______________________________________


"Bakit ka bumalik?"- tanong ko ng wala pang tatlong minuto ay bumalik siya.

Napaupo ako sa pagkakahiga sa lupa ng makalapit.

"Ang bilis mo naman ata—"

"Señior, walang may gusto."- hinihingal niyang imporma at napaupo sa harapan ko dahil sa pagod.

"Anong walang may gusto? Ayaw nilang magtrabaho?"- tanong ko habang nakatingin sa kaniya.

Umiling siya at naghabol ng hininga.

"Ayaw nila ng malaman nilang ikaw ang nangangailangan ng trabahador, señior."- dagdag niya na kinasimangot ko.

"Sinabi mo bang babayaran ko sila?"

"Oo señior yael ngunit ng malaman nilang ikaw ang magpapatrabaho ay agad silang umalis."- nanlulumong saad niya habang nakayuko sa harapan ko.

"Ganun na lamang ba ang takot nila sakin?"- tanong ko at nagpamewang.

Napahawak ako saking baba at nag isip ng maaaring gawin. Tinignan ako ni hernan ng ilang minuto at nang ibalik ko ang paningin sa kaniya ay agaran itong yumuko.

"Kung ganun ako mismo ang pupunta sa sentral "- nakangisi kong wika at inabot ang sumbrero kong nasa tabi ko lamang.

"Tara hernan. Sisiguraduhin kong marami ang magtratrabaho sa akin."

Bagama't nagtataka ay sumunod na lamang sa akin si hernan.

"Hindi ba't si señior yael yan? Ang anak ng alkalde?"- dinig kong bulungan ng mga tao ng makita nila akong naglalakad sa gitna ng bilihan.

Tumigil ako sa gitna ng masigurong maraming tao ang nakatingin sa akin. Sinenyasan ko si hernan na mabilis naman niyang naintindihan.

Mabilis siyang kumuha ng upuan sa mga pwestong nagtitinda atsaka nilagay sa harapan ko.

"Anong nangyayari?"

"Anong ginagawa ng manunugal na anak ni Don Dominic dito?"

Napangiwi ako ng marinig ang sinasabi nila. Huminga muna ako ng malalim at tinanggal ang suot kong sumbrero.

Kung ayaw nila ang alok ko bakit hindi ko gamitin ang pagkakakilanlan nila sa akin?

"At bakit walang tumanggap sa alok kong magtrabaho?"- taas kilay kong sigaw at aroganteng pinasadahan ko sila ng tingin.

Napaatras sa takot ang iba.

Ganiyan nga matakot kayo hehehehe.

"Wala ba kayong tiwala sa anak ni Don Esquivel?!"- pananakot ko sa kanila.

Napatikhim ako ng makita ang mga reaksyon nilang nagsasabing wala talaga silang tiwala sa isang manunugal at tamad na katulad ko.

"Ngayong aalukan ko kayo ng iyong magiging hanapbuhay tsaka kayo aayaw? Akala ko ba ayaw niyong magutom ang inyong mga anak? Ang inyong mga kapatid? Hahayaan niyo na lang ba na ganito ang pamumuhay niyo?"- dramatikong saad ko at napapunas pa kunwari sa luha ko.

"N-ngunit señior, bilang pinuno ng bayang ito, hindi ba't nararapat na kayo ang gumawa ng paraan—"- pinutol ko ang sasabihin ng isang mamamayan.

"Tama ka ginoo! Kaya nga gumagawa na nga ako ng paraan upang mailigtas ang bayan na ito sa kalugmukan."- dagdag ko at bumaba sa upuan.

"Ngunit hindi tayo magtatagumpay kung ang mismong mamamayan ng bayang ito ay hindi kikilos!"- wika ko at kinuyom pa ang kamao ko para iparamdam sa kanila ang pighati ko.

"Tama ba ako?"- tanong ko sa kanila at pinandilatan sila ng mata.

Takot silang tumango-tango dahilan para mapangiti ako ng malawak at nilagay ang kamay ko sa dibdib.

"Kung ganon, sinong gustong magtrabaho sa akin? Ipinapangako kong gagawin ko ang lahat upang maging masagana ang bayang Esquivel!"- buong paninindigan kong sigaw.

"A-ako, señior!"

"Gusto ko ding magtrabaho, señior yael!"

Sunod-sunod nilang boluntaryo at pinalibutan ako.

"Kung ganun, pumila lamang kayo sa aking mayordomo at ipapaliwanag niya ang nilalaman ng kontrata."- ngisi ko at tinuro si hernan na ngayon ay gulat na gulat sa aking ginawa.

"Hiiiiiii!"- angil niya ng maraming kalalakihan ang pumila sa harapan niya.

Aligagang nilabas ni hernan ang kontrata at binasa sa kanila pagkatapos niyang isulat ang mga pangalan ng mga gustong magtrabaho.

Palihim naman akong umalis sa sentral at pinagpapawisang nagtago sa isang pader.

Nanginginig ang mga tuhod ko at kamay dahil sa ginawa ko kanina.

"Kalma esme. Sobrang galing mo."- papuri ko sa sarili habang hinahaplos ang dibdib kong sobrang bilis ng kabog kanina.

Muntik na akong mahimatay sa kaba kanina. Akalain mong nagawa ko yun sa harap ng maraming tao?! Patunay lang sobrang tapang ko. Tama! Sobrang tapang mo esme ahahahaha!

|Lahat ng nangyaring iyon ay narinig at napanuod ni silas. Hindi siya makapaniwala na ang señior na iyon ay anak ng alkalde ng bayang Esquivel. Hindi niya din akalaing may sira pala sa ulo ang lalakeng iyon. Sa isip niya, "kawawa naman ang mayordomo nito. Kasama niya ay may saltik sa ulo." Iiling-iling niyang naisip habang pinapanuod si hernan na hindi magkandaugaga sa pagsusulat ng mga pangalan.|




~ vis-beyan28
MelancholyMe

How To Be The Villain (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon