Dahan-dahan akong bumangon. I pressed my feet on the cold hard floor, saka ako tumayo. Hinawakan ako ni Casper sa balikat nang makatayo ako. "Kailangan nating mag-usap. Kaya mo na bang maglakad?"

I nodded then held his hand. "Magaan naman na ang pakiramdam ko Casper. Hindi mo na kailangan pang mag-alala. Okay na ako, promise."

He looked into my eyes to check if I really am okay. Yumuko ito para gawaran ako ng halik sa noo. "Wait for me here," he whispered. He opened the door and left the room.

Umupo ako sa kama at doon naghintay. Iniisip ko kung ano ang gagawin ni Casper sa labas, pero mas iniisip ko ang pagkakonsesniya ko sa ginawa ko rito. I should have never left him. Kung hindi ako umalis sa puder nito, hindi sana ako napahamak. Hindi rin sana ito naabala pa nang dahil sa akin. Sinabi sa akin ni Dominic na maraming inaasikasong bagay si Casper kaya madalas itong wala. Nag-aaral daw ito kung paano mamahala ng isang teritoryo anang kakambal niya. Medyo nahihirapan daw si Casper dahil nai-stuck daw ang knowledge nito mula nang nahimbing ito ng daang taon.

Marami na nga itong problema dumadagdag pa ako. Eh kung magpakamatay na lang kaya ako para lalong matuwa ang reader nating nagtatago sa pangalang MafiaGirL? Baka makaramdam na naman siya ng Joy dishwashing liquid sa puso niya.

Umawang ang pinto at dumungaw doon ang ulo ni Casper. "Hey," pagtawag nito sa akin mula sa likuran ng pinto. Nginitian ko ito kaya naman napatikhim ito. "I am not your husband," anito.

"Oh," tanging usal ko nang mapag-alamang si Dominic pala ang kaharap ko. "May kailangan ka?"

"Yes, I need you to come with me downstairs. Casper told me that he asked you to wait here. May mahalaga silang pinag-uusapan ni Vernice kaya hindi siya makaakyat agad dito para tawagin ka papunta sa baba, kaya ako na lang ang umakyat dito para tawagin ka."

Bigla akong napatayo nang malaman kong kausap nito si Vernice. "B-bakit sila nag-uusap? Nag-aaway na naman ba sila?" agad kong tanong.

"If you're really curious and you want to know what's going on between them downstairs, why don't you just come with me?"

Matapos nitong magsalita ay tinitigan ako nito ng ilang saglit. Makayari ang ilang segundo ay naglakad na ito palayo. Agad akong napahabol dito. Pababa na ito ng hagdan nang maabutan ko ito. Bahagya pa itong natawa nang mapansin nitong nagmamadali ako para maabutan siya.

Pumasok ito sa opisina niya, pumasok din ako. Naririto na naman ako sa lugar kung saan una ko silang nakita ni Vernice na gumagawa ng kababalaghan.

Nakaupo sina Casper at Vernice sa magkatapat na sofa. Habang nakatitig ako sa sofa ay hindi mawala sa isip ko ang paghaharlem shake nina Dominic at Vernice na nasaksihan ko.

"Rica!" sigaw ni Caper sa isip ko. Humarap ito sa akin at puno ng pagtataka ang mukha nito. "What the hell are you thinking?" iritadong tanong nito.

I tried to keep my thoughts straight. Hindi ako puwedeng mag-isip ng porn! Nababasa ni Casper ang isip ko. "W-wala," nahihiyang sagot ko sa asawa ko.

"Come, sit beside me."

Sit beside him? Pero sa sofang 'yon nag-ano--- Aisht! Shit. Bago pa man lumaganap ang mga malalaswang imahe sa imahinasyon ko ay tumabi na ako kay Casper. Diretsong tinitigan ako ni Vernice sa mga mata nang magtama ang tingin naming dalawa.

Matalim ang paraan nito ng pagtitig sa akin. Natatakot ako rito kaya napayuko ako at napaiwas ng tingin. Ramdam kong nakatitig pa rin ito sa akin kahat hindi ko siya tinititigan. Bakit ba sila nag-uusap ni Casper? Teka, siya kaya ang dahilan kung bakit muntikan na naman akong mamatay?

Umupo sa tabi ni Vernice si Dominic. "Rica, do you know those persons who attacked you?" tanong nito mayaring umupo sa tabi ng kasintahan. Napalitan akong magtaas ng tingin para salubungin ang mga mata nito. I shook my head. "Then do you know any reason why they tried to kill you?"

Muli akong umiling. "Hindi ko sila kilala at wala rin akong alam na rason para pagtangkaan nila ang buhay ko, maliban na lang kung inutusan sila ni Vernice na patayin ako," matapang kong sagot.

Mayari kong sabihin iyon ay napataas ang kilay ni Vernice. She raised her eyebrow and looked at me in a sharp way. "That's ridiculous," anito na napatawa ng mapakla. "I can't believe that you're that stupid."

Hinawakan ito ni Dominic sa balikat para hindi na ito magsalita pa. "Rica that doesn't make sense. She was the one who told Casper that you were gone. If it wasn't for her, you could be dead right now. She said that you were with someone before you left, may I know who's that person?"

Patay. Hindi ko puwedeng sabihin na si Althea ang tumutulong sa akin dahil baka maipahamak ko pa ito. Sigurado naman akong wala itong kinalaman sa muntikan ko na namang pagkamatay. She's a friend, she would never harm me.

"Hindi ko alam ang pangalan niya," pagsisinungaling ko. "Nagpresinta lang itong tumulong sa akin para makabalik ako sa bahay namin."

Napatawa ng mapakla si Vernice. "What a terrible liar!"

"Rica, kung wala kang impormasyon na maibibigay sa akin tungkol sa huling kasama mo ay wala ring i-uusad ang imbestigasyon na ginagawa namin ukol sa mga pagtatangka sa buhay mo," ani Dominic.

"S-sorry, hindi ko talaga kilala kung sino ang tumulong sa akin pasensiya na. Eh kung 'yong mga nagtangka na lang kaya sa buhay ko ang tanungin niyo, nahuli niyo ba?"

"They got away," Casper hissed.

Hindi ko talaga puwedeng ipaalam sa mga ito ang tungkol kay Althea dahil nangako akong walang makakaalam na ito ang tumutulong sa akin. Hindi rin daw si Vernice ang may kagagawan nito sa akin. Pero may duda ako na kaya lang nito sinabi ang tungkol sa pag-alis ko ay dahil ayaw nitong mapagbintangan. O baka naman wala naman talaga itong kasalanan? Hindi ko na alam, wala na akong alam. Nabobobo na ako.

_________________________

DON'T FORGET TO VOTE 😀


Married to a Stranger [R-18] [Completed] [Published]Where stories live. Discover now