang lintanya nya at tumawa ng mahina . Seryoso ba to? Bakit di man lang ako maka salita? Bakit diko sya kayang sigawan ngayon? Bakit parang umurong ang dila ko sa klase ng pagtitig nya? Ginayuma ba ako ng lalaking toh? Ohmygodd

Akmang hahalikan nya ako ng biglang bumukas ang pinto na syang ikinahinga ko ng maluwag , muntikan na yon auh , thank you lord di mo ko pinabayaan yayys.

"Anak kakain n---" naputol ang pagsasalita ng matandang babae ng mapansin ang posisyon namin ng lalaking toh. Well , naka hawak lng naman ako sa balikat nya habang sya naka tukod ang dalawang kamay sa pagitan ng ulo ko , kaya over all hindi maganda ang posisyon namin ,dagdag mo pa yung mukha naming subrang lapit na sa isa't isa.

" Renxx Dlein Talavera labas!!!" Sigaw nito sa kasama kung lalaki kaya naitulak ko ito . Narinig kopang ang sinabi nya " paktay" ayan kasi mag ho-hokage moves pa , nakangiti ako habang naka tingin sa kanya, bumaling lang ang tingin ko sa matandang babae ng magsalita ito.

" Gising kana pala iha , kumain kana muna dyan" itinuro nito ang pagkaing dinala ng hayop na anghel kanina . " Sya nga pala pasensya na sa inasal ng anak ko ,ako nga pala si karinna ,mama ni Dlein " pagpapakilala nito sakin." Ako naman po si Christine ,nice to meet you po at maraming salamat sa pagpapatuloy nyo po sakin dito sa bahay nyo thank you po talaga ." Nakangiti kung wika kaya nginitian nya lang din ako ." Usap tayo ulit mamaya iha , sa ngayon kakausapin kolang muna ang anak ko."ngumiti lng ako at tumango ,hinila nya naman   ang anak nyang demonyo palabas.

When Mr.Farmboy meets Ms.CitygirlWhere stories live. Discover now