"Dalawang tao lamang ang nadakip namin dahil mas humigpit ang pagbabantay ng mga myembro ng konseho ng mag-aaral. Bale apat silang nakatago sa lungga mo."- kwento niya.

Napahawak ako saking baba.

"Mas maigi nga to para matigil na sila sa pagdakip."- komento ko.

"Ngunit wala yun kasiguraduhan. Paano na lamang kung may iba itong plano? Pano kung sa susunod, pasukin na nito ang mga silid nila? Mas madali yun."- saad naman ni vaughn habang hinahaplos si zuku na natutulog sa kaniyang hita.

"Bakit hindi na lang si odell faustino ang dakpin natin?"- suhestiyon naman ni maki at nagkibit balikat.

"Kabilang siya sa konseho ng mag-aaral at ang pamilya niya ay tauhan ng palasyo. Kapag nangyari yun ay baka mapahamak tayo at maparusahan."- segunda ko.

"Anong gagawin na—"

"*Psssshhhhhhhkkkkkk*"- natigilan kami ng may marinig kami sa labas.

Nang mapalingon kaming lahat sa bintana ay nakita naming unti-unting napapalibutan ang paaralan ng puting mahika na parang barrier.

"Anong nangyayari?"- tanong ni caden at lumapit sa bintana.

Tumayo ako at lumapit din.

Mula sa baba ay kitang-kita ko ang paglabas ng mga estudyante habang pinapanood ang puting mahika na pinapalibutan ang buong paaralan.

"*Wiiiiiiiiinnngggg!*"- malakas na sirena sa loob ng kastilyo.

"Anong ingay yun?"- tanong ni silas.

"Ang ingay na to... Ibig sabihin lang nito ay may nakapasok dito ng walang pagkakakilanlan!"- sigaw ni vaughn at napatayo.

"Aaagggghhhh!"

"Waaaahhhhh!"

Mabilis kaming tumakbo palabas ng makarinig ng sigawan.

Ang mga estudyanteng nasa loob ng kanilang silid ay nagsisilabasan at nagsisitakbuhan sa takot at kaba.

"Kailangan nating lumabas!"- sigaw ni silas ng mapuna ang nangyayari.

Sa dami ng estudyante ay may nagsisitulakan pa at nagsisi-iyakan.

Ang mga guro pati na din ang mga konseho ng mag-aaral ay hindi magkandaugaga sa pag alalay at pagsigaw nila.

Sinubukan ng iba na lagpasan ang puting barrier ngunit tumilapon lang sila sa nangyaring impact.

"Hinding-hindi kayo makakalabas dito kahit anong gawin niyo!"- umangat ang paningin namin ng makarinig kami ng boses sa ere.

Isang matandang lalake ang lumilipad sa ere habang may hawak na mahabang stick. Ang buhok nitong puti ay mahaba at nakasuot ng puting suit na may itim na roba na mahaba at itim na sumbrero.

"Umatras kayo!"- sigaw ng isa guro na nasa harapan. Lahat sila ay nanduon at handa ng prumotekta.

"Napakagandang araw, hindi ba?!"- ngisi nito at itinaas ang dalawang kamay.

"Perpektong araw upang gawin ang nararapat."- sumingkit ang mata nito at mas lumawak ang ngiti.

"Ah! Muntik ko ng makalimutan. Ako nga pala si Señior Krofton Deveraux, ikinagagalak ko kayong makitang lahat. Lalong-lalo na ang inyong mga ekspresyong nangangamba, hahahaha!"

"Ikaw! Mananagot ka din sa kapangahasang ginawa mo sa paaralang ito! Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?!"- gigil na sigaw ng guro namin sa ikalawang seksyon.

"Hindi mo ba alam na kapag may nangyari sa amin ay ang palasyo ng hermedilla ang makakalaban mo?!"- pananakot naman ng guro ng unang seksyon.

"Mananagot? Ha...hahahaha! Hindi niyo na yun malalaman pa dahil lahat kayong nandito ay mamamatay."- mabagal ang mga salitang binitawan niya.

Krofton Deveraux? Ah! Naalala ko na.

Pagkatapos ang pagsusulit ay magkakaroon ng atake sa loob ng paaralan. Makukulong ang mga estudyante at guro dahil sa barrier na naipatayo. Hindi yun basta-basta masisira ng kahit anong mahika kung kaya't walang takas ang mga tao kahit na anong gawin nila.

Si Krofton Deveraux ay isang mapanganib at makapangyarihang lalake. Ayaw niya sa mga salamengkero kung kaya't nagkaroon siya ng hangarin na puksain lahat ng mga taong may mahika.

At nakahanap nga siya ng tyansa na gawin yun dito sa Hermedillia. Dahil lahat ng may mahika ay nagtitipon-tipon ngayon dito sa paaralan kung kaya't mas mapapadali ang plano niya.

Haa. Bakit ko nakalimutan ang importanteng eksena na ito? Sh*t! Hindi ko pa nga nahahanap ang kontrabida sa kwentong ito, may sumunod na naman problema.

"Anong sabi mo?!"- napasinghap ang mga ilang estudyante sa narinig.

"Huwag kayong mag-alala dahil lahat kayong nandito ay sabay-sabay na mamamatay! Hindi ba't nakakatuwa? Magkakasama pa din kayong lahat sa kabilang buhay! Hahahaha!"

"Kung anumang binabalak mo ay hinding-hindi ka magwawagi!"- sigaw ng mga guro at sabay-sabay silang nagpakawala ng mahika.

Hindi pa man din nakakalapit ang mahika nila sa matanda ay biglang yumanig ang lupa.

Nagulat ang lahat ng may sumulpot na lamang na isang malaking tao sa gitna kung kaya't dito tumama ang mahika nila.

"*Gggggrrrrraaawwwrr!*"- ugong nito dahilan para mapaatras sa takot ang iba.

Bagama't mataas ang kastilyong paaralan ay kaya nang abutin ng higante ito pag tumalon.

Nakakatakot ang mukha nito na para bang mangangain na lang ito ng di oras.

"Atin ng simulan ang operasyong ito! Ahahahaha!"- tawa ni krofton at lumipad na sa ere patungo sa ibang direksyon.

"Aagggghhhhh!"- sigawan ng mga estudyante ng sumugod ang higante.




~ vis-beyan28
MelancholyMe

How To Be The Villain (Complete)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt