[pag.ki.ki.ta]

7 0 0
                                    

Chapter One

ENCOUNTER

~*~

Napapikit na lang si Mica sabay hilot ng kanyang sintido. Hindi niya alam kung matatawa, maawa, o magagalit siya. She was woken up by her brothers' loud conversations just outside her door. Hindi naman ganun na lang kanipis ang dingding at pintuan niya sadyang malakas lang talaga ang mga boses ng mga kapatid.

"Ayoko! Masasapak ako nun!" Rinig niyang sabi ng kanyang isang kapatid, si Claude.

"Alam mo naman pala! Bakit mo pinatulan?" Galit na singhal ng isa pa niyang kapatid at kakambal ni Claude, si Clave. "You started this so you go see it yourself. Ipagdadasal ko na lang ang kaluluwa mo."

Kung minsan napapaisip si Mica kung papaano nakakayanan nang mommy nila ang dalawang kapatid. Masyado silang magkaiba na dalawa peru hindi naman mapaghiwalay. Clave is more inclined to think maturely than Claude who can be so happy go lucky sometimes. Claude is loud and bubbly while Clave is more reserved.

Hindi na nakayanan ni Mica na makinig lamang sa mga kapatid at binuksan ang kanyang pintuan. Nagulat naman ang dalawang kanina pa nag-aaway nang bumukas ang pinto. Pareho silang napaatras at nagtulakan kung sino ang mapupunta sa harap.

"Kanina pa kayo. Kelan ba yan?" Tanong niya sa mga kapatid.

"Sa Sabado." Sagot ni Clave, ang natalo sa tulakan nila. "Peru alam ko naman na busy ka at pasukan na sa Lunes. Kaya si Claude na ang bahala."

"Ha?!" Gulat na tugon ni Claude sa kakambal.

Napailing-iling na lamang si Mica. Kahit na hindi niya narinig ang lahat ng pinagusapan ng dalawa ay narinig naman niya halos lahat nang importanteng impormasyon. Kaya alam niyang malaki ang epekto kung aatras pa sila sa pustahan. Peru tama naman si Clave na busy siya dahil nga pasukan na sa Lunes at marami pa siyang aasikasuhin dun sa apartment.

"Wala pa akong school supplies tas kailangan ko pang mag-grocery para sa apartment. At ayokong pumasok nang may pasa o sugat." Sabi niya sa mga kapatid. Tumango naman si Clave habang nakatungo lamang si Claude na nagiisip kung papaano niya aatrasan ang pustahan. "But we are talking about the Fifth Finger here. We've been looking into this. So, we can't miss this chance to see their product. Even if we might get exposed." Napalingon si Claude sa kanya.

"Tama." Tugon ni Clave. Natahimik silang tatlo. Wala silang pagpipilian at kailangan nilang sumugal.

"Well...wala tayong choice. Sige na at pupunta pa ako nang PASS." Sabi ni Mica at iniwan ang dalawang kapatid at pumasok sa kwarto niya. Malapit na mag-alas tres kaya kailangan na niyang umalis. Pupuntahan pa niya ang kaibigan bago pumunta sa orphanage.

Matapos makapaghanda ay nagpaalam na si Mica na aalis. At dahil sa malapit lang ang PASS sa subdivision nila ay hindi na siya nagtricycle. Habang naglalakad ay biglang may tumahol kaya naman napalingon si Mica. Agad niyang nakita ang tila maliit na ulap na tumatakbo papalapit sa kanya. Huminto ito sa harapan niya at tumahol nang ilang beses.

"Ang cute." Bulong niya sa sarili. Umupo si Mica at hinimas-himas ang maliit na aso na siyang nagugustahan naman nito. Pupulutin na sana ni Mica ang maliit na aso nang biglang may sumigaw. Agad siyang tumingala at nakita ang isang lalaking tumatakbo papalapit sa kanya.

"Snow! Gosh! How could you stray this far?" Sabi nito at pinulot ang maliit na aso.

'Foreigner?' Sabi niya sa sarili.

Matangkad at matikas ang lalaki na halatang nagwowork out. Makinis at maputi ang balat na parang hindi naarawan. At mayroon siyang pares ng hazel eyes at mataas na ilong.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Code Name: MICAWhere stories live. Discover now