Grace:
Huyyy? Sa'n ka na? Mag-start na card showing.Zera:
Eto naaaaa. Otw. OwemjZera:
Beat ko na record ko of eight minutessssss.Muntik ko na makalimutan ang card showing! Grabe. Kung ano na nga lang ang sinuot kong damit kakamadali at kumaripas na ng takbo palabas.
"Minute to win it time." Dere-deretso lang ako sa pagtakbo sa sidewalk.
ANG LAPIT NA NGA LANG NG BAHAY KO, NA-LATE PA AKO???
Pagdating ko sa driveway ng school namin, sinubukan ko pang bilisan ang takbo ko dahil baka hindi ako makaabot sa attendance.
AAAAAAH! NAKITA KO NA ADVISER NAMIN PUMARADA!
Tumawid ako nang makitang walang sasakyan at tuloy-tuloy ang takbo papunta sa room. Pagkadating ko, hinihingal akong bumati sa kanila.
"Good morning!"
"Habulin mo muna hininga mo, girl. Anyway, may improvement! Seven minutes lang nandito ka na!"
Dahil hindi pa nagsisimula ang card showing, may 30 minute break muna kami. Nagdaldalan kami ni Grace sa canteen at kung anu-ano ang pinag-usapan.
"Kinakabahan ako. Baka mag-75 ako sa em tech, huhu."
"Hindi 'yan, girl. Ano ka ba."
"Nag-rem classes ako last quarter. Kinakabahan talaga ako, owemji." Inayos ko ang pagkakahawak ko sa hot choco mula sa vendo. "Nagmadali pa akong pumasok, magkaka-30 minute break din pala."
"At least nakapag-attendance ka na, 'no."
May nahulog mula sa bulsa ko pagkatapos ko ilagay ang sukli.
"Please open after exams! Goodluck!" Basa niya sa napulot.
"Oh, sa'yo 'to. May pa lucky charm ka yata?"
"Huy, 'di sakin galing 'yan. Nakalagay na 'yan sa table sa library. Muntik ko na makalimutan 'to, so super thanks."
Dahan-dahan kong sinilip ang envelope na iniwan para sa'kin sa library last last week.
"Grace! Owemji! Excuse me, ha. I need to confirm something!"
My heart started to beat faster at the sight of the picture. I pulled out the polaroid shot completely at nakita kong natutulog ako...
Katapat si Keon na natutulog din!
I fell asleep right after he left! Bumalik pala siya?
"Keon!" Today, I decided to confront him kung gusto ba niya ako dahil hindi ko na kayang itago ang katotohanang hindi ko naman talaga siya kinalimutan.
Crush ko pa rin siya.
"Hi! Good morning! Nandiyan ba si Keon?"
"Nandito. Ayun oh." Sabay turo sa fourth row. Napapasama din kaya siya sa 'boys at the back' na linya ng nga teacher?
Focus, Zera! Focus! Makikituloy po, E1!
"Keon! I have something to ask. Dali!" Hinigit ko ang kamay niya pero nanlaban siya.
"Ano ba? Anong kailangan mo?" Tanong niya at salubong ang kilay habang kinakausap ako.
Sungit!
"Ikaw. Sino pa ba? Bilis!" Inirapan niya ako at tumayo. Kinaladkad ko lang naman siya papunta sa gym. Alam kong walang tao dito dahil sarado siya para sa event mamayang hapon.
YOU ARE READING
Unpremeditated
Teen FictionZera shook the whole campus by confessing to Keon, their school's topnotcher and heartthrob in the school lobby. Despite being rejected by her big time crush, she knows that senior high school should be taken seriously. Exams, shenanigans, a "puppy...