Ssh 6 : The Psycho's Failed Attempt

10 1 0
                                    


******

Pagkauwi ko nang apartment ko, isang memorya ka-agad ang dumaloy sa isipan ko. Ang memoryang pilit ko 'mang limutin, ay hindi ko pa rin makalimutan.

Dumiretso ako sa kwarto atsaka kumuha ng mga damit ko dahil paniguradong ilang araw na naman ako sa opisina nito. Hindi ko na lang basta basta nilalang-lang ang bwisit na psycho na yun. If I want to catch that psycho, I need to win his/her game.

Punyeta! Pati kasarian hindi ko manlang alam!

Pabagsak kong ibinaba ang bag na may lamang mga damit ko dahil sa inis. Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina. Binuksan ko ang refrigerator atsaka kinuha ang isang mineral bottled water at nilagok iyun nang pang isahan. Matapos kong inumin ang tubig, nilukot ko ang bottled water at naiinis na itinapon iyun sa basurahan.

Damn it!

Babalik na sana ako sa loob ng kwarto para kunin ang mga damit ko nang may marinig akong mahinang paghingi ng tulong mula sa kabilang unit. Mahina lamang iyun at kung maingay sa unit ko, tiyak na hindi ko iyun maririnig.

Dahan-dahan akong lumapit sa ding - ding at idinikit ko ang tainga ko para mas marinig ko pa lalo.

"T-tulong... T-tulungan niyo ako... P-parang awa niyo na... P-please..."

"Who will help you, my dear? A ghost?"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Hindi ako pwedeng magkamali, siya ang psycho!

Dali-dali akong lumabas ng unit ko at nagtungo sa kabilang unit.

Paano ko nalaman na siya ang psycho? Ang voice changer na ginagamit niya ay kapareho nang sa psycho! May unique sound na nang gagaling sa voice changer ng psycho at kaparehas noon yung narinig ko!

Pinindot ko nang pinindot ang door bell nang makarating ako sa harap ng unit na 'yun.

"Bwisit kang psycho ka! Alam kong ikaw ' yan!" sigaw ko.

Sinipa sipa ko ang pintuan na nag babakasakaling mabubuksan ko ang pintuan kapag sinipa ko iyun.

"T-TULONG! TULUNGAN MO AKO!"

Paulit-ulit ako sa pag sipa ng pintuan but seconds pass, hindi pa rin iyun mabuksan.

"Damn it!" inis na sigaw ko.

What should I do? If I waste even more time here, baka hindi ko na madatnan na buhay ang tao sa loob. Knowing that psycho, he/she is capable of doing anything!

I use my all force  para mabuksan ang pinto. Sinipa ko pa nang isang beses ang pinto hanggang sa mabuksan na iyun ng tuluyan.

"You psycho, you're dead!"

Pagkapasok ko sa loob, nakita ko ang psycho na nasa veranda, hawak ang isang kutsilyo. Nakangisi ito habang pinaglalaruan ang kutsilyo sa kamay niya. Napatingin ako sa babaeng nasa harapan niya na wala nang malay. Hahakbang pa sana ako palapit sa kanila ngunit kaagad niyang itinutok ang hawak niyang kutsilyo sa leeg nang babae.

"Na-uh, Detective. If I were you, hindi ako hahakbang ni isa man lang kung ayaw mong hindi na sikatan nang araw ang babaeng ito." Sabi nito.

Bwisit na voice changer! I couldn't even tell if the psycho is a man or a woman!

"Play your game in fair, you freaking psycho." Mariin na sabi ko.

Pinagmasdan ko ang kabuuan niya. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil madilim sa loob ng apartment at nakasuot pa siya ng itim na hoodie jacket na natatakpan ang kalahating mukha nito.

Psychopath in TownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon