5: Good to See You?

29 4 13
                                    

Sino ba 'tong tawag nang tawag sa'kin!? Six thirty palang, oh! Unregistered number pa siya!

Sabado pa ngayon!

"Hello? Bakit ka ba nang-iistorbo ng tulog? Kilala ba kita?" Bad trip na sagot ko sa cellphone. Ang ganda-ganda ng panaginip ko tawag-tawag ka pa.

[Good morning din, Zera.]

Tumayo lahat ng balahibo ko sa braso pagkatapos marinig ang isang malalim na boses na bumati sa'kin ng magandang umaga. Nanlaki ang mga mata ako na napabangon sa kama.

"Keon!?" Tumayo ako at dali-daling nagtungo sa banyo para maghilamos habang nakaipit sa pisngi at balikat ang cellphone.

[Hindi ka nag-reply sa chat ko kagabi. Tungkol 'yon sa trainin schedule natin this week.]

Ay, nagmo-move on na kasi ako, eh. Sorry naman.

"Gano'n ba? Inactive kasi ako kahapon." Hinagilap ko ang mute button para makapaghugas ng mukha at hindi niya marinig ang rumaragasang tubig.

[We're supposed to go there before seven. Nando'n na kasi ang coach natin pati sina ma'am Sabando.]

Pwede bang umiyak muna ako?

Nakakarinig ako ng mga nagjo-jogging sa kabilang linya.

"Kanina ka pa ba nandiyan?"

[Oo. Anong oras ka makakarating dito?]

"I'll be there in twenty minutes." Pinatay ko ang tawag. Kung aalis agad ako, hindi ako makakakain. Kumuha ako ng enerjen at itinimpla sa tasa ko.

"Bakit naman kasi ganito kaaga, eh!" Naligo na ako at hinayaang lumamig ang inumin. Si mama, nakaalis na ng bahay, tapos tulog pa si papa at mga kapatid ko.

Binilisan ko ang pagligo saka nag-hunting ng suklay. Kinuha ko ang raketa ko na nasa bag, binuksan 'yon para doon ilagay ang wallet, pamunas, pamalit, at tubigan.

Dere-deretso kong ininom ang enerjen na maligamgam pa at umupo lang sa loob ng limang minuto para hindi mabigla ang tiyan ko sa paggalaw.

"Alis na 'ko." Paalam ko sa mga tao sa bahay bago isinara ang pinto. Maingat kong binuksan ang gate at ang pagkakasara nito.

Wala na namang "ingat". Nakaka-miss din pala ingay nila kapag nakakatikim ako ng katahimikan.

"Hello? Yes, kakalabas ko lang ng bahay namin. Diyan na lang tayo magkita sa court. What?!"

[I'm already here.]

Nasiraan ba 'to ng bait!?

"Ano namang ginagawa mo diyan?" Natatarantang tanong ko habang madaling-madali na sa palalakad.

[Pinapasundo ka sa akin ni ma'am. Wala naman ako rito kung maaga kang nagising.]

"Ah, so kasalanan ko na? 'Wag mo nga akong kausapin." Pinatayan ko siya ng tawag at sinuri muna ang unahan ng compound namin.

"Lakas ng trip mo." Nakahinga ako ng maluwag dahil wala namang senyales na narito nga si Keon. Itinali ko ang buhok ko sa isang bun bago nagsuot ng earphones.

Next time na mangloloko ka, do'n naman sana sa magagalit ako ng todo.

"What took you so long?"

"Gagi, nagulat ako." Nahampas ko siya sa braso pagkalapit ko.

He looked so great while standing straight with a duffel bag on the side and a racket on his back. Even the sun kissed him as a compliment.

Hindi ko na alam ang sasabihin ko kasi we were not in good terms yesterday. Ayoko rin naman siyang kausapin habang inis siya sa chismis na kami ang laman.

UnpremeditatedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ