"May ibibigay nga pala ko sayo hehe ^_____^"

"Ano nanaman yan? Masyado ka na madaming binibigay sa akin"

"Basta nasa room, tara papakita ko sayo"

Dahil tinatamad kami mag hagdan ay nag escalator kami since mamaya pang 9:00 am i-o-operate ang elevators. Nang makarating kami sa room ay may mga kaklase na kami at naka upo na si Tairah sa upuan nya. Dumeretso ako sa upuan ko at hinintay si Morris.

Ilang saglit lang ay lumapit na sya sakin na may dala-dalang lunch bag. Binuksan nya ito at tumambad sa akin ang isang bento box. Binuksan ko ito at may japanese food itong laman.

"Ano 'to?"

"Pagkain"

-_____-

"Alam ko, pero para saan?"

"Hindi kasi tayo natuloy kahapon sa pag kain doon sa japanese restaurant na gusto mo, kaya ipinagluto na lang kita"

Sya nagluto nito? Hmmmm mukhang masarap! Hindi ko alam na may tinatago palang talent 'tong si Morris.

"Thank you! Eto kakainin ko sa lunch mamaya" masayang sabi ko at itinabi ang bento box sa lunch bag na iniabot nya sa akin kanina.

At nag umpisa na nga ang klase ilang minutong nakalipas. Nagulat kami dahil ngayon nila inurong ang araw ng finals. Dismayado ang lahat dahil karamihan ay hindi pa fully prepared para sa finals, ang announcement kasi sa amin ay next week pa. Kaya naman bakas ang kaba at dismaya sa mukha ng mga kaklase ko.

Okay na din siguro na inurong nila para na din matapos na ang lahat at mabawasan na ang stress ko. After ng finals bakasyon naman na namin eh.

Lumipas ang ilang oras at dalawa na ang subject na natatapos namin for finals.

"Abi, tara lunch na tayo! Kanina pa ko nagugutom" pag aaya ni Tairah na agad namang itinulak ni Morris.

"Sabay kami mag l-lunch ni Shannayah" -Morris

"Pake ko sayo?! Best friend ko yan tumabi ka nga!" -Tairah

"Ikaw ang umalis. Sakin sya sasabay. Tsaka palagi naman kayo sabay kumain, ngayon ko lang sya makakasabay" -Morris

"Oh? Problema ko pa ba yon? Wag kang epal!" -Tairah

-_________-

Sakit nila sa ulo. Para akong may kasamang mga grade 1 eh. Kinuha ko ang lunch bag na iniabot ni Morris sakin kanina at ipinatong sa desk ko.

"Tigilan nyo na yan, sabay tayong tatlo kakain. Tara na" pag awat ko sa kanila at nag lakad palabas ng room.

Nang makarating kami sa cafeteria ay agad na kami humanap ng upuan. Nang makakita kami ng bakante ay nagpaalam si Morris na bibili ng pagkain, kaya naman nauna na kami ni Tairah na maupo.

Pagkaupong pagkaupo namin ay lumapit si Analaine.

"Hi girls, here's for the both of you" nakangiti nyang iniabot sa amin ang isang pink na envelope kaya naman tiningnan namin kung anong laman.

"I personally invited you so I expect to see you both at my party" excited nyang sambit.

Nakatingin sa akin si Tairah at saka inilapag ang invitation card sa lamesa. Tiningnan nya si Analaine na mukha pa ding excited.

"Para saan nga ulit 'to? Bakit hindi nakalagay dito kung para saan yung party mo? Birthday mo ba?" confused na tanong ni Tairah.

"You'll see! Wag kayo mawawala don okay? Bye" at saka sya umalis nang naka ngiti na kasunod naman ang pag dating ni Morris na bitbit ang mga binili nya.

The Last Day I Said I Love YouWhere stories live. Discover now