BOOK 4 > Ch. 8 ~ HAPPY ENDING ~

Start from the beginning
                                    




Huminto ang orbit na ginagalawan ng mundo niya, habang parang slow motion itong naglalakad sa direksiyon niya na may malaking ngiti sa kanyang magandang mukha.




The rest is history.




Sa mga panahon na nakipag-hiwalay sa kanya si Taygan, si Elizabeth ang taong nagturo sa kanya na ang buhay ay hindi kumplikado at ang lahat ay pwedeng tawanan. Pagkasama niya si Elizabeth, parang andaling mabuhay sa mundo. Lahat ay simple lamang. Pag nasunog ang sinaing, gawing sinangag. 'Pag palpak ang nailutong ulam, lagyan ng asukal o asin. Pag inaantok, matulog. At halos na yata ng bagay sa mundo ay napag-usapan na nila ay hindi parin sila nauubusan ng topic na pag-uusapan nilang muli. The compatibility in bed was just a bonus. They can have sex the entire day, they won't get tired of it.


Unlike Taygan, andame nitong limitations. Na nirerespeto niya sapagkat hindi iyon ang naging basehan ng feelings niya dito. But maybe, maybe what they lacked most of all was the ever lasting friendship. Oo nga at matagal na nilang napatunayan na nagmamahalan sila at kaya nilang tagalan ang madameng unos ng isang relasyon. Pero siguro 'yun ang wala sa formula nila ni Taygan. They were only lovers. But far from being real friends. Yung tipo bang sa kalagitnaan ng gabi ay nakakapag-usap sila ng malaya na hindi involve ang relasyon nila. Na kapag nagyaya siyang maligo sa ilalim ng ulan ay maeenjoy nila.


At siguro yun na rin ang naging rason kung bakit nagkapatong-patong ang kasalanan nila sa isa't-isa ay hindi man lang nila iyon napapag-usapan. Hindi naaayos. Mga pinagsama-samang sama ng loob na hindi nila nagagamot.


Magkaka-lahating araw ng nagte-training sa private gym ng mansion niya si Lebanon. He was punching ang kicking the punching bag like a mad man. Nakasuot lang ito ng boxing shorts, habang kumikintab ang pawis niya mula ulo hangaang paa. He was literally killing himself if this would mean that he can get sensible answers from what he was doing. Tumitigil lang siya para uminom ng tubig sa thumbler, pero parang siyang manhid na muling babalik sa kakasuntok at sipa sa punching bag.


Lahat ng galit niya sa sarili, confusions at kung frustrations ay ibinuhos niya dito. His muscles were flexing dangerously. Alam niyang mamaya -maya lang ay mararamdaman niya ang pamamaga ng katawan. Pero mas nanaisin pa niyang makaramdam ng physical pain, kesa sa ang makitang nakakasakit na siya ng damdamin. Lalo pa kung ang pag-uusapan ay ang babaeng nagmarka na sa bawat sulok ng pagkatao niya.




Elizabeth.




His own version of Queen Elizabeth.




Humihingal niyang niyakap ang aparato. Ipinikit niya ang mga mata at muli ay dinala siya sa kahapong pangyayari sa loob ng kanyang Hummer.


Kahapon, halos makalimot siya na kasama nila ni Elizabeth sa iisang sasakyan si Taygan. Hindi niya mapaniwalaan ang sariling di mapigilan ang makipag-usap kay Elizabeth as if hindi nag-eexist si Taygan. At di rin niya maiwasang makaramdam ng pagkairita kay Elizabeth. Wala pa man si Zepellin, kung sino man ito, ipinararamdam na nito sa kanya ang kakayanan nitong maging masaya sa piling ng ibang relasyon.

" Love Untitled " ~ Secrets And Scandals ~ BOOK FOUR #Wattys2016Where stories live. Discover now