Pagkabukas ng pintuan ay papasok na sana ako sa loob nang may kamay ang mabilis na humawak sa aking braso para pigilan ako.

"Wait, papasok ka sa loob?" tanong ni Atticus, "Paano kung bigla ka niyang saktan?" bakas ko sa mukha niya na nababahala pa siya.

Oh crap! I almost forgot that he was with me. Sinamahan niya ako ngayon dito dahil si Samael ay nagkaroon ng urgent na meeting sa trabaho niya kaya naman si Atticus ang sumama sa akin para ma-secure niya ang safety ko.

Hindi rin naman kasi papayag si Samael na umalis ako na walang kasama. Kaya heto, kasama ko si Atticus at ang ama ko naman ang nag-suggest na itong half brother ko ang sasama sa akin at mag-e-escort sa 'kin pauwi.

"She's Emmeline, I know she won't hurt me. Trust me," sagot ko bago ko tanggalin ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at pumasok na sa loob ng ward.

Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya bago ko naramdaman ang pagsunod niya sa akin sa loob kaya hindi ko na lamang siya pinansin. Tinuon ko na lang ang aking tingin kay Emmeline na ngayon ay nakatingin pa rin sa labas ng bintana at hindi man lang napansin ang aming presensya.

"Emmeline?" malumanay kong tawag.

She quickly took her attention away from the window and immediately looked at me when she heard my voice. She stood up and breathed a sigh of relief when she saw me. Nakita ko rin ang kasiyahan sa mga mata niya.

"Ate Ilaria!" tawag niya sa 'kin na tila maiiyak pa.

She ran to me so I just hugged her tightly. To make her feel that I am here and no one will ever hurt her again. Ramdam ko rin ang pagpulupot ng dalawa niyang braso sa beywang ko. Until she suddenly started crying in my arms.

"M-Mabuti at nandito ka.." pag-iyak niya.

I rubbed her back to calm her down.

"I told you that I will always visit you, right? Nandito ako, hindi kita pababayaan." I said softly.

Mas lalo siyang napaiyak. Rinig ko na rin ang mahihinang paghikbi niya at lalong himigpit ang pagkakayapos niya sa akin.

"Shh, stop crying." pag-aalo ko sa kaniya.

Ilang minuto pa muna kaming nanatili sa ganoong puwesto. Hinayaan ko muna siyang umiyak at ilabas ang bigat na nasa dibdib niya. After that, she calmed down and stopped crying.

Mukhang napansin niya na hindi lang ako ang naririto, napatingin siya sa likod ko at rumehistro agad ang takot sa mukha ni Emmeline nang makita niya si Atticus. Agad siyang nagsumiksik sa katawan ko na animo'y gusto niyang magtago.

"Hey, it's okay. He won't hurt you." paniniguro ko.

Umiling-iling naman si Emmeline at mas lalo siyang nagsumiksik sa akin. Ang higpit ng pagkakayapos niya sa akin, parang ayaw niya akong umalis sa tabi niya. And she's fucking scared.

Damn it! Nanggigigil ako sa sobrang galit! Hindi sana mangyayari ito sa kaniya kung hindi lang siya ginawan ng masama. Dapat talaga ay masunog ang kaluluwa nina Luca at ang mga taong gumawa sa kaniya nito sa impyerno!

"Ahm, maybe I'll wait for you outside? She looks scared of me," suhestiyon ni Atticus.

"Yeah, she's traumatized. Because of the dreadful thing that happened to her and she's afraid of men, that's why she's like this." I explain.

Napatango naman siya, "Oh, that's terrible. I hope she will be okay and recover soon." he said and I feel that he is sincere.

He was looking at Emmeline, I could see in his eyes that he had pity for her. While Emmeline couldn't look at him, her face was on my shoulder and didn't want to look at him. She really was afraid to look at him. Dama ko ang panginginig ng kaniyang katawan.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Where stories live. Discover now