"Yvo D.V"

Hmmm. Interesting.

I opened the profile at confirmed.

My heart raced so fast. I can feel my cheeks warming and I instantly closed my laptop.

Ano nanaman bang gusto nya? Malapit na ko maging okay eh diba? Malapit na nga ba? Gusto ko nga bang maka move on? I stared at the wall blankly thinking about the friend request. Hinawakan ko ang mukha ko at sinampal sampal pisngi ko.

"Hindi, hindi, hindi. Baka gusto lang ako pagtripan nung gumawa ng account. Baka eme eme lang yung account na yon" pagkukumbinsi ko sa sarili ko. Binuksan ko ulit ang laptop ko at tiningnan ko ulit ang account.

Ipinatong ko ang mukha ko sa palad ko at tinitigan ang picture nya. "Yvo, bakit ba kasi ang pogi mo? Sana krimen na lang ang pagiging pogi para makulong ka at di na kita makita!"

"Abi! Halika na at mag dinner na tayo! Sino ba kausap mo dyan?" pagkatok ni mommy sa pinto ng kwarto ko. "Ahmm, opo! Susunod na po!" Nagmadali akong ilapag ang laptop ko sa desk na katabi lang ng bed ko at saka ako bumaba para makapag dinner kasama si mommy.

Habang kumakain kami ni mommy ay tumunog ang notif ng phone ko kaya naman chineck ko.

O_O

AACKK! *UBO *UBO *UBO ACCCKK!

"Oh! Bakit kasi hindi mo nginunguya nang maayos pagkain mo? Mag tubig ka" agad naman ako ipinagsalin ni mommy ng tubig habang ako ay mukhang hamster na nag aagaw buhay. Huuyy hamster? Pano naman kasi, bigla na lang ako nakatanggap ng message kay Yvo. Pano mangyayare yon eh hindi naman sya pwede mag message sakin kung hindi ko i-a-accep-

...

...

Unless na click ko accidentally sa laptop ko?

"Oh natutulala ka dyan? Okay ka lang ba? Masyado ka na ata napapagod kaka-aral" pagpuna ni mommy. Tiningnan ko si mommy at binigyan ko sya ng alanganing ngiti at tiningnan ulit ang notif.

Hi. Its been a long time?

Oh tapos? Nugagawen ko? Nananahimik na ko please lang.

Inubos ko kagad ang food ko at umakyat agad papunta sa kwarto. Nilapitan ko kagad ang laptop kong nananahimik sa ibabaw ng desk ko. "SHUTA KA! KASALANAN MO 'TO!" sisi ko sa laptop ko. "Bakit mo naman in-accept beh? Desisyon ka ba? Pano na ko neto? Tahimik na buhay ko tapos pinapasok mo nanaman sa eksena yang asungot na yan" pagdadabog ko at padapa kong binagsak ang katawan ko sa kama.

"Katapusan ko naaaa" paiyak na sigaw ko habang nakasubsob ang mukha ko sa kama at ipinapadyak padyak sa paa ko.

Humiga ako at tinitigan ko ang ceiling ng kwarto ko. Ayoko na. Natatakot akong maramdaman ulit yung sakit na naramdaman ko noon. Paano kung ako lang pala yung sobrang nasaktan noon? Paano kung ako na lang yung hindi pa nakaka move on?

Kinuha ko ang bag ko at dinukot sa bulsa nito ang phone ko. My hands automatically dialed Tairah.

Tairah: Napatawag ka.

"Ayaaaa!!! Huhuhuhu"

Tairah: Luh? Baliw ka ba? Ano namang ipinagmamaktol mo dyan?

"Na accept ko friend request ni Yvo : < "

Tairah: Oh ano naman kung in-accept mo..FRIEND REQUEST NI YVO? HA? BALIW KA BA?

"HINDI KO NAMAN KASALANAN YON! AKSIDENTE KONG NA ACCEPT YUNG REQUEST >_< "

Tairah: Aksidente? Sus! Don't me noh! Sure ako nakipag talo ka pa sa sarili mo kung i-a-accept mo ba friend request nya

"Grabe ka! Tingin mo ba sakin marupok? Eh isang taon na nakalipas nung mag break kami!"

Tairah: Wala yan sa tagal ng break up nyo. Kung may feelings ka pa sa kanya, edi TANGA KA PALA EH

"Wala na kong gusto sa kanya.."

Tairah: Sigurado ka na ba dyan? Mahirap magsalita nang tapos

Hindi ko na ba sya gusto? Hindi na nga ba?

"S-sigurado ako syempre. Kilala mo naman ako, naka focus ako sa studies at sa pastry shop ni ate. Ayun top priority ko eh"

Tairah: Oh eh kung sigurado ka na sa sinasabi mo matulog na tayo kasi inaantok na ko

"Sige na bye na"

Tairah: Bye Yvo este Abigail hehehehe

Tss. Pinatay ko ang call at tumulala ulit sa kisame. Tama, madami akong priority. Hindi ko na sya dapat isipin dahil matagal naman na kaming wala at hindi ko na dapat inaatupag ang ibang tao. Tutulog na ko dahil maaga pa ko bukas at puro review nanaman ang gagawin ko. I slowly closed my eyes and I immediately fell asleep.

The Last Day I Said I Love YouWhere stories live. Discover now