iv. the photographer

7 0 0
                                    


Weekend ngayon kaya walang pasok

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Weekend ngayon kaya walang pasok. Sinimulan ko ang pag-iimpake dahil aalis na ako sa susunod na bukas. Sa tingin ko'y masisiraan ako ng bait kaka-overthink kapag tatagalan ko pa ang pananatili rito. Last night, hindi ako makatulog ng maayos dahil sa mga naririnig kong kakaiba. It could be the wind or just my paranoia, nonetheless, the thought of hearing loud breathing on the walls terrified me. The only good thing on this place is Auntie Jo's warm personality. 

Pagkababa ko, nadatnan ko si auntie Jo na may kausap sa telepono. As usual napakalapad ng ngiti niya. Ayaw ko sanang maki-usisa ngunit narinig kong parang may paparating sa susunod na bukas. It's none of my business to find out who is it, so I just get out of the building and starts searching for another apartment.

May iilang boarding house akong nahanap ngunit puro maliliit ang room tas overpricing pa. Yung iba naman, maganda at spacious, ngunit 'di ko afford. It'll take me months of savings to afford one month stay. Sinubukan ko ring mag tanong sa school staff about dormitory ngunit mahal din. Ano pa ba ang aasahan ko? This is a huge city, everything is expensive.

Sa kalagitnaan ng apartment hunting ko, tumawag ulit si mama. Huminto muna ako sa gilid upang sagutin siya.

"A-anak . . . "

I thought kakamustahin niya ako ngunit base sa tono ng boses niya, may problema na naman.

"Kailangang magpa-chemotherapy ng kapatid mo k-kaso sobrang mahal. Hindi kasya ang sweldo ko bilang kasambahay, kaya namasukan ako bilang kusinera sa isang korean restaurant. Anak, h-hindi ko na alam anong gagawin ko. Ni pang kain sa araw-araw ay nahihirapan akong makabili. Ayaw kong sukuan ang kapatid mo. Ayaw ko na pati siya ay mawala sakin. Kayo na lamang ang natitira kong kayamanan. " Hearing her crying on the other line and realizing that there was nothing I could do to ease the pain really broke my heart.

"H-huwag kang mag-aalala anak. Makakahanap ako ng paraan. Hahanap si mama ng paraan. "

Naikagat ko ang labi habang pinapakinggan ang nanginignig niyang boses. 

"Paalam muna anak, tapos na ang lunch break namin. Tawagan kita pagkatapos ng trabaho ko."

Nang binaba ang tawag, napa-upo ako sa gilid. Hindi mapigilang mapaluha sa sitwasyon ko. Gusto kong tulungan si mama. Gusto kong sabihin sa kanya na magiging maayos din ang lahat ngunit pati ako ay hindi rin sigurado. Saan kami kukuha ng malaking salapi? 

May natitira pa akong pera. Gusto kong ibigay lahat ng 'to kay mama ngunit kailangan ko pang bayaran si auntie Jo. Yung sweldo ko naman sa part time job ay next month pa ibibigay.

"Nauunawaan kita iha. " 

A warm smile lifted the corners of her mouth as Auntie Jo hold my hands to comfort. 

"Alam kong nakakatakot nga naman tumira 'pag puro lalaki ang kapit-bahay mo.  " aniya habang nakangiti, her smile reminds me of my grandma.

Bigo akong makahanap ng apartment kaya umuwi na lamang ako upang mag bayad kay auntie Jo sa tatlong araw na pananatili sa apartment niya. She seems trustworthy so I told her my current situation, even the weird tenants and the suspicious sounds I heard last night. Like the kind lady she is, she understands me and doesn't judge me for it. 

The Devil Beside You (UnGodly Trilogy #1)Where stories live. Discover now