6

34 2 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Cloud's PoV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Cloud's PoV

I stayed in the hospital for another week bago ako pinayagang madischarge pati na rin si Jenna. Unfortunately Cara is still in the ICU. Hindi ko masabi kay Jenna ang sitwasyon ng maayos because she's not listening and sabi ng doktor mas maganda ang wag ipilit sa kanya yung impormasyon at hayaan siyang makaalala.

"Is everything okay?" Jenna asked

"Ano... mauna lang muna ko lumabas, gusto ko na magpahangin" sambit ko sa kanila nina mama.

"Sige anak pero wag ka na lalayo sa sasakyan natin ha?"

"Opo ma"

I walked out but I was surprised to see Jewel pagbukas ko pa lang ng pinto. I tried my best to keep a straight face upon seeing her.

"Oh, Jewel? Bakit andito ka? Discharge na rin ako sana di ka na nagpunta"

"I... I just wanna check on you"

"Di ka ba hinahanap ng boyfriend mo?"

"Cloud..."

"Mauna na ko sayo"

"Cloud, can we... can we talk?"

"May pag-uusapan pa ba tayo?"

"Cloud... I..."

"Sa pagkakaalala ko kasi ikaw tong nanggago saken. Now I don't see the point in talking when in fact you don't see how much I hate seeing you right now" sambit ko.

Hindi ko alam san ko nahugot yung mga salitang yon. Those were not the words I wanted to say... I wanted to ask how happy she is now with her ex... if he's treating her right.. If it's worth it hurting me... for that guy... pero hindi ko din yata kayang marinig kung gano siya kasaya

"Mauna na ko sayo" sambit ko na lang leaving her alone standing there 

Jewel's PoV

I wiped my tears immediately after he left... each and every day... nandito ako sa labas ng kwarto niya kahit ayaw niya akong makita... I bring food for him and his parents kahit sabi ni Jenna layuan ko na siya... pero hindi ko kaya... hindi ko pala kayang wala sa tabi ko si Cloud.

He kept on telling me to go back to Lucas... but the moment he hesitated to say he loves me... dun pa lang alam ko na sa sarili ko na tama si Cloud... na ang tanga tanga ko to believe that I got Lucas back... na ang tanga tanga ko to use him as a bait for Lucas to get me back, ang tanga tanga ko believing that he loves me... coz he's just an asshole that I wished I never met.

Now it costed me my best friend... the man I failed to recognize...

"Jewel iha?"

"T-tita" bati ko sa kanila when they went out

"Nakita mo si Cloud?"

"Opo tita... magpapahangin daw"

"Tita sundan ko na po si Cloud" Jenna

"O-oo sige Jenna" sambit pa ni tita

"Jewel iha, pwede ka makausap?"

"Tita bakit po?"

"Ano ba talagang nangyayari sa inyo ni Cloud? Araw araw kang nandito pero di ka nagpapakita, I tried telling him but he just ignores my words"

"Tita... I..."

"Jewel?"

"N-nasaktan ko si Cloud tita... I'm... I'm sorry"

"Why? Bakit?"

"I... I don't have an excuse... sorry tita... sorry po" sambit ko covering my face in front of Cloud's mom

"Napag-usapan niyo na ba to?"

"H-he doesn't want to talk to me... I don't have the courage to... to push him to talk to me..."

"Give him time... hmm? Kilala mo naman ang anak ko di ba?"

"O-opo..."

"Then you should know what to do, right?"

"Tita..."

"Wala ako sa posisyong husgahan ang kung sino man sa mga nangyayari ngayon pero iha, usap ang kailangan sa tuwing hindi nagkakaintindihan. Hindi man agad agad pero darating at darating ang araw na... kung gusto niyong maayos ang isang bagay, kailangan niyo itong pag-usapan"

"Opo tita..."

"Oh siya... umuwi ka na. Kanina ka pang madaling araw andito magpahinga ka na muna, ha?"

"Opo tita... mag-iingat po kayo"

"Ikaw rin mag-ingat ka"

"Opo tita" 

Unfairly LovedWhere stories live. Discover now