"S-si Charlotte ba ’yon? Bumalik na ba si Charlotte?" Sinalat ko ang noo ni Peach. Nilalagnat siya.



"Yes." Sagot ni Charlotte at lumapit. Nataranta ako pero humigpit ang hawak ni Peach sa kamay ko. "Ako nga, Peach. I'm back." Nagmulat si Peach.



"Binalikan mo ba si Flair?"



"Yes." Sagot niya dahilan upang mapaiwas ako ng tingin.



Aasa ako sa mga binibitawan mong salita, babae. Huwag gano’n.



"Tuloy na ulit lovestory niyo?" Lagnat ba talaga ito o lasing? "Third wheel na naman ako."  Napasinghap ako. Nagdedeleryo na ito si Peach.



"Itutuloy ko na, Peach." Napatingin ako. "Saksi ka." Huli na para makalayo ako dahil bigla na lamang niya akong hinalikan.



Hindi ako makapagisip ng matino dahil sa ginawa niya. Nang humiwalay siya ay agad ko siyang itinulak palayo sa akin, may narinig kasi akong mga yabag palapit sa amin. Nang makita ko ay si Venice lang pala. Nakakunot pa ang noo nito at palipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni Charlotte.



"Okay lang kayo?" Tumayo naman ako't tumango.



"A-ayos na si Peach. S-siguro mauuna na ako. Andito naman na ang kapatid niya." Nilapitan ako ni Venice at sinalat ang noo ko kaya lumayo ako sa kanya.



"Ayos ka lang? Ang pula kasi ng mukha mo." Umatras ako't agad na tumawa.



"Ayos lang ako. Mauna na ako." Bago ako nagmamadaling umalis sa kwarto ni Peach. Kinuha ko ’yong bag ko at lumabas na sa unit niya.






Limang araw na ang lumipas simula noong mangyari ’yong halik sa condo ni Peach. Ilang gabi rin akong hindi pinatulog noong halik na ’yon. Naiinis ako sa kanya, malapit ko na siyang makalimutan lalong lalo na ’yong nararamdaman ko para sa kanya pero ngayon nahihirapan na ako.



"Bumalik na raw si Charlotte." Nakita ko sa peripheral eye vision ko si Jazzfer, umupo siya sa tabi ko at hinawi ang buhok.



Nagmarketing din siya. Malay ko ba rito sa babaeng ’to, ang sabi niya magn-nurse siya pero nagulat na lang ako noong magsimula ang college. Kaklase ko siya, si Wil naman ay nursing kasama niya sina Felix at Marky. Si Hailey naman nasa architecture, actually architecture din sana ang kukunin ko kaya lang ayaw magpatakbo ni Ate Cata ng business ni Dad kaya ako na lang ang nagpresinta. Kahit papaano naman wala na ’yong sama ng loob ko sa kanya.




"Sabi sabi rin na Marketing ’yong—" Tiningnan ko siya. Alam niya rin ang nangyari. Wala siyang ginawa kundi ang damayan ako noong nasasaktan ako’t umiiyak. Mas tumibay din naman ang pagkakaibigan namin simula noong mag usap kami patungkol sa nararamdaman ko kay Charlotte.



"Nakita ko siya sa bahay ni Flair noong nakaraan." Natigilan siya.


"Okay ka lang?" Tumango naman ako.


"May dahilan ba para hindi ako maging okay?" Nagkibit balikat siya.



"Kahit hindi mo naman aminin may gusto ka pa rin sa kanya—"



"Hoy!" Pareho kaming napatingin sa pintuan, nakita ko sina Felix at Marky. "Kumain tayo sa Culinary café, dumaan na rin tayo kina Wil at Hailey." Lumapit sila sa gawi namin.


Hindi ako sumama sa kanila. Si Jazzfer lang  ang napilit kasi nagrereklamo si Franz na nag effort pa raw silang umakyat sa 3rd floor e hindi naman daw pala sasama ang kahit isa sa amin kaya ayon si Jazzfer ang sumama.



Hinilot ko ang aking noo dahil medyo kumirot. Hindi kasi ako nakatulog kagabi, bukod sa sumasagi sa isipan ko ’yong ginawa ni Charlotte nagreview din ako sa major subjects ko dahil malapit na rin ang midterm.



"Ms. Ross?" Muli ako napatingin sa pintuan, napatayo ako dahil ’yong guard na ’yon. Nilapitan ko siya’t napansin ko ang hawak niyang isang bouquet na bulaklak.



"A-ako po ’yon."


"Miss, may nagpapabigay po sa iyo nito." Natigilan naman ako, kumurap ng ilang ulit bago tinanggap ang bulaklak.



"Ayiee, Flair. Baka  si pogi 'yan." Nilingon ko si Ronnie—kaklase ko.



"Baka ’yong magandang chic mula sa Moncláveir University."



"Salamat po. Pasensya ka na po’t naabala pa po kayo. Kaya lang po kanino po ba ito galing?" Tanong ko sa kanya.



"Magandang babae. Baka tama nga itong kaklase mo na mula sa ibang school."



Nagpaalam na ’yong guard, napatingin ako sa bulaklak at agad na bumahing. I hate flowers talaga. Nagulat na lamang ako noong may umagaw noon sa akin, huli na para makapag react dahil nakita ko ang madilim na mukha ni Charlotte.



"Allergy ka sa flowers, hindi ba?" Itinikom ko na lang ’yong bibig ko. Nakita ko sa likuran niya si Shea na umiiling. "Hindi ka ba marunong tumanggi?"  Umatras naman ako.



Problema nito?



"Welcome back, Charlotte." Bati nang ilan sa mga kaklase ko.


"Dito ka na ba ulit papasok?" Dumami na ’yong mga estudyante na nakapalibot sa kanya kaya nagkaroon ako ng oras para makalabas sa department ko. Ginamit ko na rin ’yong elevator para mabilis akong makababa sa building namin.




"Flair?" Napalingon naman ako. "Sabi ko na nga ba. Natanggap mo ba ’yong flowers?" Nilapitan niya niya ako, pero bigla na lamang lumungkot ang kaniyang mukha. "Hindi mo ba nagustuhan kaya itinapon mo?"


Umiling ako, "Hindi ko itinapon." Ngumiti naman siya.



"Really? Ibig sabihin nagustuhan mo?" Marahan akong tumango. "Nasaan na?"



"Allergy kasi ako sa bulaklak, Moncláveir." Natigilan naman siya. "Actually hindi talaga ako tumatanggap ng flowers." Hinawakan niya ako’t para para bang ini-scan ang buong katawan ko. Bakas din sa kanyang mukha ang labis na pag aalala at hindi ko maiwasang hindi mailang dahil sa ginagawa niya.


"A-ayos ka lang ba? Hindi ko alam. Sorry ha." Tinitigan ko naman siya. Nagtataka lang ako kasi bakit sa dami ng tao sa mundo, ako ang nagustuhan ng isang Cynthia Alicia Moncláveir. Isang sikat at hindi makabasag pinggan na dyosa.



"Okay lang ako."





_________________________________

:)



She Owns My Lips || (Completed) ||Where stories live. Discover now