"May nangyari ba sa ginoo kahapon? Sa pagkakaalam ko ay nagtungo siya sa sentral at nagsugal. Pagkatapos nun ay nakipag-inuman siya at umuwing lasing. Hindi kaya'y nasisiraan na siya ng bait? Baka may nainom siyang lason?!"- bulong niya sa sarili habang seryosong nag-iisip.

"Naririnig kita."- nakasimangot kong singit.

Nagulat naman ito at muling humarap nang nakayuko na.

"P-paumanhin, señior yael."- takot niyang saad na para bang sasaktan ko siya anumang oras.

Pero teka...anong tinawag niya sakin?

"Y-yael ba kamo?"- tanong ko at dahan-dahang lumapit sa kaniya.

Sinilip niya ako at kinakabahang umatras.

"Ako ba ang tinutukoy mong yael?"- turo ko sa sarili habang patuloy sa paglapit habang siya ay patuloy sa pag atras.

"O-opo, ikaw nga ho. Si señior yael."- mahinahong tugon niya at ng wala nang aatrasan ay napasandal na lamang ito sa pintuan.

"Yael Thiago Esquivel?!"- gulat kong tanong ng mapagtanto.

Pilit na napangiti ang mayordomo ko at tumango. "O-opo i-ikaw nga po...hiii!"- napayuko ito ng bigla kong itaas ang dalawang kamay ko. Akala niya siguro sasaktan ko siya pero ng maramdaman niyang walang dumapo na kamay sa kaniya ay sinilip niya ako.

Napahawak ako sa aking ulo habang di mawari ang emosyon sa aking mukha.

Yael Thiago Esquivel?! A-ako si Yael?! Ang lalakeng kontrabida sa librong The Greatest Magic User?! Ang lalakeng may konting screentime lang sa nobela at isang manunugal na anak ng alkalde ng Esquivel?

Paano? Bakit ako napunta sa katawan ng lalakeng ito? At sa librong binabasa ko pa? Ibig bang sabihin nito ay isa na akong side character ng paborito kong libro?!

F*CK!

______________________________________

"Señior, kayo ba'y nakakasigurong maayos ang iyong pakiramdam?"- tanong ng mayordomo kong ang pangalan ay Hernan.

Nakaupo ako ngayon sa sofa ng kwarto ko— kwarto pala ni yael. At nakasuot na ng magarang puting button down shirt, itim na pantalon, at kayumangging bota.

Nagmumukha akong prinsipe sa kasosyalan ng kasuotan niya.

"Ayos lang ako. Maari ka nang umalis hernan."- utos ko ng mailapag lahat ng pagkain sa lamesang harapan ko.

Sa tabi ng lamesa ay nakabukas ang beranda ng kwarto ko kaya kitang-kita ko sa labas ang naglalakihang puno na may iba't-ibang kulay.

Napabuntong hininga ako at napahilot sa ulo kong nananakit.

"May gusto ka pa bang sabihin?"- taas kilay kong tanong sa mayordomo ko ng hindi pa ito umaalis.

Tila nagtataka sa naging asal ko ngayon.

"A-ay wala na po. K-kung ganun, aalis na po ako."- yumuko ito at lumabas na sa kwarto.

Sa pagkakataong yun ay nilabas ko na ang nararamdaman kong kanina ko pa pinipigilan.

"Anong gagawin ko? P-paano kung malaman nilang hindi ako ang totoong yael? Atsaka anong nangyari sa kaluluwa ng totoong yael? Nagpalit ba kami? Napunta ba siya sa totoong mundo ko? P*tang*na! Anong gagawin ko?!"- tuloy-tuloy kong mura habang hindi mapakali sa kinauupuan ko.

Halos mangiligid ang luha ko sa mata dahil sa frustration na nararamdaman ko.

Natigil lamang ako ng makita ko muli ang bulto ko sa salamin.

"Ang gwapo ko naman"- mabilis kong papuri atsaka umupo ng maayos. Pinatong ko pa ang isang paa ko sa aking hita.

"Shet! Ang gwapo ko talaga!"- nakangisi kong dagdag.

Pero muli akong bumalik sa realidad ng maalala ang sitwasyon ko.

"Kalmahan lang natin muna. Kailangan kong mag-isip."- bulong ko at huminga-hinga ng malalim.

"Atin munang balikan ang nabasa kong libro. Sa pagkaka-alala ko, nasa season 1 lang si Yael Thiago Esquivel. Isa lang siya sa mga kontrabidang dumaan sa buhay ni Silas Orzon Zamora na bida sa nobela. Si Yael ay anak ng mayaman na alkalde. Siya ay dalawampu't limang taong gulang at mahilig manugal at uminom ng alak. Kilala siya bilang isang tarantadong anak ni Dominic Esquivel na walang ginawa kundi manakit ng ibang tao."- dere-deretso kong sabi habang nakahawak sa baba ko.

"At dahil sa hindi malamang dahilan napunta ang kaluluwa ko sa katawan niya. Hindi lamang ako pumasok sa nobela, naging lalaki ako at ang malala pa ay sa katawan pa ng isang kontrabida na mamamatay lang din naman."- napasinghap ako at umayos ng upo.

"Ibig sabihin ba nito ay mamamatay ako?!"- sigaw ko at napatayo sa kinauupuan.

"Hindi. Hindi ito maaari."- natatawa kong tanggi habang palakad-lakad sa loob ng kwarto.

"Ayoko pang mamatay. Mayaman na nga ako. Gusto kong sulitin ang kayamanan ng pamilya ng lalakeng ito."- matigas kong turo sa sarili.

"Tama! Iibahin ko ang nobela! Ang dahilan ng pagkamatay ng lalakeng ito ay dahil nakilala niya ang bida. Ibig sabihin, iiwasan ko si Silas Orzon Zamora, at magpakasaya sa kayamang mayron ako! Tama! Ahahahahaha!"- kontrabida kong tawa at tinaas ang dalawa kong kamay.

|Habang tumatawa na parang baliw si yael ay nasa labas ang kaniyang mayordomo na narinig ang kaniyang sinasabi. Nanlulumong napaiyak na lamang si hernan dahil tila nasisiraan na sa ulo ang kaniyang amo'ng matagal na niyang pinaglilingkuran.|



~vis-beyan28
MelancholyMe

How To Be The Villain (Complete)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ