1

24.9K 809 233
                                    

ILARIA POV

Mariin akong nakapikit habang pinapakinggan ang pagtatalak ng babaeng ito sa akin. Sumasakit na ang ulo at tenga ko dahil sa matinis niyang boses. Kulang na lang talaga ay mabasag na rin ang eardrums ko.

Halos ilang minuto na rin siyang hindi tumitigil sa kasisigaw sa akin subalit hindi ko naman maintindihan ang kanyang sinasabi dahil una, masyado siyang mabilis magsalita. Pangalawa ay nagsasalita rin siya ng ibang lengguwahe na hindi ko naman maintindihan.

Pakiramdam ko tuloy ay mano-nosebleed na ako nito at feeling ko rin ay parang minumura na niya ako. She speaks Italian and I can't understand what she is yelling at me, my goodness.

Ngunit pansin ko sa kanyang mukha na galit na galit siya sa akin at dinuduro pa niya ako. Baka nga mamaya ay minumura na pala talaga ako ng babaeng 'to.

Sabagay ay narito nga pala kami sa Sicily. Kahit na ilang taon na akong naninirahan dito sa bansa ay hindi ko pa rin talaga magawang matutunan na magsalita ng Italian.

Kasalanan ko ba kung puro nagsasalita ng wikang Tagalog ang mga tao sa Mansyon namin? Hindi ko na rin kasalanan kung ang mga kinuhang kasambahay noon ng gwapo kong nakatatandang kapatid ay mga pinay.

Bukod kasi sa ingles ay tagalog lang din ang alam kong lengguwahe. Palibhasa kasi ay isang pinay si mommy kaya nakasanayan niyang ituro sa ‘min ang magsalita ng Tagalog. Halos lahat ng mga tauhan nila, lalo na ang mga naging kasambahay namin ay puro mga Pilipino.

At isa pa, ito rin ang unang beses na makapag-aral ako sa isa sa prestigious school dito sa Sicily at ngayon lang ulit ako nakalabas sa Mansyon namin.

As in, ngayon lang.

Nandito ako sa isang unibersidad. First day of school palang namin pero diretso na ako agad sa Guidance and School Counseling upang pag-usapan kung ano ang nangyari.

Kanina ay nasa Detention Office lang kami subalit pinapunta kami rito para pag-usapan ang isyu na kinasasangkutan ko ngayon. Tiyak na malalagot ako nito sa kuya ko. Sigurado na may tumawag na rin sa kanya upang ipaalam ang nangyari sa akin.

May pagka-overprotective pa naman siya. Kahit nga lamok ay ayaw niyang dumadapo sa akin. Hindi naman sa OA ako pero gan'on talaga sa akin ang aking kapatid simula bata pa lang kaming dalawa. Mas OA pa nga ang kuya kong iyon kaysa sa akin.

“Calm down, Miss Giana,” the Guidance Counselor said.

Mahinahon ang kaniyang tinig upang pakalmahin ang babaeng ito na walang kapaguran sa pagsasalita.

"We should discuss this issue calmly and peacefully. You don't need to shout here in my office. Have respect, please."

Pati ang Guidance Counselor namin ay nakangiwi na at halatang naririndi na rin sa kaingayan ng babaeng ito. May pagka-matinis pa naman ang boses niya pero buti na lang ay nakinig siya at tumahimik na rin.

Siguro ay napagod na rin ang kanyang bibig sa kabubunganga rito sa loob ng office ng aming Guidance Counselor. Baka siya pa ang ma-kick out kapag hindi pa siya tumigil.

Pero siyempre, inirapan niya muna ako at parang gusto niya ulit akong saktan tulad kanina sa hallway.

Buti na nga lang talaga ay marunong makaintindi ng salitang ingles ang mga Sicilian dito. Hindi lang naman kasi sila nagsasalita ng Italian, kung ‘di pati na rin ang ingles.

Tulad na lang ng aking kapatid na magaling sa inglesan, pati na rin sa pagsasalita ng Tagalog at Italian. Kaya naman malaki pa rin naman ang pasasalamat ko dahil kaya ko pa ring makipag-communicate sa ibang mga tao lalo na sa magiging kaklase ko.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Where stories live. Discover now