Napaatras ang higante sa patuloy na pag-iwas nito dahilan para magkagulo sa baba dahil sa mga naapakan nito.

"Kung ganon hindi ba dapat nagpapalakas ka ngayon?"

Biglang pumasok sa isipan ko ang sinabi ni yael sakin.

"Binigyan ka nila ng tyansa at pag-asa para maging malakas. Tinulungan ka nilang makalaya para matulungan mo silang iligtas sa lugar na yun, hindi ba?"

"Haa...haaa....mahinang nilalang, sisiguraduhin kong mananalo ako sa laban na to."- bulong ko habang hinahabol ang hininga ko.

"Aaaggghhh! Tulong!"- sigawan nila ng maaapakan na sila ng higante.

Nandito ako para hindi lang magpalakas at para matulungan ang mga nilalang na gaya ko.

Nandito ako para matuto at magligtas ng mga nangangailangan. Dahil mahina ang mga taong katulad mo, kailangan nila ng tulong ng isang tulad ko.

Hindi ba, yael?

Sa isang iglap ay mabilis akong lumipad sa kinalalagyan nila. Agad akog gumawa ng mahika na parang pader para hindi kami tuluyang madaganan ng paa nito.

"Takbo!"- sigaw ko habang pilit na tumatayo kahit na nabibigatan na ako sa lakas nito.

"Sabi ng takbo! Gusto niyo bang mamatay?!"- inis kong sigaw ng hindi ito gumagalaw.

"Hiiiii!"- sigaw na lamang nito at dali-daling umalis papalayo.

"Tsk."- nagteleportasyon ako sa ere at tinipon lahat ng mahika ko saking katawan.

Ngayon ko lang gagawin to at hindi ko pa kailanman ginamit sa anong labanan. Kung kaya't kailangan kong bumuo ng mahika para makagawa ng malakas na kapangyarihan.

"Aaaggghhhhhhh!"- sigaw ko at nagpakawala ng isang malakas at mabilis na mahika na dumerekta sa dibdib nnito.

"*Grrrraaawwrrr!*"- dumagundong ang malakas nitong hiyaw ng tumagos ang kapangyarihan ko sa kaniyang katawan.

At dahil nagpakawala ako ng malakas na kapangyarihan ay napatilapon agad ako sa dahon ng puno at sumalampak duon.

"Ha....haha, natalo din kita."- ngisi ko at napaubo.

______________________________________

Maki Carson
______________________________________


"Sinusubukang maging bayani?"- ngisi ng gurang na to habang nakatayo sa barandilya ng ikalawang palapag.

Kaka akyat ko lang dito samantala nasa baba si vaughn habang nakikipaglaban sa gagambang lalake.

"Bayani? Ha! Nakakadiring salitang yan."- ismid ko.

"Naghahanap ako ng ka-aliwan. Kapag hindi mo maibigay ang hinahanap ko tatanggalin ko yang ulo mo."- ngiti nito at kinuha ang dalawang espada sa magkabilang bewang niya.

"Talaga lang ha. Tignan natin kung kaya mo."- seryoso kong hamon at tinaas ang dalawang kamay ko para ilabas ang mahika ko.

"Parating na ako!"- tawa nito at tumalon para i-amba sakin ang espada niya ngunit napigilan ko ito sa ere gamit ang hangin ko.

How To Be The Villain (Complete)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora