vii. someone is in my room

Start from the beginning
                                    

"How beautiful . . . " He was pleased upon admiring his art, especially the new one that was named Sheina Taguchi.

There was this sense of satisfaction running through his system every time he looked at a person being deprived of life. The way a dead person's body is cold as a winter, its purpled veins tangled like a wildlife forest at night, and the eyes being clouded with grayish opaqueness as they sink back into their sockets. Nothing is more beautiful than the sight of a mere corpse.

"Too bad it can't be displayed on a museum. "

Nakakadismaya para sa kanya na hindi masisilayan ng mga tao ang kagandahan ng kanyang nilikha. Nakakapanghinayang na hindi nila mararamdaman ang ligaya sa tuwing ginagawa niya ang proseso nito. Kung sana'y mas lawakan nila ang pag-iisip.

* * * * *

R  E  N


Tuluyan akong naubusan ng pasensya kay Bundy. Who knows ano ang kaya niyang gawin sakin kung hahayaan ko lang siya? It's also frustrating that I can't just report him to the police or to the landlady just because I don't have any evidence to prove he's actually a creep. Kaya ngayon, I'm gonna prove to them I wasn't being paranoid. That he goes inside my room, rummaging through my clothes.

Nilagay ko ang aking nag-iisang lipstick sa unang bahagi ng drawer kung saan nakalagay ang aking mga undergarments. In this way, I'll know if he touched it.

If nawala ito o napunta sa ilalim, tama ang aking hinala.

I looked for a moment at the closed room on the other end of the hallway. Ryu's room has been quiet ever since he left yesterday. I guess busy talaga siya sa trabaho.

Isa pa, hindi ko rin masyadong nakakasalamuha ang ibang tenants lalong-lalo na si Moses. Nasisilayan ko lang ata yun 'pag nagpapa-dinner si Auntie Jo. Siguro mabuti nalang din na ganyan. I'm going to loose my mind even more if I keep interacting with those creepy dudes.

Hindi ko nadatnan si Auntie Jo sa ibaba dahil namamalengke siya. As usual, nakahiga pa rin ang kanyang asawa sa sahig ng kanilang kwarto. Nakatitig sa kawalan. Kawawa naman. I can't imagine how tough it must've been to be completely unable to move.

On my way to school, may napansin akong palaboy-laboy na pusa sa gilid ng mataas na hagdanan. Kulay gray ang balahibo niya at kay bilog ng mata. There's a narrow alleyway doon kung saan maraming mga basura ang tinatambak. The poor kitty must've lived beside the trashes. 

"Meow!" It warms my heart when it didn't scratch me, hinayaan niya lang ako na i-pet siya.

"I wish I could take you home." giit ko habang panay ang pag-meow niya. If may maayos lang ako na tirahan, matagal ko na siyang inuwi. Isa pa, bawal sa apartment magdala ng alaga.

"Are you hungry?" tanong ko sa pusa.

"Meow~"

May baon naman akong pandesal na kinuha ko sa ref ni Auntie Jo. Binigay ko na lamang ito sa kawawang pusa. Baka kahapon pa ito walang kain.

"Eat well, mingming." 

Habang abala siya sa pagkain ng pandesal, umalis na ako bago pa ito sumunod sakin. I don't want to leave the kitty alone but I have to go to school. Babalikan ko nalang siya pag-uwi.

I arrived a few minutes before Miss Suzi came. She's earlier than usual. What caught our attention is the glum look in her face, her spirit somehow is on a rock bottom.

"Heartbroken kaya si miss?" bulong ni Riko sakin.

"Ewan ko. " I respond in a low tone.

Everybody seems to be affected by our teacher's presence that they stopped talking loud and whispered to each other.

The Devil Beside You (UnGodly Trilogy #1)Where stories live. Discover now