Chapter 7

211 15 0
                                    

ALTHEA'S POV


Nakatago ako ngayon sa isang eskenita dito sa park sa tingin ko ako ang habol nila. Haysss porket mahina eh si Ava talaga ang target.


*uwahhhhh mama*
Nakarinig ako ng iyak ng bata, agad naman akong dinunggol ng kaba. Dahan dahan akong sumilip at nakita ko ang isang batang lalaki na maliit siguro apat na taong gulang palang sya.
'Nasan ba ang magulang nyan!'

Kahit alam kong delikado ay agad akong tumakbo palapit sakanya.

"Ayun!"
Napatingin ako sa sumigaw kaya dinalian kong makalapit sa bata pero kung minamalas ka talaga! Natapilok ako at sakto naman ako sa bata kaya agad ko syang niyakap.

*bang*
Gumulong ako at nakayakap parin ako sa bata.

*bang*
*bang*
*bang

Sunod sunod na putok ang narinig ko kaya napatingin ako, nakahinga ako ng maluwag nang nandito na sila Shiloh, agad naman syang tumakbo sila palapit sakin

"Cous ayos ka lang?"
Nagaalalang tanong nya tumango lang ako sakanya.

"Ah"
Napadaing ako ng kumirot ang paa ko.

"Natapilok ako sa pagligtas dito sa bata"
Sagot ko kasi alam kong tatanungin ako ni Shiloh.

"Hala bat iniwan sya ng magulang nya"

"Bata nasan ang magulang mo?"
Tanong ko sakanya.

"Hindwi kow pow alawm"
Umiiling na sagot nito.

"Ang shabi pow niw mama may pupuwntahan lang daw sha"
Umiiyak na sagot nito.
Para akong nahihilo hindi ko alam kung nakit dumidilim ang paligid ko.

"Couz! Couz!"
Yun ang huling narinig ko bago ako mawalan ng malay.


SOMEONE'S POV

N

akatingin lang silang lahat sa bata hanggang sa mapatingin sila kay Ava na parang nahihilo.

"Couz! Couz!"
Sigaw ni Shiloh.

"May tama sya ng bala"
Agad namang nilapitan ni George ang kapatid at nakitang dumudugo ang braso nito agad nyang kinuha ang panyo sa bulsa at tinalian ang sugat.

"Dalhin natin sya sa hospital"
Agad nyang binuhat ang kapatid pero pinigilan sya ni Shiloh.

"K-kuya sa bahay nalang natin sya ipagamot a-ayaw kasi ni Ava sa hospital"
Tumango nalang ito at dali daling
sumakay sa van.

Nang makarating agad silang sinalubong ng family doctor nila na tinawagan bago makarating.

"Kamusta sya doc?"
Tanong ni Shiloh.

"Ayos naman na sya mabuti nalang at hindi malalim ang bala at dumaplis lang ito"
Tumango tango naman sya bago ihatid sa labas ang doctor.

"Hello dad"

'Anong balita?'

"Nadaplisan lang ng bala si Ava pero ayos na sya"

Reincarnated to the Modern World Where stories live. Discover now