02

4 1 0
                                    

I was just walking in the hallway when someone got kick at the classroom kaya nakalabas eto at may narinig din akong sumisigaw at mukhang nagkagulo pa ito sa loob. Kaya napatingin ako sa bandang iyon.


"Nandito na si Sir, Gio!"


Yung lalaki ay lumabas at sinuntok ang lalaking sinipa kanina.


"Gago ka! Sinabihan na kita" sigaw nang isang lalaki, at inawat ito nang isang lalaking sumigaw kanina.


Tinignan ko ang binugbog at nakitang kong halos galos ang mukha nito at may dugo sa labi. Nakita ko pa ang lalaki na sinuntok na pinahid ang dugo gamit ang kanyang kamay at tinignan ang lalaki sa mata.


"Hindi ko iyon ginawa, Gio" sabi niya pa at tumingin sa gilid kong saan galit na nakatingin si Mr. Reyes.


"ANONG GULO ITO, MR. BERNARDO AND MR. SALAZAR!" sigaw agad ni Mr. Reyes sakanila nang nakita ang gulo at tinignan ang isang lalaking bugbug sarado ang mukha.


Huminga ako nang malalim at may biglang kumalabit sa akin kaya tinignan ko iyon.

"Nandito kalang pala.."

Napatingin din siya sa tinignan ko at tumingin sa akin. Bago pa siya magsasalita nang sumigaw ulit si Mr. Reyes


"GO BACK TO YOUR CLASSROOM RIGHT NOW!"


Nagsi-alisan naman ang mga studyante at kami din ni Pat.


"Woah...Kailan kapa naki-gossip." nakagulat na sabi ni Pat sa akin sabay tingin sa likod ulit.


"Timing lang."


Pag kapasok ko sa loob ingay agad sumasa-lubong sa akin kaya napapikit ako sa ingay nang aming classroom at nakita ko si Mr. Reyes pumunta sa harapan namin na galit ang mukha. Kaya umupo ako sa upuan ko dahil mukhang bad mood talaga si Sir ngayun.

Napatahimik kaming lahat nang biglang binagsak ang mga libro nadala ni Sir sa lamesa.


"Kayo..Wag kayong mag dala dito nang problema sa paaralan. Nandito kayo para mag aral hindi mag boxing! Mga putangina. May na hospital na nga dahil sa away dinagdagan niyo pa!"Natahimik kaming lahat sa sinabi ni Sir dahil galit na galit na talaga ito. Pagkatapos ay nag pa quiz agad, at pinasa namin sa kanya at umalis siya.


"Si Gio talaga.." bulong nang kaklase ko sa likod


"Ano bang nangyari dun sa 11C kanina?" tanong ni Pat sa likod. Tinignan ko siya at nang kibit-balikat lang ito na tumingin sa akin pagkatapos tumingin sa kaklase namin.


"Nalaman kasi niya na Papa pala gumawa nang pagkamatay nang isang barkada nila 10years ago"


"Huh?" litong sagot ni Pat sa kaklase namin.


Bumuntong-hininga eto at umupo ulit "Barkada si Gio, Kenneth, Rafael. Si Rafael ay isang artist na nag suicide based sa mga media.. Pero sa kilos ni Gio parang si Kenneth ang sinisisi niya." sabi pa niya

SAD BEAUTIFUL TRAGICWhere stories live. Discover now