Sinubukan niya akong suyuin, lambingin pero nagmatigas ako. Nagkulong ako sa kwarto namin at hindi siya pinansin. Pero kalaunan ay nagkausap din kami pagdating ng umaga dahil hindi ko rin siya matiis lalo na't sinusubukan niya akong patawanin o pangitiin para mawala na ang pagtatampo ko sa kaniya.

Maswerte ako dahil hindi niya ako sinukuan. Ang swerte-swerte kong babae dahil imbes na magalit siya ay inintindi pa niya ako. Kahit pagod ay binibigyan pa rin niya ako ng time na magka-bonding kami. Masaya ako dahil tinupad niya ang pangakong mamahalin niya ako, aalagaan, hindi iiwan at mas lalong hindi ako ipagpapalit sa kahit sinuman.

Masaya at maswerte ako dahil ako lang ang babae sa buhay niya. Hindi niya hinayaan na magkaroon ng lamat ang aming pamilya lalo na ang aming pagmamahalan at pagsasama bilang mag-asawa.

Gano'n din naman ako, hindi ako papayag na may sumira sa amin lalong-lalo na sa relasyon naming dalawa. He is enough for me, kaya never kong naisip na maghanap ng iba. Hindi ako magsasawa na mahalin ang isang tulad niya.

Aba! Ang tanga ko na lang kung papakawalan ko pa siya at hayaan siyang mapunta sa ibang babae. Pero syempre, mas tanga siya kung iiwan niya ako at ipagpalit sa iba. Mabuti na lang talaga ay hindi kami parehas tanga kaya heto, nagsasama pa rin kami at going strong pa rin kami kahit na pitong taon na ang nakakalipas.

Yes, 7 years have passed and both of us are still going strong. We are still both in love with each other, and won't let anything or anyone break us. Walang makakapaghiwalay sa amin. We are not a perfect couple, but we still choose to love each other even though there are struggles in our lives.

This is what makes a relationship strong, to always choose each other no matter what. Wala naman kasi talagang perpektong relasyon, ang mahalaga ay pareho kayong lumalaban sa hamon ng buhay at hindi naggi-give up.

Para kasi sa akin, ang relasyon kasi ay mas lalong magiging matatag at hindi masisira kapag pareho kayong understanding. Isa 'yon sa sekreto naming dalawa ni Samael.

'Yung willing kaming intindihin ang isa't-isa lalo na kapag kung sino man sa amin ang nagkaroon ng pagkakamali pero pinapatawad pa rin namin ang isa't-isa. And of course, you are ready to sacrifice anything for your partner.

Talagang dumadaan naman ang lahat ng mag-asawa sa arguments. That's normal, pero mas masaya at malalaman mo kung mahal ka kung pagkatapos ng arguments ay nagkakabati rin kayo agad at nagkakapatawaran.

Hindi lang naman kasi ang 'love' ang importante sa isang relasyon, kundi pati na rin ang pagkaka-iintindihan at tiwala.

Kapag may trust issue ka at puro ka hinala, doon na magsisimula ang pagkasira ng isang relasyon. Dahil kung mahal mo ang isang tao, may tiwala ka na hindi ka niya lolokohin at sasaktan. May tiwala ka na ikaw lang ang mahal niya.

Higit sa lahat, kung mahal mo ang isang tao ay hindi mo sasaktan ang damdamin niya, hindi mo hahayaan na masira ang tiwala na binibigay niya sa 'yo at mas lalong marunong ka dapat makuntento.

Trust is the most important of all.

Especially when you give your purest and genuine trust to the person you love. So you should not break the trust that people have given you because it is difficult to restore trust once it is broken. It breaks easily but takes a long time to heal.

I know it's hard to trust someone, this is a difficult tasks. You should know who you should trust and who shouldn't. You should know who is true to you. Pero kilala ko naman si Samael. May tiwala ako sa kaniya na hindi niya ako sasaktan at lolokohin. He didn't break his promise to me. He was a faithful husband to me, he stayed and never gave up on me.

That's why I always put it in my mind not to let go of my husband. I'm lucky to have him! I always remind myself not to let go of the person who loves you better than anyone else. The person who will always choose you. 'Yung taong may tiwala sa kakayahan mo at mahal ka.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Where stories live. Discover now