4: Emote

29 4 35
                                    

Oo na, hindi na ako gano'n katalino.

I thought I was doing fine. Ganado naman ako mag-aral. Was my determination not enough? I wanted to do something I'll be proud of. Tapos na ang three-day exam namin at nalulungkot ako sa result.

Tiningnan ko ang likod ng notebook kung saan ko isinulat ang scores ko pati na ang subjects.

________________________________
3rd Quarter Exam Scores

21/50 - Empowerment Technologies
45/75 - Computer Programming
37/50 - Basic Calculus
42/50 - Pagbasa
47/50 - 21st Century Literature
30/50 - General Chemistry
48/50 - DRRR
50/50 - P.E.
31/50 - Statistics
40/50 - Reading and Writing.
________________________________

Hindi na naman ako pasok sa class achievers this quarter. Well, I am satisfied that I studied para sa exam at masaya rin naman ako na kahit papaano lampas kalahati silang lahat bukod sa EmTech. Siya yata talaga ang magtatagilid sa grade 11 ko.

Bakit ba kasi ako nag-STEM?

Babagsak lang din naman pala ako sa majors ko. Habang nakatingin lang ako sa room, ang ilan ay masaya dahil matataas ang nakuhang marka, may mga natahimik din na parang ako, at ang ilan ay walang reaksiyon.

"Zera! Ilan ka sa com prog?" Nakangiting tanong ni Grace ng makalapit sa'kin.

"Isa. Ikaw?" Inirapan niya ako at ipinakita ang test paper niya.

70/75.

"Congrats!" Bati ko sa kaniya habang nakayakap. "Salamat!" Halos mangiyak-ngiyak siya sa tuwa.

Ang test A namin ay nasa papel dahil enumeration at ang tests B & C ay sinasagutan namin sa com lab gamit ang Eclipse. Inilalagay na lang ni sir ang kabuuang score sa test A namin kapag ibabalik na.

"Anong score mo sa P.E.?" Sunod niyang tanong.

"Singkwenta." Tumili siya para sa'kin. "Congrats, girl! Tara canteen." Hindi naman siya nagtatanong, nagyaya siya. Tumawa ako at tumayo.

Thank you, Grace.

"Wala kang chika?" Siniko niya ako sa tagiliran at tinaas-baba ang kilay.

"Bakit? Wala naman." Sagot ko at humakbang pababa ng hagdan. She clucked her tongue three times parang nagtatawag ng butiki kaya natawa ako.

"Eh, ano 'to? Tungkol yata sa inyo ni ano na naman." Inabot niya sa akin ang isang papel na may logo ng editorial club ng school.

Lover's Quarrel Overheard by Science Faculty Members

"Krizty Fermin!!!" Inis na sigaw ko at humiwalay kay Grace para pumunta sa lobby.

As seen in the picture, Mr. Keon Lasistona is crossing his arms in the middle of exchanging explanations with a girl by the science faculty last monday. Chemistry and Earth Science instructors Mr. Ramos and Ms. Pamintuan have overheard just almost the end of the conversation.

Himala, wala sila rito. Pero may A3 sized poster na naman at kami na naman ang headline. Kahit saan yata may tainga ang editorial club!

It's the second time I made it through our bulletin board.

Krizty, sobra ka na. Maituturing bang lover's quarrel 'yon, ha? Grabe. Bagsak-bagsak na nga grades ko sa exam, gaganituhin mo pa ako? Nakatayo lang ako sa may board.

Siguro nga hindi ko pagdaraanan ang mga 'to kung hindi ako umamin na gusto ko si Keon.

"Mababaliw na yata ako. Pwede pa naman ako mag-transfer sa ibang school." Umiling-iling ako upang magising.

UnpremeditatedWhere stories live. Discover now