PART3 kabanata 5 🌹

1.5K 48 13
                                    

bakeshop visit




It's an early morning and I'm busy preparing Tia's packed food. I'm sure hanggang ngayon nagtatampo pa iyon kaya ginawan ko rin nong paborito niyang sandwich.

"Ma'am nakapagbath na si Tia at nakapagbihis narin. Iyan na ba ang baon niya ma'am?" ani Geli habang hawak ang bagpack ng anak ko.

Tumango ako. I zipped the lunchbox at binigay iyon sa kanya. She smiled and happily placed it inside Tia's bag. "Si baby?"

"Nandoon na po kay sir. Ako na riyan ma'am magbreakfast na muna kayo." 

"Sige. Prepare mo na lang muna iyong drinking water ni Tia."

Nadatnan kong kandong ng asawa ko iyong bunso namin at nilalaro. Anakin keeps on looking at his Dad and then back at the toy he's holding. Natawa ako hindi man lang niya magawang pangitiin ang anak niya.

"Mahal ipaupo mo na roon sa upuan niya magugusot iyang damit mo eh." Lumapit ako at inayos ang baby chair.

"Mam... mam—" ani baby nang makita ako at gusto nang magpakarga.

My husband looked at me disappointed at pabirong lumukot ang mukha. Hindi natinag ang anak niya gusto parin sakin kaya kinuha ko na.

"Pareho ni Artie noon. Ang hirap ding kulitin non nong maliit pa," aniya at hinagod ang likod ni baby. Tinulongan niya akong paupuin siya sa baby chair.

"Babe."

"Hm?" Tumingin siya sakin tila may sinusulyapan sa aking likoran. One silent look at me and I know what he meant.

Lumingon ako at napansin si Tia na pasilip-silip sa may pintoan. Ang cute niya sa uniform niyang halatang inayos niyang mabuti pati pony tail niya mukhang pinagawa kay Geli kaya ang cute niyang sumisilip-silip doon.

Kunwaring dumaing ang asawa ko tila may masakit sa braso niya. Dahil doon mabilis na lumitaw si Tia at nagtatakang tumingin sa Daddy niya.

"Ang sakit ng braso ko," pagpapatuloy parin ng kanyang ama. "Mukhang kailangan ko nang magic hug ngayon."

Patakbong lumapit si Tia at mabilis na nagpakandong sa Daddy niya. "Your arm hurts?"

"Oo eh. Teka," ginalaw ulit niya ang braso. "Nawala na," aniya at ngumiti sabay halik sa noo ni Tia.

After some time sa akin naman tumingin si Tia. She looked a little bit scared pero mabagal parin siyang lumapit at yumakap sa mga binti ko. "Sorry Mommy. Please don't get mad."

Ngumiti na ako at tumango. "I'm not mad go to your chair."

"I want my kiss," she said while looking up. As if naman matitiis ko to. Naguguilty nga ako kanina pa kasi pinilit kong wag siyang puntahan sa kwarto niya. I'm sure she thinks I'm mad pero pinuntahan ko naman masyadong maaga lang para gisingin.

I bent and gave her kisses on her face halos pugpugin ko ng halik. As usual napuno na naman ng hagikhik niya ang silid.

We had our breakfast and soon nasa labas na kami. Hawak ni Austin ang bag ni Tia patungo sa kanyang sasakyan.

"Daddy I'm riding with you now?"

Tumango ang asawa ko at binuksan ang kotse niya. Excited na pumasok dito si Tia at malawak ang ngiting kumaway-kaway pa. "Bye Mom. Bye baby Anakin. I love you."

Sinara niya ang sasakyan matapos mailagay ang bag ni Tia roon. Humarap siya sa'kin at kinuha ang maliit na kamay ni baby na ngayon ay karga ko.

"Good boy ang baby ko diba. Wag mong papagurin ang mommy mo." Anakin gripped his Dad's finger at sa wakas ay lumitaw ang dalawang maliliit niyang ngipin sa harap dahil sa pagngiti.

🔥Heart Memories (TFYG part two)🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon