6: Beyond School Hours

26 3 5
                                    

"Ms. Millarte, I'm sorry but you'll have to take remedial classes for my subject. See me later after school." He handed me a confidential letter to give it to my class adviser and my card.

"I understand, sir. Thank you po."

Is it normal to repeat classes? Am I not good enough? Bakit ako?

I was called by my empowerment technologies instructor privately during break time. As I suspected, bad news nga. My grade was too low that they left it blank in my card.

"It's not my lucky day. Pero okay lang 'yan, Zera." Pumunta ako sa likuran ng school pagkatapos umalis sa programming faculty at tinanaw ang tracking field. Do'n na bumuhos ang luha ko.

"Bakit ba lagi akong bagsak?" I know how much determination and dedication I have exerted, but even so, nothing's enough. Nothing works out for me.

Ang sakit. Ang sakit-sakit.

"Hindi ko na naman ito ipapakita kay mama at papa." Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral. Pa'no na 'ko sa college?

Hindi ako gano'n katalino para sa state colleges. Hindi rin ako gano'n kayaman para sa private universities.

Nag-emote na lang ako dito. Buti na lang I had a chance to escape from academic shenanigans, at 'yon ang badminton. I'll have to be pulled out by the team, kasi bawal ang may line of seven sa athletes. Sasabihin ko na lang kay ma'am Sabando.

Kaya pala sobrang saya ko sa nakalipas na limang araw, magiging ganito pala buhay ko.

Dinaanan ko muna ang adviser ko na si Sir Kent para ibigay ang letter bago nagtungo sa physical education faculty. Binati ko si ma'am at nagkumustahan kami.

Just do it, Zera.

"Ma'am, I failed a class. Alam ko na pong matatanggal ako sa team." Deretsong sabi ko sa kaniya. Nanatili siyang tahimik pagkatapos kong sabihin 'yon. Siguro she expected so much from me. Unfortunately, I fell short.

"Balik na po ako sa klase, thank you po."

Parang nanghihina ang mga paa ko at nanlalabo ang paningin ko kaya dali-dali akong umakyat papunta sa cr.

I'm trembling. This is emotional distress.

"Zera, 'wag kang iiyak. May klase ka pa." Ani ko sa sarili sa harap ng salamin.

Bumalik ako sa room while feeling lightheaded. I was out of it for the rest of the day.

"Zera! Tara sabay." Aya sa'kin ni Grace habang excited na palabas ng room.

"May gagawin pa ako eh, una ka na." Nagpaalam naman kami sa isa't-isa. Naiwan ako sa room kasama si pres.

"'Di ka pa uuwi?"

"May secret mission ako." Tumawa siya sa sinabi ko.

"Saan ka ba pupunta? Samahan na kita." Nagsalansan siya ng mga basahan sa lamesa sa unahan habang tinatanong ako.

"Sa faculty lang." Buhat namin ang bag at sabay na umalis ng room upang tunguhin ang prog. faculty.

"Ayos na 'ko rito, pres. Thank you!"

"Sure. Ingat!" Kinawayan ko siya bago umalis at pumasok sa loob. May anim na estudyante akong kasabay mag-remedial.

Binati namin si sir pagkapasok. May dala siyang mga test papers na ire-retake namin.

"Good afternoon, students. These are the three part remedial examination for you." Binigyan niya kaming lahat.

"Ang coverage nito ay modules one to five. Now, let's have a recap of what you have learned in week one." Pinaupo niya kami sa may likuran dahil bakante na ang upuan ng teachers at may whiteboard din do'n.

UnpremeditatedWhere stories live. Discover now