Itinaas naman ng nurse ang damit ko para sa abdominal ultrasound. Pinanood ko lang ang ginawa ni Dok, naglagay siya ng parang water or gel sa abdomen ko hanggang sa ilagay na rin niya sa belly ko ang hawak-hawak niyang transducer.

She carefully moved it around on my belly while she looked at a sonogram to capture the images of my baby. I waited for her to tell me the result until she smiled at me very broadly.

"Oh ghad! Congratulations, hija!" masaya niyang sabi kaya napatitig ako sa kaniya.

"You have a baby in your womb. You are already in the first trimester, you are one week pregnant." nakangiting turan ni Doc sa akin.




          MALAKI ang pagkakangiti na nakapaskil sa aking labi. Sobrang saya ko! Tama nga ang hinala ko, nagdadalang-tao na nga ako. Sobrang lapad ng ngiti ko nang lumabas ako sa Maternity Clinic. Mabilis naman akong umalis doon at nagtungo sa meeting place namin ni Tita Maribel.

Tinago ko ang test result pati na rin 'yung ginamit kong pregnancy test kit kung saan may dalawang pulang guhit. I want to surprise Samael. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang magiging isa na siyang ganap na ama? Na buntis na ako?

Ewan, ang isipin ko na lang ngayon ay ang pagbubuntis ko. Sinabihan pa naman ako ng obstetrician na maselan ang pagbubuntis ko kaya dapat akong mag-ingat. Hindi rin ako maaaring ma-stress at kailangan kong kumain sa tamang oras lalo na ang mga healthy foods na mayaman sa bitamina.

Niresetahan na rin niya ako ng maiinom na vitamins, just to make sure na pareho kaming healthy ng baby ko. Dahil sa maselan ang pagdadalang-tao ko ay maaaring mabilis akong mapagod kahit kaonting galaw ko lang.

Pero dahil may anghel na dumating sa buhay naming dalawa ni Samael ay magdo-doble ingat na ako. Iingatan ko hindi lang ang sarili ko, kundi pati na rin ang aking anak na ngayon ay nasa sinapupunan ko na.

Hindi ko tuloy mapigilan na haplusin ang aking tiyan habang malawak na nakangiti. Na-e-excite na akong sabihin kay Samael ang totoo. Hindi na ako makapaghintay na makita ang magiging reaksyon niya.

Nakabalik naman ako agad sa meeting place namin ni Tita Maribel, sa isang coffee shop. Naghintay lang ako sa kaniya at habang naghihintay ako sa kaniya ay umorder na muna ako ng makakain ko. I was quietly enjoying eating my cheesecake when someone sat down in the vacant chair.

Nabigla naman ako nang makilala at maalala ko kung sino siya. Natigilan tuloy ako sa pagsubo sa kinakain ko. He's the guy I saw at the market! 'Yung lalaking gwapo na may tattoo na rosas sa gilid ng kaniyang leeg.

But what is he doing here? Bakit siya naupo sa silyang katapat ko? Hindi ko tuloy napigilan na sakluban ng takot at kaba, ngunit hindi ko 'yon sa kaniya pinahalata. Does he need anything from me?

"Hi, nice to see you again." he said and smiled.

May suot pa rin siyang sumbrero pero dahil nasa tapat ko siya ay harap-harapan ko nang nakikita ang kaniyang mukha. Mas gwapo pala siya kapag malapitan, pero bakit gano'n? Why do we both have similarities? Lalo na pagdating sa kulay ng mata.

Luminga-linga naman ako sa paligid ko, walang masyadong katao-tao rito sa loob ng coffee shop at ang mga kasama kong bodyguards ay pinaghihintay ko na lang sa labas dahil kay Tita Maribel lang naman ako makikipagkita. But I didn't expect to see this man again. I don't even know him.

Tatayo na sana ako dahil ayoko siyang i-entertain lalo na't hindi ko naman siya lubusang kilala pero mabilis niya akong napigilan gamit ang paghawak sa aking braso.

"Please, Ilaria. Sit down first. I need to talk to you and I don't want to waste this opportunity to talk to you," pakiusap niya na nagpakunot sa noo ko.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon