Napatikhim naman atsaka sila tinuktukan sa ulo.

"Sinong may sabing mag drama kayo dito?"- pag-iiba ko ng mood.

Umaray naman sila at napahimas sa ulo nila.

"Ano yun?"- tanong ni silas ng matigil ang kalesa sa gitna ng daan dahil may nakaparadang dalawang kalesa. Yung isa ay may hila-hilang kariton. Samantala may pitong kalalakihan na nakatambay sa labas na parang nagpapahinga.

"Ah, pasensya na at nasa gitna kami ng daan. "- nakangiting paumanhin nung isa na may suot pang balabal.

"Ayos lang yun ginoo. Kayo ba'y manlalakbay?"- tanong ng kutsero namin.

"Siyang tunay, ginoo. Kami'y mga negosyante na balak makipagkalakalan sa timog rehiyon."- napapakamot niyang saad.

"Naku, napaka layo naman kung ganun. Oh siya mauna na kami kung ganun."- masayang paalam ng kutsero namin.

Yumuko ang mga kalalakihan ng makita kaming dumaan. Ngunit bago pa kami tuluyang makalampas ay nahagip ng mata ko ang laman ng kariton.

"Hindi ba't mga nilalang yun?"- lingon sakin ni silas ng mapansin din niya ang nilalaman ng kariton.

"Hindi lang yun. Mga iba't-ibang uri yun na nilalang na hindi basta-basta nakikita."- seryosong dagdag pa ni caden.

"Laganap na ang mga ganiyang uri ng pakikipagkalakan."- komento ko at napabuntong hininga.

Sa pagkaka-alala ko, walang ganitong sitwasyon na nangyari sa paglalakbay ni silas patungong palasyo. Pero may nabanggit sa libro na may mga grupo ng tao na humuhuli ng mga pambihirang nilalang na hindi pa gaano nakikita o nakikilanlan. Binebenta nila ang mga ito sa malaking halaga para gawing alipin.

"Anong ibig mong sabihin?"- kabadong tanong ni silas.

"May nalalaman ka ba tungkol duon, mahinang nilalang?"- sunod naman ni caden.

Tsk. Sabi ng huwag niya akong tawagin ng ganun. Hayst.

"Ang mga kalalakihang nakita natin kanina, posibleng ang mga nilalang na nanduon ay ibinebenta nila sa malaking halaga."- imporma ko na kinagulat nila.

"Paano mo nasabi?"- tanong pa nila.

Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. Alangang sabihin kong nabasa ko yun at nasa libro lang kayo.

"Hindi ba halata? Ang mga nilalang na nasa loob ng kariton na yun ay kakaiba at hindi pa masyadong kilala. Ang mga tao ay mahilig sa mga misteryosong bagay. Bibilhin at bibilhin nila ang mga bagay na kumukuha ng kanilang atensyon. At sino ang mas higit na makikinabang? Malamang ang nagbebenta. Kapalit ng isang nilalang, malaking pera."- lintanya ko at pinagkiskis pa ang hintuturo ko at hinlalaki sa kanilang harapan.

Mas lalo silang nagulat sa narinig. Kita ko pa ang pagkuyon ng kanilang kamao.

"Kung ganon, marami ng nilalang ang nakakaranas nito? Akala ko mapanganib sila ngunit nagkamali ako. Mas masama pa pala ang mga tao. Mas sakim at mas masahol."- bulong ni silas at umigting ang panga sa inis.

"Ganiyan talaga ang buhay. Kakaiba mag-isip ang mga tao para lang mabuhay."- kibit-balikat kong wika.

"Kahit na. Wala ka na lang bang gagawin?"- deretso niya akong tinignan.

"Anong magagawa natin? Hindi tayo manananggol."- sarkastiko kong tugon.

"May kaya naman tayo. May sarili tayong mahika. Hahayaan na lang ba natin silang maibenta at mawala sa mga pamilya nila?"- tanggol naman ni caden.

"Pwede ba kayong dalawa ay manatili na lamang? Wala tayong oras para tulungan sila. Baka nakakalimutan niyo ang rason nang paglalakbay natin? Kapag tayo ay naantala ay baka managot tayo."- banta ko sa kanila at napahilot sa sentido.

Sakit talaga sa ulo ang dalawang to. Kailan ba ako pwedeng magbakasyon at maging masaya?

"Ngunit hindi natin pwedeng hayaan na lamang sila! Kung labag sa iyong kalooban na tulungan sila, manatili ka na lang dito. Dahil ako, palalayain ko sila."- desididong lintanya niya at nilabas ang espada.

"Sasama ako "- seryosong sunod naman nung isa.

"Teka. Teka!"- pigil ko sa dalawa ng akma nilang bubuksan ang pinto ng kalesa.

Malakas akong bumuntong hininga.

"Hindi kayo matutulungan niyang padalos-dalos niyong aksiyon."- asik ko at akma silang kokotongan ng umiwas sila.

"Tutulungan natin sila ngunit saisang kondisyon!"- pinandilatan ko sila ng mata ng magsasaya sila.

"Ayoko ng gulo kung kaya't hangga't maaari, itatakas natin sila ng tahimik at sa tamang oras. Naiintindihan ba?"

Tumango sila.

"Kung ganun. Magplano muna tayo atsaka tayo susugod mamayang gabi."- seryoso kong anunsyo.

|Nagkatinginan si silas at caden nang marinig ang pagpayag ni yael. Sa isip-isip nila ay mayron din palang kabutihang loob ito kahit na minsan ay may saltik ito|





~ vis-beyan28
MelancholyMe

How To Be The Villain (Complete)Onde histórias criam vida. Descubra agora