Chapter 22

13.2K 292 29
                                    

AN: Happy 115K reads.. :D and #21 in Random stories lol

Pls follow me on my YouTube Channel: MV-Michelley

Thanks 😘

Enjoy the UD :*


ps:no edit

_________________________________________________________


Eden's POV



Para akong natulala na hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, pinipilit kong magpakatatag pero di ko alam kung bakit tila may namumuong luha na naman sa mata ko. Abby just hug me tight, na mas lalo akong naging emotional.


"This can't be Abby, hindi dapat ako umiiyak sa kanya, I promise to myself", I said between sobs


I try and try not to cry, but sh*t naman oh, bakit nasasaktan parin ako? Bakit hindi parin tumitigil ang mata ko sa kakaiyak? HIndi siya karapat dapat iyakan, kasi gago siya. Hindi lang siya nambabae, nagka anak pa siya sa iba, pero bakit ang sakit-sakit? Bakit kahit anong pigil ko sa sarili ko nasasaktan parin ako.


"Iiyak mo lang yan Eden, ibuhos mo lahat ng nararamdaman mo, nandito lang ako"


"Sh*t lang Abby, bakit ang sakit-sakit parin? Bakit kahit anong pigil ko sa sarili ko na hindi umiyak, at deadmahin ang lahat tungkol sa kanya, pero lang ya Abby nasasaktan parin ako eeehh, Bakit?"


Di ko na alam anong gagawin ko sa sarili ko, kung pwede lang umpugin tong ulo ko ng makalimutan ko na siya, kung pwede lang magka amnesia at makalimutan siya, mas pipiliin ko yon, mawala lang ang sakit na nararamdaman ko.


"Eden, all your life umiikot lang kay Jake, sa tanang buhay mo si Jake ang naging mundo mo, imposibleng mangyari na makalimutan at maka move on ka agad Eden, it takes time to heal the wound. Magpakatatag ka, pahalagahan mo ang sarili mo"


"Anong gagawin ko? Abby ano ang dapat kong gawin? Durog na durog na ako gusto ko na siyang makalimutan"


"Eden, take one step at a time, besides kung decidido ka talagang iwan siya, I can help you don't worry"


I don't know in what possible way Abby can help me but i know Abby, pag sasabihin niyang she will help me, then she will. Baliw na nga siguro ako at tatanga-tanga sa pag-ibig, kung naiinis kayo sa akin mas lalo akong naiinis sa sarili ko. Gayunpaman alam ko hindi dapat minamadali ang lahat, in the right time makakalimutan ko rin siya, kasama ang sakit na inukit niya sa puso ko, kahit maging durog man ako at ang pagkatao ko, wala akong paki-alam dahil gagawa at gagawa ako ng paraan para maging bou ulit ako.


Totoo ang sinabi ni Abby sa tanang buhay ko sa kanya lang umikot ang mundo ko, ng nagsama kami naglahong parang bula ang lahat ng pangarap ko, kasi para sa akin bakit pa ako mangangarap na kung ang taong gusto kong makasama habang buhay kapiling ko na.


Pero doon ako nagkakamali, ang pangarap kong magtayo ng sarili kong negosyo na matatawag kong akin hindi ko na gagawan ng paraan para matupad iyon, ang pangarap kong magtayo ng sariling hotel nawala na sa isipan ko, kung tutuusin ang buhay ko ngayon ay parang tutang sunod ng sunod sa amo niya.

Cry of an Innocent Wife (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon