Ssh 8: Madness

12 1 0
                                    


******

Detective Roush's Point of view :

There is a yellow line covering  the crime scene. Detective Spencer was still in shock of what he saw while Esmeray is staring blankly at the black garbage bag where they've found the head of Detective Mison.

Kasalukuyang maraming tao sa paligid. Flashes of camera are everywhere. Maingay ang paligid dahil sa mga nagsidatingang mga reporter. Maraming nakiki-usyoso.

Hindi ko maigalaw ang aking paa. Hindi ko magawa ang aking trabaho. Pagkatapos kong malaman ang nangyari, kaagad akong natungo rito ngunit... tila nawalan akong nang buhay dahil sa nasaksihan ko.

Detective Mison was dead. His head was cut off and his body is still nowhere to be found.

Detective Mison was not just a colleague. He is also a mentor, a guardian, a Father, and a friend. Bakit kailangang mangyari sa kaniya ito?

Mas lalong kumuyom ang kamao ko. Pinigilan ko ang umiyak dahil alam kong iyun ang gusto ng pesteng psycho na yun! I know that that psycho was here, looking at us while we are in misery.

Inilibot ko ang paningin ko sa palingid, kinikilatis ang bawat isa. Sino nga ba sa mga taong narito ang tila kahina-hinala?

"Ano po ang tunay na nangyari?"

"Maari pang magbigay kayo ng statement sa amin?"

"Detective! Alam niyo na ba kung sino ang may gawa nito?!"

"Bakit daw po siya pinatay?"

"Totoo bang sangkot siya sa pagkamatay ng isang babae kamailan?!"

Napahinto ako sa pag-iisip sa tanong na aking narinig. Suddenly, my blood boiled at that question. I went to that reporter atsaka siya kinuwelyuhan.

"What the hell are you doing?!" Sigaw ng lalaking reporter na nasa harapan ko.

"Detective Mison is a righteous man! Hindi niya magagawang pumatay!" sigaw ko sa kaniya pabalik.

Lahat nang naroon ay sa amin na ngayon nakatuon. Pati ang kanilang mga camera ay nasa amin na, kaya dahan-dahan kong niluwagan ang pagkakakuwelyo ko sa lalaking reporter na ito habang may masamang tingin.

Masama rin ang tingin nito at inayos ang suot nitong nagusot dahil sa ginawa ko.

"Detective, you don't know the nature of every human being. And I was only asking you know? Bakit affected ka masyado? Baka naman kasi totoo talagang sangkot ang Detective na iyan sa stage suicide ng isang babae kamakailan." Nakangising anito.

Kumuyom ang kamao ko lalo.

Humakbang siya papalapit sa akin atsaka inilapit ang bibig sa tainga ko upang bumulong.

" Why don't you ask yourself, Detective? Nasaan kaya ako kagabi? "

Tinapik tapik nito ang balikat ko bago dahan-dahang lumayo sa akin habang nakangisi. Ngunit bago pa man ito makalayo sa kinaroroonan ko, may isang kamao ang dumapo sa pagmumukha nito, brushing off the smirk he has before.

" What the hell?! "bulalas nito pagkatapos masuntok.

" Oh! My bad. You shouldn't have brought your ass here, Reporter Van. "Esmeray said after punching the reporter.

" Esmeray." Nang gagalaiting sambit ng reporter sa pangalan ni Esmeray habang hawak parin ang panga.

Nakangisi lamang si Esmeray habang nakapamulsa sa suot nitong hoodie jacket. Nandiyan na naman yung itim niyang pusa na umaaligid sa kaniyang paa.

Psychopath in TownWhere stories live. Discover now