"Bakit kailangan pa akong maghintay ng isang minuto para gawin yun?"

"Dahil paniguradong may mananatili sa kanila na magbabantay. Hindi pwedeng iwanan na lang nila ang mga nilalang, hindi ba?"- taas kilay niyang saad.

"Kung kaya't bibigyan kita ng isang minuto. Kung sakaling malaman nila na nanduon na ang mga gamit nila sa kalesa, mabubulilyaso tayo."

"Ano naman ang gagawin niyong dalawa?"- tanong ko.

"Ang ikalawang hakbang ay patulugin ang matitira sa lungga nila. At ikaw ang gagawa nun."- turo niya kay caden.

"Pagkatapos naming pakawalan ang mga nilalang ay bibigyan ka namin ng senyales. At kapag nangyari yun ay bumalik ka dito mismo sa pwesto natin."- lingon ni yael sa akin.

Dapat magtagumpay ang planong ito dahil kung hindi ay mananagot sakin ang yael na yun.


______________________________________

Yael Thiago Esquivel
______________________________________


Sinenyasan ko si caden na medyo malayo sa akin nang makitang nagsitakbuhan ang limang kalalakihan papasok ng kagubatan para habulin si silas.

Tama nga ang hinala kong may mananatili dito at magbabantay.

"Kung minamalas ka nga naman oo. Ngayong araw pa tayo nanakawan."- inis na dabog ng dalawang lalaki na nanatili.

Medyo malayo kami ni caden sa isa't-isa kung kaya't sinenyasan ko itong magsimula na.

Nanatiling walang emosyon ang mukha nito nang tumalon ito mula sa sanga ng puno.

Nagulat ako dalawang lalake sa narinig at napalingon sila kay caden na nakasuot ng robang itim na may hoodie atsaka maskara sa bibig.

"Sino ka?!"- sigaw nila at nilabas ang mga kutsilyo sa bulsa.

Gamit ang kaniyang kapangyarihan ay gumawa siya ng bilog na bubble ngunit mas matibay yun. Yun din ang ginamit niyang pangsalo sakin sa ere nuong umatake ang mga alupihan sa bayan namin.

Kinulong niya ang dalawang lalake sa loob ng bola at kinontrol ito papuntang ere.

"Pakawalan mo kami dito!"- sigawan nila habang pilit na winawasak ang bilog.

Sinimulan niyang kulogin ang bilog dahilan para mahilo ang dalawa.

Habang nangyayari yun ay nagsimula na akong lumabas sa pinagtataguan ko.

Nagtungo ako sa kalesa at tinignan kung naibalik na ni silas ang mga gamit. Nang makita kong nanduon ang mga gamit nila ay hinanap ko ang potion na makapagbabalik ng lakas ng mga nilalang.

Napangisi ako ng may nakita akong kakaibang kahon. Binuksan ko yun at nakita ang isang bote na naglalaman ng kulay berdeng likido.

"Ngunit papaano nila nadukot ang mga iba't-ibang uri ng nilalang? Hindi ba't may kakaibang lakas at kakayahan ang mga nilalang? Paano na lamang sila nakuha kung ang mga tao ay mahihina?"- takang tanong ni caden.

"Tama ka mas malakas ang mga nilalang kaysa sa mga tao. Ngunit may mga paraan para pahinain ang kakayahan at lakas ng mga nilalang. Isa itong gayuma na maaring ipainom o mas madali, ipaamoy sa mga nilalang. Kapag nangyari yun ay magiging mahina sila at hindi makakalaban. Nagtataka kayo siguro kung bakit hindi na lang sila tumakas. Iyon ay dahil may nalanghap o nainom silang gayuma."- paliwanag ko na ikinagulat nila.

At dahil kailangan nating ibalik ang lakas nila para tuluyan silang makatakas, kailangan ko ang potion na to.

"Tapos ka na diyan?"- lingon ko kay caden.

"Mukhang wala na silang malay."- tugon niya at binaba ang bilog . Nang mawala ng kapangyarihan niya ay napahiga sa lupa ang dalawang lalaki na nawalan na ng malay at may bula na sa bibig.

"Tsk. Sabi ng huwag masyadong pahirapan sila."- reklamo ko at bumuntong hininga.

"Sigurado ka bang buhay pa ang mga yan?"- paniniguro ko at naglakad papalapit sa kariton.

"Tsk. Kung bakit kase ang hihina niyong mga tao."- komento niya at pinagpag ang dalawang kamay.

Aba't kami pa ang may kasalanan?

Pagbukas ko ng kariton ay tumambad sa akin ang mga nakahigang nilalang. May mga lobo, soro (fox), serena na nasa human form, ibon, kuneho, at iba pang kakaibang nilalang na ngayon ko lang nakita.

Tumikhim ako habang isa-isa silang nagigising.

"S-sino ka?"- tanong nung babaeng serena.

Tinignan ko lang siya atsaka binasag ang bote sa loob ng kariton. Nagulat silang lahat ng bumuhos ang likido at umalingawngaw ang amoy nito.

"May limang minuto kayo para tumakas dito."- anunsyo ko at sumandal sa labasan ng kariton.

"A-anong nangyayari?"- tanong nila.

"Pakiramdam ko bumalik ang lakas ko."- saad nila habang pinagmamasdan ang sarili.

Sinubukan pang suntukin nung lobo yung kariton dahilan para mabutas ito.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Bumalik na nga!"- nagugulat nilang saad.

"H-hindi namin alam ang iyong motibo ngunit maraming salamat ginoo."- yumuko sila sa akin ng isa-isa silang lumabas ng kariton.

"Wala yun. Maaari na kayong umalis dahil babalik na sila."- winagayway ko pa ang kamay na parang tinataboy sila.

"Caden, bigyan mo na ng senyales si silas."

Sumipol naman ito ng malakas. Sapat na para marinig ni silas na nasa loob ng kagubatan.

"Ano pang ginagawa niyo? Gusto niyo bang mahuli muli?"- lingon ko sa kanila ng hindi pa sila kumikilos.

"A-aalis na kami. Maraming salamat muli, ginoo."- yumuko silang lahat at isa-isa ng nagtakbuhan at nag liparan.

"Umalis na tayo dito."- maya-maya'y sabi ko at tumakbo na din kami ni caden.




~ vis-beyan28
MelancholyMe

How To Be The Villain (Complete)Where stories live. Discover now