01

1 0 0
                                    

"Tito Kayel, gusto ko makapunta dyan! San po yan?" Anang tatlong taong gulang na pamangkin ko habang nakatitig sa telebisyon.

Kasalukuyang nanonood ako ng anime nang dumating sila ni Ate Corrine at iwan sya sa akin. Ako muna daw ang mag- alaga dahil may date silang mag- asawa. Kung di lang talaga sya ang nagpapa aral sakin, nunca na alagaan ko tong makulit nyang anak. Joke. Baka sa kangkungan ako pulutin kapag nalaman nya ang mga pinag- iisip kong katrayduran.

"Japan."

Nilingon nya ako na may kumikislap na mga mata habang magkadaop ang mga palad.

"Wow, Dapan! Gusto ko po dan kase may flowers na pink!" Tukoy nya sa cherry blossom tree na lumabas kanina.

Bumuntong hininga ako at tumango na lang. Mahaba habang kulitan pa ang pagdadaanan ko sa batang to. Sa totoo lang, ayoko sa mga bata. Makulit sila at matanong. Lahat nang makita ay kinukutingting. Nakakapagod pa kase parang di sila nauubusan ng energy. Isang oras na ata kaming nanonood at mahigit sampo na ang naitanong nya .

"Raia, wag dyan!" Natatarantang saway ko sa kanya.

Kanina lamang ay nasa sofa sya, nalingat lang ako ay nasa hagdan na sya paakyat ng ikalawang palapag ng bahay. Masyadong makipot at malaki ang distansya ng hagdan para sa kanya at tiyak na lulusot ang paa nya sa mga pagitan.

Agad akong lumapit at binuhat sya. Kumunot ang noo ko nang humagikhik sya habang nakatingin at nakatingala sa'kin, tuwang tuwa siguro dahil naasar nya ko sa kapasawayan nya. Sumingkit pa lalo ang chinita nyang mga mata at lumabas ang magkabilang biloy.

"Hay, ang likot mo naman eh!" Iritadong saad ko na nagpanguso sa kanya.

Nakatitig pa rin sya sa'kin kaya naman nakita ko na naman ang kulay abo nyang mga mata.

Congrats. See you.

Nak ng-

Napapikit ako sa inis nang maalala ang mga salitang iyon. Klarong klaro pa sa pandinig ko.

"Tito Kayel?"

Nagmulat akong muli at nagbuga ng hangin. Buhat sya ay naglakad ako patungo sa sofa at inilapag sya roon.

"Dyan ka muna. Wag kang aalis dyan, ha? Kukuha lang ako ng pera tapos bibili tayo ng ice cream. Okay?" Mahinahong bilin ko sa kanya.

Agad nagningning ang mga mata nya at tumango tango. Umayos ako ng tayo at tinalikuran sya. Bago umakyat ng hagdanan ay nilingon ko syang muli. Nakasunod naman ang tingin nya sa' kin.

"Uulitin ko, dyan ka lang. Kapag umalis ka dyan sa pwesto mo, hindi kita bibilhan."

Umayos sya ng upo, magkadaop ang mga palad na tila ba isang masunuring estudyante, saka magkakasunod na tumango kaya naman nagtuloy na ko sa pag- akyat. Pagbalik ko ay mga mata nya ang sumalubong sa'kin, mukang inaabangan ang pagbaba ko. Natawa tuloy ako dahil ang posisyon nya nung iniwan ko sya ay ganun pa rin pagbalik ko. Mukang sinunod nya talaga ko. Panigurado dahil iyon sa ice cream na paborito nya.

Hawak ko sya sa kanang kamay nang lumabas kami ng bahay at maglakad patungong convenience store sa kanto. Malapit lang naman iyon kaya hindi nakakatamad maglakad. Pagpasok sa loob ay agad syang bumitaw sa'kin at tumakbo sa counter tulad nang nakasanayan nya. Bumili ako ng dalwang ice cream in cone at napagdesisyunan na sa loob na lamang namin kakainin. Hassle kapag natunaw, magkakalat si Raia.

Tahimik si Raia habang nakaupo. Minsan ay titingin sya sa'kin pagkatapos ay ngingiti kaya napapangiti din tuloy ako. Ang cute nya kase lalo na kapag nababahiran ng tsokolate ang gilid ng labi nya o pisngi. Buti na lang humingi ako ng tissue sa babaeng nasa counter kanina para pamunas sa kanya.

Tulalang pinanood ko ang mga batang naghahabulan sa playground. Sa harap kase ng convenience store ay ang pampublikong palaruan. Don ko nga dadalhin si Raia mamaya.

"To Kayel..." Maliit ang boses na tawag ni Raia.

Inalis ko ang tingin sa mga batang nasa parke at inilipat sa pamangkin ko. Hindi sya nakatingin sa akin kundi sa gilid ko sa kanang bahagi.

"Bakit?"

"Danda ate oh!" Biglang sabi nya sabay turo sa tinitingnan kaya nilingon ko iyon.

Halos mapanganga ako sa gulat nang makita ang tinutukoy nya. Mula sa malinis na pagkakaponytail ng mahaba at itim na itim na buhok ay bumaba ang mga mata ko sa kulay abong mga mata na katulad ng kay Raia. Isang tipid na ngiti ang nakapaskil sa walang bahid na kolorete nyang mukha kahit pa mukhang nagsusungit dahil sa natural na nakataas at makapal nyang kilay.

"Ang ganda nga..." napapasinghap na bulong ko.

"Gandang paasa." Dugtong ko nang makahuma sa pagkakagulat. Nag iwas ako ng tingin at nasalubong ang mga mata ng pamangkin kong nakatitig pa din sa babaeng tinuro nya.

"Parehas kami ng color ng eyes, Tito Kayel!" Namamanghang saad nya. Napatango na lang ako at tipid na ngumiti.

Nagpatuloy ako sa pagkain ng sariling ice cream at pagtuon ng atensyon sa palaruang nasa harap. Ilang sandali ang lumipas nang makaramdam ako ng presensya sa tabi kaya nilingon ko iyon.

"Montecillo," Aniya.

Natigilan ako ng ilang sandali dahil sa nakakadistract nyang boses. Buo iyon at may conviction. Para syang isang terror na guro na tinawag ang kanyang estudyante para sa attendance. At ewan ko ba kung bakit tila nahipnotismo ako ng mga limang segundo dahil lang tinawag nya ang apelido ko.

Heto na naman tayo, Kahel. Nababaliw ka na naman.

Ipinilig ko ang ulo bago sya tiningala dahil nakaupo ako at nakatayo sya sa tabi ko.

"Kapatid mo?" May bahagyang ngiti na tanong nya. Sinulyapan nya saglit si Raia na makalat nang kinakain ang apa ng ice cream nya kaya nataranta ako at pinunasan sya. Pagkatapos malinisan si Raia ay tinugon ko ang tanong ni Calithea.

"Hindi, pamangkin ko."

Napatango sya bago maliit na kumaway kay Raia. Kumaway din pabalik ang pamangkin ko.

Sa ngayon ay gusto kong palakpakan ang sarili dahil hindi ako nautal sa pagsagot sa kanya. Mukang magaling na ko. Joke, wala kong sakit.

Tumayo na ko mula sa pagkakaupo at binuhat si Raia.

"Gusto mo magplay?" Tanong ko kay Raia na agad sunod sunod na tumango habang nakangiti. "Sige, tara sa playground."

Pumalakpak sa tuwa si Raia kaya naman natawa ako ng mahina. Binalingan ko si Calithea at muli, gusto ko na namang palakpakan ang sarili dahil kinaya kong tumingin sa kanyang mga mata ng diretso. Mukang nagiimprove na talaga ko.

"Mauuna na kami. Dadalhin ko sya dyan sa tapat sa may palaruan."

"Hm, sige lang. Bye, Raia." Kumaway syang muli kay Raia saka ako tinanguan. Pagkatapos niyon ay tinalikuran nya na kami at naglakad patungong counter. Doon ko lang napansin ang suot nyang kulay pulang poloshirt. Ganon ang uniporme ng mga staff sa convenience store kung san kami naroroon.

Buhat si Raia ay lumabas na kami ng store. Habang tumatawid ay dinama ko ang dibdib. Malakas ang kabog na tila katatapos ko lang tumakbo sa marathon.

Sa pangatlong beses ay nais ko na ulit palakpakan ang sarili dahil sa tingin ko'y naging normal akong tao sa harap ni Calithea. Kinausap sya ng di nauutal at nakakatingin sa kanyang mga mata na hindi ko nagagawa noong junior high kami. Ni ang tumingin nga sa kanyang mukha ay hindi ko kayang tagalan. Kabado na agad ako presensya nya pa lang. Kahit malayo ay naguunahan na ang kabog sa'king dibdib.

Nice one, Kahel. Kahit baliw ka sa kanya ay isa ka ng normal na tao. Yun nga lamang ay nakakulong ka pa din at tila madadagdagan pa ang sentensiya. Mukang panglifetime sentence ata to.

*****
Sunod sunod na publish to mga teh. HAHAHAHA

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Taste of FreedomWhere stories live. Discover now