Wakas

68 6 0
                                    


NANLALABO pa ang paningin ko ng magising ako. Hindi ko gusto ang bigat ng pakiramdam ko. Nanghihina ako. Marahan akong lumingon para tignan kung sino ang nakayukyok sa tabi ko.

"Timo," sambit ko sa pangalan niya.

Nag-angat siya ng ulo at nagkusot ng mata. Ilang saglit ang kinailangang dumaan bago nag-sink in sa kaniya na gising na ako. Dali-dali siyang umayos ng upo at sinalubong ako ng, "kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Mabigat ang katawan ko," sagot ko.

Nang maalala ko ang nangyari kay mama, may pagmamadali ko siyang hinanap.

"Nasa mabuti na siyang kalagayan."

Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. Noong nakita kong sinaksak siya ni Allennon, akala iyon na ang huling beses na makikita ko siya. Mabuti na lang at hindi. Nawala na sa akin si papa. Kung pati si mama ay mawawala rin sa akin, tiyak akong hindi ko na iyon kakayanin.

Bigla kong naalala si Joy. Gusto kong magalit sa kaniya. Gusto ko siyang sisihin pero hindi ko magawa. Hindi ko kaya. Kung may isang nilalang man akong pinakakinasusuklaman ngayon, iyon ay walang iba kundi si Allennon.

"Nagkita kami ni Joy noong nakaraang linggo at may sulat siyang ibinigay para sa iyo." Inabot sa akin ni Timo ang puting sobre na agad ko namang tinanggap. "Humihingi siya ng patawad para sa lahat ng nagawa niya . . . lalo na sa iyo."

"Nasaan siya ngayon?"

"Ligtas siya pati na ang pamilya niya. Pero nagdesisyon silang lumayo at lumipat sa ibang lugar . . . Malayo rito."

"Paano kung—"

"Kung inaalala mo ang maaari pang magawa sa kanila ni Allennon, ipayapa mo na ang isip mo. Wala na siya . . . Wala na sila. Wala ng kahit sino pa ang makakapanakit sa inyo."

Sandaling kumunot ang noo ko. "Ano ang ibig mong sabihin?"

"Patay na si Allennon at ang mga kasama niya."

Hindi ko nagawang makapagsalita agad. "Si Lothaire ba ang gumawa?"

Umiling si Timo. "Hindi niya kayang gawin kaya kami ang gumawa."

Marami pa akong gustong itanong pero nagsimula na naman ang katawan ko na makaramdam ng pagod. Tatlong araw pagkatapos no'n, nagagawa ko ng lumabas ng hospital room ko para dalawin si mama na nakukuha na ring ngumiti. Binuksan niya ang usapan tungkol sa muling paglipat ng lugar na matitirahan pero hindi ako pumayag. Hindi ko na gustong umalis dito.

"Kung ako na naman ang inaalala mo, tapos na ito. Hindi na ito mauulit pa. Siguradong hindi na ito mangyayari ulit," sabi ko.

"Pero, anak . . ."

"Kung talagang may mangyayaring hindi maganda, kahit nasaang lugar tayo, kahit saan tayo lumipat ay mangyayari't mangyayari iyon."

Alam ko na may gusto pa siyang sabihin pero ako na ang pumutol ng usapan. Kailangan niya ng pahinga. Pagbalik ko sa hospital room na naging pansamantalang panuluyan ko, nandoon si Lothaire.

"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Gusto kitang makita," sagot niya. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

JanjiWhere stories live. Discover now